Sixteen

1 1 1
                                    

Naguguluhan pa si Gelo, pero bago pa siya makapagsalita, hinila na siya ni Arturo papasok sa bahay, halos masira na ang kwelyo ng kanyang damit. Kaya naman pumagitan na sina Irenea at Anya.

"Ikaw pala ang ama ng dinadala ng kapatid ko!" galit na sabi ni Arturo habang nakaturo kay Gelo.

Napatigil si Gelo at tumingin kay Anya na parang nagtatanong.

‘Anya? Help!’

“Sorry po. Hindi ko alam kung ano itong pinagsasasabi n’yo,” paliwanag ni Gelo saka bumaling kay Anya. He had no idea that she's pregnant to begin with. Wala siyang alam kung nagkaroon ito ng boyfriend. At alam din ni Shantel na wala itong kinatatagpo, except for that guy who seemed to be perfect na closest friend daw ni Anya.

“Nagkita lang kami kagabi dahil coincidence lang. Unplanned. Walang ibang nangyari,” sabad ni Anya, halos magmakaawa sa kanyang pamilya na paniwalaan siya.

“Sige na, magpakatotoo na kayo!” sarkastikong sagot ni Arturo.

“Tama! Kayo talaga iyong nasa eskinita. Itong lalaki naka-hoodie jacket pa habang hinahalikan ang anak mo, mare!”

Nawindang ang lahat sa claims ni Aling Leticia. Oo nga pala, naroon pa siya at hindi pa nakakaalis.

“Ang anak mo mare, nakasandal sa pader!”

“Kita mo ‘yan! Kaya noong una pa lang, duda na ako sa'yo eh!” Hindi na nakapagtimpi si Arturo at kinwelyuhan si Gelo. Akmang sasapakin na niya ang lakaki pero humarang na naman si Anya saka aksidenteng napayakap kay Gelo.

“Huwag please! Kailangan okay ang mukha niya at walang kahit anong sugat! Mukha niya ang kailangan sa trabaho niya!” depensa ni Anya at nanatiling yakap pa rin si Gelo na walang kamalay-malay sa nangyayari. Parang nalagay silang dalawa sa alanganing sitwasyon na pwedeng ihambing sa gitna ng buhay at kamatayan.

“Anya!” Hinablot ni Irenea ang anak para ilayo kay Gelo.

“Doon ka pa talaga sa lugar na ‘yon nagpahalik? Nasaan ang pagiging disente mo?”

“Mama!” tili ni Anya. “Hindi kami nag-kiss doon! Walang gano'n! Ayoko lang na ma-misunderstood kami kaya ako nagtago. Na-timing lang na gano'n ang nakitang anggulo ni tita.”

“Ah, basta. Iyon na ang nakita ko, eh. Aalis na ako. Pribadong isyu ito at hindi pala ako dapat na makisali,” sagot naman ni Aling Leticia sabay iling dahil napaisip din siya sa kanyang mga sinabi. Baka nga binigyan niya lang ng malisya ang nasaksihan niyang anggulo, given na madilim din sa eskinitang iyon.

“Aalis lang kayo after n'yong sabihin ang hindi naman totoo?”

Hindi lumingon si Aling Leticia kahit kinwestyon pa siya ni Anya. Kaya naman, bagot siyang naupo at huminga nang malalim. Saka napag-isipan ni Irenea na dapat humupa man lang ang tensyon.

“Magsiupo na tayo, nai-stress ang baby sa tiyan ng anak ko.”

Nagkatinginan muli sina Arturo at Gelo. Wala silang choice at sinunod na lang ang gusto ni Irenea.

“May mga dala ka pang groceries. Kasama ba d'yan ang gatas at diapers para sa magiging apo ko?”

Hindi agad nakapagsalita si Gelo. Pinoproseso pa niya ang nangyari at lahat ng kanyang mga nalaman. If Anya is already pregnant, maaaring hindi naman nito ginusto ang nangyari. And this time, kailangan niya ng tulong sa halip na dagdagan pa ang bigat ng judgment. Baka may higit pa sa pregnancy. Kailangan niyang malaman iyon.

“Wala pa po tita. Actually, itong groceries ay pinamigay ng company na ine-endorse namin. Kaya pumunta ako rito para ibigay din lahat sa inyo,” tapat na sagot ni Gelo. “At tungkol po sa baby, nandito na rin po ako para sabihin sa inyo na hindi po ako tatakas sa responsibilidad ko sa kanya. Pinapanagutan ko po ang anak ninyo.”

Nawindang si Anya sa siniwalat ni Gelo. Hindi niya maiintindihan kung bakit naging gano'n ito, hindi man lang tumanggi at hindi nagtanong kung may katotohanan ba sa ipinaparatang sa kanilang dalawa. Bakit nagiging bayani pa ito? Bakit sinasakyan nito ang sitwasyon?

“Gelo, wala kang pananagutan dahil—”

Naantala ang pagsasalita ni Anya nang may kumatok na naman sa pinto.

“Ang kulit ng kumare mo, ma!” inis na sambit ni Arturo saka tumayo para pagbuksan ang kumakatok. Pero hindi pala si Aling Leticia ang kanyang matutunghayan.

“Sino ka naman? Anong sadya?” tanong ni Arturo sa lalaking matipuno at mukhang galing sa well-off na pamilya. May malaki itong ngiti at mas humble kung titingnan.

“Hi, I'm Rhadson. Anya's friend,” pagpapakilala ng binata. May bitbit din itong pasalubong at mukhang mamahalin.

Biglang kumunot ang noo ni Arturo at sinara muna ang pinto saka binalikan ang mga tao sa sala.

“May naghahanap na naman kay ate! Rhadson daw ang pangalan!” balita ni Arturo.

“Sabihin mo wala ako!” utos ni Anya at mas lalong kinabahan sa nangyayari.

Gelo had a clue. Baka ang Rhadson na ‘yon ang lalaking posibleng ka-date ni Anya. Hindi siya pwedeng malamangan nito.

“Bakit? Siya ba ang tatay?” hinala ni Arturo. “Iniiwasan mo, eh.”

“Papasukin mo. Mabuti pang magharap-harap na tayong lahat!” sabad ni Irenea.

“Sorry ate. Nasa ten commandments ang pagsunod sa magulang.” Tumawa nang bahagya si Arturo at pinagbuksan na nga ng pinto si Rhadson.

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon