One

262 60 61
                                    

Welcome 2024!





Nakaayos na ang New Year's sale sa Playful Dreams, ang toy shop na pinapalago pa rin ni Anya sa ngayon. Lahat ng pangit na pangyayari sa nakaraang taon ay tuluyan na nga niyang binitawan at bibitawan- including Gelo.

"Hindi naman siya pangit. Hindi rin pangit ang samahan namin," naiiling na pakli niya sa sarili. Lumapad na lang ang ngiti niya nang makita ang mga customer na matiyagang nakapila sa labas. Kahit natapos na ang Holiday season, maganda pa rin ang income ng toy store ni Anya. Thanks to her ex.

"Siya na naman." Napabuga siya ng hangin. Kahit na hindi na niya boyfriend si Gelo, wala siyang naramdamang bitterness sa pagtatapos ng ugnayan nilang dalawa. Even though that breakup seemed improper like he ghosted her, hindi niya nagawang magtanim ng galit. Maganda ang pinagsamahan nila, they were like bestfriends too. Parang mas malalim na ang familiarity nila sa isa't isa kahit kalahating taon lang sila na naging mag-on.

Huminga ulit nang malalim si Anya at tuluyang binuksan ang Playful Dreams. Muling gumaan ang pakiramdam niya nang makita ang mga ngiti ng bawat bata na customers. Ilan sa mga ito ay naging pamilyar na sa kanya kahit hindi niya matandaan ang mga pangalan.

"Wow. Ang pogi talaga ng mga lalaki sa poster na 'yan. Sino ba sila? May isa dyan parang nakita ko na sa TikTok," masiglang tanong ng isang batang babae na parang nasa sampung taon lang ang edad. Nakatuon ang mga mata nito sa poster na nakapaskil pa rin sa dingding ng shop. Poster lang naman 'yon ng boygroup na BGYO at leader pa ng grupo ang ex-boyfriend ni Anya.

"Ask natin kay ate, baka mga K-pop pala 'yan tapos i-search natin kasi ang pogi nila," enthusiastic na mungkahi naman ng isa pang batang babae. Hindi naalis ang ngiti sa mga labi nila nang i-approach si Anya sa mga sandaling iyon.

"Ate ganda," panimula ng batang babae.

"Hello. Ikaw si- ano nga ulit ang pangalan mo? Customer na kita dati," apologetic na tanong ni Anya.

"Maureen po. At ito naman ang friend kong si Pia."

"Okay, Maureen. Anong maitutulong ko sa inyo? May gusto ba kayong laruan? Or collectibles? Like Kuromi? Keroppi?" masiglang tanong ni Anya. Feel na feel niya tuloy ang validation na maganda pala siya dahil bata ang nagsabi. Kids don't lie as they say.

"Pwede po ba naming malaman kung anong K-pop group ang nasa poster n'yo po?" tanong ni Maureen.

"Iyan? Naku, hindi sila K-pop. Mga Pilipino rin sila," pagtatama ni Anya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng tensyon dahil ngayon niya lang na-realize na hindi pa pala niya nababaklas ang poster na binigay pa mismo ni Gelo noon. And last month, sinubukan na niyang tanggalin iyon, pero may kung ano yatang dinikit sa pader ang kanyang ex at nahirapan siya sa pagbaklas. Siya na mismo ang sumuko at hinayaan na lang iyon.

"Pilipino na K-pop?" sabad naman ng batang si Pia.

"Hindi. Hindi naman nila ginagaya ang K-pop. Nagkataon lang na pareho ang genre nila sa Korean pop," paliwanag pa ni Anya. She couldn't understand why she feels like she needs to defend the group, kahit wala pa naman siyang masamang feedback na naririnig. Pero sa wari niya, parang doon na rin naman papunta ang komento ng mga batang kausap niya, dahil nga hindi naman nature ng mga bata na magsinungaling at kadalasan sa kanila, very outspoken sa kung anong laman ng kanilang isipan.

"Ah, mga Pilipino rin po pala sila. Ang astig! Parang gusto ko silang mapanood," ani Maureen.

"May mga music video sila sa YouTube. Pwede ninyong i-search doon tapos may TikTok din sila," mungkahi ni Anya. Hindi niya maikakaila ang tuwang nararamdaman kapag pinag-uusapan ang boygroup na iyon, kahit pa konektado pa ito kay Gelo. Dahil masaya naman talaga siya bilang tagahanga ng mga ito.

"Ate Ganda, pwede po bang pa-autograph sa mga poster kung sakaling ma-meet n'yo sila?" tanong ni Pia na may maliwanag na ngiti.

"Autograph? Sige, kung makakapunta ako sa mga event nila. Ang bilis mo namang maging fan nila, nakakatuwa," sagot pa ni Anya.

"Talaga, ate? Sana makita namin siya," sagot ni Maureen na puno ng excitement sa boses nito. "Parang may crush na ako agad sa kanila."

"Crush? Ang babata n'yo pa para do'n," hirit naman ni Anya sa mga bata.

"Wala naman pong masama. Ito po ang crush ko," sabi pa ni Maureen nang ituro si Mikki sa poster.

"Ito naman po ang crush ko, ate," sabad naman ni Pia, sabay turo sa larawan ni Gelo.

"Pareho tayo ng taste, huh?" pabulong na sambit ni Anya. Mas lalo lang siyang napangiti nang sumagi na naman sa isip niya si Gelo. Dapat nga, sa pagkakataong ito, sinusubukan na niyang i-process ang pagmo-move on at may karapatan pa nga siyang magalit.
Ibinalik ni Anya ang tingin sa mga batang masayang namimili. Para sa kanya, bawat ngiti ng bata ay katumbas ng isang tagumpay sa kanyang karera at negosyo. Iyon naman kasi ang talagang purpose kung bakit siya nagtayo ng maliit na toy shop.

Sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni, dumating ang isang hindi inaasahang bisita niya na si Shantel, ang matalik niyang kaibigan.

"Shantel! Napadaan ka?" masayang bati ni Anya.

"Syempre naman, bagong taon eh. Kailangan natin mag-celebrate!" tugon pa ni Shantel habang yakap si Anya.

"Sakto! Pagkatapos nito, labas tayo," mungkahi ni Anya. "Isama mo si Addie."

"Nasa in-laws ko, eh. Tayo na lang ang lumabas. Saka pag-uusapan natin ang permit mo, na-renew mo na ba? Baka magkaproblema ka na naman niyan sa BIR," concerned na banggit pa ni Shantel.

Bigla tuloy nasapo ni Anya ang noo. "Oo nga pala. May mga kailangan akong kunin na permit ngayong January. Bukas pag open na ulit ang city hall, aasikasuhin ko na."

"Preoccupied ka pa, halata naman sa'yo. And I can't blame you," simpatya ni Shantel.

"Mag-three months na kaming wala. Saka okay na ako. Walang kinalaman 'yon sa nakaligtaang deadline," pagsisinungaling pa ni Anya.

"Makita ko lang talaga si Gelo, sasapakin ko 'yon. Ghoster siya!"

"Nakausap mo na ba siya?"

Mabilis ang pag-iling ni Shantel. "Hectic na ang schedules ng group niya, wala na talaga silang pahinga. As in. Sorry Anya, kung hindi dahil sa'kin, hindi kayo magkakakilala no'n, eh."

"Ayos lang. Naging masaya ako na nakilala siya dahil para na rin kaming mag-bestfriend. Saka, dahil sa kanya, tumaas na rin ang kumpyansa ko." Anya beamed without a hint of bitterness. Totoo naman talaga na si Gelo ang nagpabalik sa coonfidence niya nang mga panahong dina'down niya ang kanyang sarili.

"Hayaan mo, pag nakita ko siya, igaganti kita!" nakasimangot na bwelta naman ni Shantel.

"Masama 'yon 'di ba? Pinangangaralan mo nga si Addie na huwag gumanti sa mga nakakaaway niya sa school," natatawang hirit naman ni Anya.

"Sa ating matatanda, hindi pwedeng magpatawad agad. Kailangan may revenge!" 'di patatalong sagot naman ni Shantel at tuluyan na silang nagtawanan.

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon