Sa likod ng kaba at pagkalito, naramdaman ni Anya ang mabilis na paglapit ni Gelo.
"Anya, sandali lang," tawag ni Gelo at pilit niyang binibilisan ang kanyang mga hakbang. "Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nag-uusap nang maayos."
Napahinto si Anya at napilitang humarap kay Gelo. "Tama si Rhadson, mas sikat ka na ngayon. Mas marami nang nakakakilala sa'yo."
"Eh, ano naman?" Gelo shrugged. Sinalubong niya ang mga mata ni Anya, nakikita niya ang pagkabahala at pag-aalinlangan sa kanilang sitwasyon.
"Masisira kita, hindi mo ba gets? Umalis ka na," pagtataboy ni Anya.
"Wala akong paki kung masira man ako, lalo na kung ikaw ang sisira sa'kin," sagot nito nang tahasan. "At simula nang malayo ako sa'yo after several years, sirang sira na rin ako."
"Tama na, Gelo." May pagpapakiusap ang tono ni Anya. "Lagi mo na lang niri-risk ang sarili mo. Pwede bang tumigil ka na? Kung ganyan na parang binibigyan mo ako ng hopes na bumalik tayo sa dati, mas lalo akong naguguluhan."
"Okay. Nakikipagkaibigan ako sa'yo, sincere nga 'yon pero pinagtatabuyan mo pa rin ako. Ganyan na ganyan ka dahil hyper independent ka pa rin. Okay, sige. I won't bother you anymore, Anya. Sana maging masaya ka na lang."
Pabalagbag na tinalikuran ni Gelo si Anya. He didn't mean what he said. It's just that he's trying to test if she will beg for him to stay. Pero hindi niya nagustuhan ang hindi paghabol ni Anya. Parang roller coaster ang nangyari sa araw na ito, and he hated it.
Habang palayo si Gelo, nararamdaman niyang tila may mabigat na bagay na bumabalot sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi niya dapat sinabing hindi na siya makikialam sa buhay ni Anya, pero nadala siya ng kanyang emosyon.
Samantalang si Anya, halos hindi na makagalaw. Nakatitig siya sa direksyon kung saan palayo ang sasakyan ni Gelo, pakiramdam niya'y binibitbit nito ang isang bahagi ng kanyang puso. Sa dilim ng gabi, bumigat lalo ang kanilang mga pakiramdam, puno ng pangambang baka ang gabing ito ang huling pagkakataon para sa kanilang dalawa.
***
Tahimik na naupo si Gelo sa isang backseat at pinipilit pakalmahin ang sarili. Ngunit sa kabila ng lungkot na nararamdaman, naroon pa rin ang determinasyong ayusin ang lahat. Kinuha ni niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa at muling binasa ang numero ni Anya. Hindi niya alam kung tatawagan ba niya ito o magte-text na lang siya.
Samantala, si Anya naman ay bumalik sa loob ng orphanage, pilit inaalis sa isipan ang mga binitawang salita ni Gelo. Sinubukan niyang aliwin ang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga bata, pero kahit ngiti sa mga bata'y tila pilit ang demeanor na mayro'n siya. Kitang-kita ng mga staff na may iniinda siyang lungkot. In an instant, Rhadson approached her.
"Okay ka lang?" tanong nito na puno ng pag-aalala. But of course, he knew that she wasn't, because of Gelo.
Nagbigay si Anya ng isang matamlay na ngiti. "Oo naman. Kaya ko pa."
"Hindi mo kailangang magpanggap na okay," paalala ni Rhadson. "Kung gusto mong umalis muna rito, nandito ako para humalili sa'yo. Or kung kailangan mo ng kausap..."
Umiling si Anya. "Salamat, Rhadson, pero okay lang naman talaga ako."
Biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone, isang text message mula kay Gelo ang kanyang natanggap:
"Anya, I'm sorry for earlier. I know we're both confused, and maybe, talking isn't helping right now. But I just want you to know... I'll always be here if you need a friend, don't push me away."
Hinintay niyang maramdaman ang sakit o pangamba, pero sa halip, naroon ang bahagyang paggaan ng kanyang loob.
Nagtype siya ng maiksing tugon at nagpadala ng mensahe.
"Nasaan ka ngayon? Nakauwi ka na ba?"
She bit her lower lip after she sent her reply. Ngayon niya napagtanto ang karupukan niya pagdating sa dati niyang nobyo.
BINABASA MO ANG
Peace Be With You, Please Be With Me
General FictionPagkatapos ng anim na buwang pakikipag-date, napagtanto nina Anya at Gelo na hindi pala magwo-work ang kanilang relasyon. Nagkasundo silang maghiwalay at mag-focus sa kani-kanilang landas. Gayunpaman, nangako silang mananatiling mabuting magkaibigan...