Thirty One

1 0 0
                                    

Makalipas ang ilang oras, nagsimula na ang VIP meet and greet. Dumaan ang iba't ibang mga bisita-mga kilalang tao sa industriya, mga negosyante, at mga kilalang personalidad. Ngunit sa bawat paglapit ng bisita, tila nagiging mas mabigat ang dibdib ni Gelo. Hindi maalis sa isip niya si Anya.

Pagkatapos ng meet and greet, agad niyang hinanap ang pwesto ni Rhadson. Sa pagkakarinig niya sa isang executive ng hotel, galing pa raw sa abroad si Rhadson at ayaw nitong magpaunlak ng anumang interview kahit isa ito sa benefactor ng naganap na charity ball. But of course, Gelo didn't buy that reason, he insisted what he wanted. Gusto niyang malaman ang totoo-gusto niyang malaman kung ano na talaga ang nangyari kay Anya.

Nasa isang VIP table si Rhadson, abala rin sa pakikipag-usap sa ilang mga kakilala. Nang makita siya ni Gelo, tumayo ito at tumango sa kanya, tila alam na niya agad na may kailangan siyang itanong. Hindi na rin siya nagulat dahil nakita niya ang pangalan nito sa guest list.

"Puwede ba kitang makausap sandali?" tanong ni Gelo, habang pilit na pinipigilan ang kaba. Tumango si Rhadson at tumayo, sabay silang lumabas ng function hall at pumunta sa isang tahimik na bahagi ng venue.

"Ano'ng kailangan mo, Gelo?" tanong ni Rhadson sa malamig na tono ng kanyang boses. "Aren't you happy that you're accomplished, like what you dreamed of?"

Gelo managed to control his emotions. There's an obvious arrogance on Rhadson. He's being hostile.

Panandalian siyang tumahimik bago tuluyang nagsalita. "Si Anya."

Napakunot ang noo ni Rhadson at biglang kumuyom ang kanyang mga palad. "Ano'ng tungkol kay Anya? Tahimik na ang buhay niya."

"Alam ko na matagal nang tapos ang sa amin ni Anya, pero gusto ko lang malaman kung okay ba siya. Parang... parang hindi siya masaya. Akala ko, aalagaan mo siya. Pero bakit kailangan niyang magtrabaho na parang nahihirapan siya?"

Napatingin si Rhadson kay Gelo, at sa unang pagkakataon, nakita niya ang totoong pag-aalala sa mga mata nito.

"Paano mo nasabing hindi siya masaya? Since you left after that incident, ako na ang umagapay sa kanya," giit naman ni Rhadson.

"Malamang. Dahil pinigilan mo ako." A sudden hint of anger grew on Gelo.

"That's for the better. Hindi ka magiging successful kung hindi kayo nagkalayo ni Anya. And, she's happy being with me," pagsisinungaling pa ni Rhadson. Kahit na ang totoo, ilang beses na rin siyang ni-reject ni Anya sa confession nito. The only same reason was she doesn't have feelings for him. Alam naman niya kung bakit.

"Hindi iyon ang nakikita ko. Alam kong inilalayo mo pa rin si Anya. Pero maghintay ka lang dahil babawi na ako, this time. Kaya ko na siyang ipaglaban." May himig ng pagbabanta sa boses ni Gelo.

"Well, good luck. And goodnight!" sarkastiko ang pagkakabitiw ni Rhadson ng mga salita nang iwan niya si Gelo na halatang inis na inis sa kanilang pag-uusap.

***

Pagkaraan ng ilang linggo, may schedule na naman si Anya sa pagpunta sa isang simbahan. Mayro'n kasing All Saints Day celebration ang orphanage. Magkakaroon din ng event para makipaglaro at tumulong sa orphaned children na naroon. Ganito na ang naging tradisyon niya dahil na rin sa pag-e-encourage ni Rhadson na mag-participate siya sa mga institusyon na tinutulungan ng business nito.

Since it's an All Saints Day celebration, kids were dressed up like some saints or any religious related person. Suot ni Anya ang puting mahabang damit na halos mapagkakamalan na siyang portrayer ni Mama Mary tuwing Semana Santa. Pinarisan pa niya iyon ng belo na light pink ang kulay. Tuwang tuwa ang mga bata nang makita siya at kahit sa misa, kasama pa siya.

Matapos ang mass para sa charitable event. Narinig niyang nag-uusap ang mga staff ng orphanage. May bisita pa raw na darating at halatang kinikilig na ang mga ito.

"Gwapo raw. Iisang tao lang naman ang naiisip ko sa salitang 'yon." Ngumiti si Anya nang biglang pumasok sa isipan niya si Gelo.

But she quickly shrugged off those thoughts of him. Bigla niyang naalala na kailangan niyang linisin ang swimming pool dahil pinakisuyo iyon ng isa sa mga staff.

Habang abala si Anya sa paglilinis, napansin niyang may laruan na nasa pool. Naalala niyang nahulog iyon ng isang bata at umiiyak pa nga ito dahil napagalitan pa ito ng staff dahil delikado para sa mga bata na magpunta sa six feet pool. Agad niyang tinanggal ang belo para sungkitin sana ang laruang nakalubog sa tubig ngunit nawalan siya ng balanse.

At that moment, she's struggling to hold her breath. Hindi nga pala siya marunong lumangoy. She thought that she would be at the heaven's front gate after this. Hindi na niya alam ang nangyayari at parang malalagutan na siya ng hininga hangga't sa naramdaman niya ang paghablot sa braso niya habang kinakampay kampay iyon sa tubig.

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon