Twenty Five

1 1 2
                                    

Five years later...


"Bago na ang admin, pero ang traffic hindi pa rin nagbabago."

Nababagot na ang driver na maghahatid kay Gelo sa isang hotel na tutuluyan niya. He just landed from a long hour trip. Katatapos lang ng mahigit dalawang overseas activities ng BGYO. Even though they already had their solo careers, nagkakaroon pa rin sila ng schedules na magsama-sama para mag-perform kagaya noong mga panahon na nagsisimula pa lamang sila.

Mikki catered himself to become a song writer and also an occasional actor. Nate recently launched his solo single, habang nagli-lead ng dance class kapag may libreng oras. Sina Akira at JL naman ay naging vocal coach at judge ng singing competitions sa isang TV network. Habang si Gelo, isa na sa namamayagpag na aktor sa Pilipinas at nagkaroon na rin ng solo career bilang singer at isa rin siyang dance coach ng mga aspiring idols sa industriya. He really gave his all and beat the odds. Gano'n din ang apat niyang kamiyembro.

Hindi naging gano'n kadali ang pinagdaanan ng grupo sa gitna ng mga kontrobersyang ibinato sa kanila. They've been through a lot. Kinaya nilang panatilihin ang katatagan ng grupo dahil sa determinasyon at pagsuporta ng kanilang fans. Masasabi ni Gelo na talagang malayo na rin pala ang kanilang narating.

"Boss Gelo!"

Napalingon si Gelo nang lumakas ang boses ng driver. Nasa backseat siya at kanina pa pala siya nagmumuni-muni habang ginagala ang tingin sa labas. Na-miss niya rin kasi ang kamaynilaan at ang polluted na hangin, pati na rin ang mahalagang tao na hanggang ngayon, hindi niya nahahanap.

"Yes po? May problema ba?"

"Tinatanong ko kung okay lang ba magbukas ako ng radyo? Nakakainip kasi ang traffic," sagot ng driver.

"Okay lang po."

Binuksan ng driver ang stereo nang makuha ang pagpayag ni Gelo.

"Ang pangit naman ng mga kanta ngayon," reklamo pa ng driver nang tumugtog ang kantang si Gelo pa talaga ang naging co writer. Kanta pa man din iyon ng kanilang grupo.

Natawa na lang si Gelo saka umiling nang paulit-ulit. Hindi niya masisi ang driver dahil may edad na rin ito. He probably preferred classics. Nilipat na nga lang nito ang station at naging kuntento rin naman sa kanyang narinig.

Tumugtog ang kantang "Kiss On My List", na kaagad namang nagpaalala kay Gelo sa isang tao na ayaw niyang bitiwan magpahanggang ngayon.

"Mga ganito ang kinakanta namin noong bata pa kami. Parang kailan lang," nakangiting komento ng driver. Tinangay agad ng hangin ang pagkabagot niya sa byahe.

Isang oras din ang inabot ng kanilang byahe bago marating ang hotel kung saan mananatili si Gelo. May interview pa siya kinabukasan at a-attend pa ng fashion event na nagkataong doon din sa hotel na iyon gaganapin. Sa katunayan, itu-turn down niya sana ang imbitasyon na natanggap niya para sa event. But he quickly changed his mind upon knowing the person who owned the hotel. Hindi lang iyon fashion event, may following charity ball din na magaganap.

Iwinaksi ni Gelo ang alalahanin habang naglalakad papasok sa hotel. He proudly walked while everyone laid their eyes on him. But still, he remained humble and smiled back at them. Kaya lang naman niya nararamdaman na proud siya, ay dahil sa wakas, kaya na niyang harapin ang itinuturing niyang great rival.

"Ang tanong, kailan ko makakausap ang Rhadson na 'yon? Nandito kaya siya?"

Masyado siyang naging busy sa career niya bilang singer at actor. Pinagbuklod din niya ang boygroup na pinagmulan kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makipagtuos kay Rhadson. Alam niyang noon pa lang, inilayo na nito si Anya sa kanya.

At ngayon na may nagbubukas ng pinto ng kalayaan sa kilos niya, priority na niya ang pagbuntot kay Rhadson para makakuha siya ng hint kung paano mahahanap si Anya.

He gracefully entered the elevator while hearing some staff talking about a particular person.

"Sino ang nakatoka sa housekeeping ngayon?" tanong ng middle aged na chambermaid ng hotel.

"Si Anya."

"Baka si Therese?" balik tanong pa ng chambermaid sa kasamahan.

"Iisang tao lang naman 'yon. Masipag naman siya, kaya niya raw mag-double time. May pinag-iipunan, eh."

"Sabagay. Para sa mga bata raw."

Bumilis ang tahip sa dibdib ni Gelo. Iisang tao lamang ang pumasok sa isip at puso niya nang marinig ang mga pangalang nabanggit ng nag-uusap sa elevator.

"Anya Marie Therese."

Napatikhim ang dalawang staff nang bumukas ang elevator pero wala pa ring lumalabas sa kanilang tatlo.

"Sir, dito ka na ba? Nakabukas na po."

"Ah. Opo. Salamat." Nagkibit-balikat si Gelo saka mabilis na tumalima. Pumasok siya agad sa designated room. Agad na sumalampak siya sa kama at napapikit. Parang nagkaroon siya ng migraine, na hindi naman pagod ang dahilan.

Naiisip niyang si Anya ang pinag-uusapan kanina. Ang dami na agad niyang assumptions tungkol sa kalagayan nito at lahat iyon, halos negative.

"Bakit kailangan niyang magtrabaho nang sobra para sa mga bata? Sinabi ni Rhadson na siya na ang bahala kay Anya pero bakit gano'n ang kinahinatnan nito? At paano kung talagang sila nga pala ang nagkatuluyan? Pero what if hindi naman siya 'yon?"

Nagpagulong-gulong siya sa kama hangga't sa bumagsak siya sa sahig. Hindi lang migraine ang mayro'n siya ngayon, humabol pa ang sudden backpain.

Hindi niya masisi si Anya. Surely, she's been through a lot. Just like him. Hindi niya lang matanggap na hindi sila ang naging end game. Hindi siya nahintay ni Anya, gaya ng pinangako nito noon. Pero sarili lamang ni Gelo ang dapat niyang sisihin. Nagkulang siya sa effort na ipanalo ang pagmamahal niya para kay Anya.

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon