Papalayo na si Gelo at nakasalubong niya ang isang staff na mukhang siya yata ang pakay.
"Sir Gelo. May isa pang activity na dapat naroon din kayo bilang benefactor ng orphanage. Pwede ba kayong makipaglaro sa mga bata? Si Ms. Anya, tutulungan niya rin naman kayo," magalang na sabi ng staff.
"Sure. I'm sorry if hindi ako nakapunta doon kaagad." Naging apologetic si Gelo. Napansin niyang sumunod na rin pala si Anya dahil narinig nito ang pag-uusap.
Mabilis niyang nilingon si Anya at sinabayan ang paglalakad nito.
"Baka pwedeng pagtapos ng araw na 'to, eh mag-usap tayo ulit. Or kung hindi na kaya, bigay mo na lang sa'kin ang number mo," biglang sabi ni Gelo na nagpahinto kay Anya. Paano ba naman kasi, biglang lumundag sa tuwa ang puso niya dahil sa pagiging outspoken ni Gelo na talagang ituloy muli ang naputol nilang komunikasyon.
Biglang nilabas ni Gelo ang phone at hinayaan si Anya na i-type ang number nito. And after that, dala yata ng kahihiyan, Anya just ran away. She's in an obvious rush.
Umiling-iling si Gelo habang tinatanaw si Anya na papalayo. Tinawanan niya pa ito. Nakikita niya ulit ang dating Anya—iyong palaging hindi mapakali, palaging pabirong umaalis kapag nahihiya.
Habang nakikipaglaro sila ng mga bata sa orphanage, ramdam ng dalawa ang pagbabago ng kanilang sitwasyon. Nagiging mas madali na ulit ang pagngiti, mas magaan ang kanilang pakiramdam sa isa't isa. Sa bawat tawa ng mga bata at sa bawat tinginan nila ni Gelo, unti-unting nawawala ang bigat ng nakaraan. Sa bawat hagikhikan ng mga bata at sa bawat palihim na sulyap nila sa isa't isa, naroon ang isang bagong kapana-panabik na pakiramdam—isang uri ng pag-asa na hindi nila naramdaman noon.
Nang matapos na ang mga laro at iilang programa, pinanood ni Gelo si Anya nang tahimik habang masigasig nitong tinutulungan ang mga bata na maghanda para sa kanilang dinner. Kitang-kita niya kung paano ito nagbigay ng pansin sa bawat bata at kung paano ito ngumiti at tumawa nang parang walang bigat sa puso.
Napansin naman ni Anya si Gelo kaya nilapitan niya rin ito. "Anong tinitingnan mo dyan?"
"Wala naman. Iniisip ko lang kung paano mo pa rin nagagawang ngumiti nang ganyan kahit nakakapagod ang mga kaganapan ngayong araw," sagot pa ni Gelo na hindi makatingin nang diretso kay Anya. Alam niyang may mga salitang hindi pa rin dapat banggitin, ngunit gusto niyang sabihin ang totoo, given that they're already close to each other. Ayaw naman niyang magsisi na hindi niya masabi ang totoo niyang saloobin.
Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila bago sumagot si Anya. "Alam mo, Gelo, hindi ko rin alam. Siguro, natutunan ko na ring tanggapin na may mga bagay na hindi ko na kontrolado pa. At siguro, mas natutunan kong yakapin kung anong mayro'n ako ngayon."
Magsasalita sana si Gelo nang biglang pumagitna na ang mga staff sa kanilang dalawa. Kasama pala nila si Rhadson na hindi pa nakakauwi at halatang dismayado sa nasaksihan nitong tagpo.
"I heard that your manager is already looking for you," sabad ni Rhadson na pilit itinatago ang inis habang kausap si Gelo. Hindi niya inaasahan na talagang tototohanin nga ni Gelo ang sinabi nitong ilalaban niya kung anong natapos sa kanila ni Anya. Hindi na ito kagaya dati na handang mawalan ng career kapag nasangkot sa issues, partikular na sa kung may babae itong i-date.
"Saan mo naman nasagap 'yan? Mag-isa na lang akong pumunta rito at walang kinalaman ang management sa charity works ko." Gelo sounded in obvious sarcasm.
Napalitan ng tensyon ang paligid sa pagpasok ni Rhadson. Mabilis na luminya sa likod ni Anya, tila nahulaan nila ang hindi pagkakaintindihan na nag-uugat sa pagitan ng mga nakatatanda.
"Pasensya na, Gelo, pero for sure, kailangang alagaan mo ang mayro'n ka—which is your own reputation," paalala ni Rhadson na may tono ng pagmamakaawa. Hindi na ito nagbigay ng pagkakataon kay Gelo na makasagot at nagpatuloy sa kanyang pananalita, "Tama na ang pakikipag-usap kay Anya. Hindi mo na siya kailangan pang makasama, hindi mo na siya responsibilidad pa."
Hindi makapaniwala si Anya sa narinig. Nakaramdam siya ng bahagyang galit at hindi makapagsalita. Para bang may hangganan nang itinakda ang kanilang pagkakataon para makausap si Gelo, at narito si Rhadson upang hadlangan ang lahat.
"Kailangan natin ng good impression sa mga bata at hindi nakakabuti ang pag-uusap ninyo. Hindi makapag-focus si Anya," dagdag pa ni Rhadson.
"Heto na nga iyon, nagpapa-impress din naman talaga ako at beneficial iyon sa career ko," hindi patatalong sagot naman ni Gelo.
Nagsimula nang mag-panic si Anya. Hindi niya alam kung paano siya papagitan sa tensyon. Pakiramdam niya'y tila siya ang nagiging dahilan ng alitan ng dalawang binata.
"Tama na." Sa wakas ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob.
"Anya, ito na lang ang masasabi ko," sagot ni Rhadson, mas mapagbanta na ang tono. "May history na si Gelo na nagpapatunay na hindi maganda ang naging dulot niya sa'yo. At ngayong mas sikat na siya, his reputation is always on stake."
"Hindi ito tungkol sa reputasyon. Huwag na tayong maglokohan," matapang na tugon ni Gelo.
Naging tahimik ang lahat. Ang mga bata sa likuran ay tumitingin sa kanilang mga nakatatanda na tila naguguluhan.
"I'm sorry, everyone." Naramdaman din sa wakas ni Rhadson ang pagkapahiya. He acted like nothing happened. Binalik niya ang ngiti sa mga taong nakatingin lamang sa kanila at ginawa na rin niyang abala ang kanyang sarili.
Nawala ang magandang mood ni Anya kaya tumalikod siya saka tumakbo palayo. Sa likod niya, nakasunod pala si Gelo nang hindi niya namamalayan.
BINABASA MO ANG
Peace Be With You, Please Be With Me
General FictionPagkatapos ng anim na buwang pakikipag-date, napagtanto nina Anya at Gelo na hindi pala magwo-work ang kanilang relasyon. Nagkasundo silang maghiwalay at mag-focus sa kani-kanilang landas. Gayunpaman, nangako silang mananatiling mabuting magkaibigan...