Twenty Eight

0 0 0
                                    

Huminto si Anya sa isang open park at humikbi nang tahimik.

“Kawawa naman si sister.”

She overheard the young boy with his mother.

“Bigyan mo ng flowers si sister, para hindi na siya umiyak,” sabi pa ng nanay nito.

Tumalima ang batang lalaki at lumapit nga kay Anya.

“Sister, huwag ka na pong umiyak. Kung anumang problema mo, kumapit ka lang kay Lord.” Nagpakita ng matamis na ngiti ang batang lalaki at agad namang naagaw niya ang pansin ni Anya, na halatang naguluhan sa narinig.

“Hindi ako—”

“Pasensiya ka na sa anak ko sister,” sabad naman ng nanay. “Kanina ka pa niya nakikitang umiiyak.”

Ngumiti na lang si Anya at pinakatitigan ang mag-ina. “Salamat po sa inyo.”

“Mag-bless ka kay sister,” mahinahong utos naman ng nanay.

Then, Anya realized that she unintentionally convinced everyone that she's a nun. Mas nakonsensiya siya sa kanyang ginawa lalo na't nagmano talaga ang batang lalaki.

“Kaawaan kayo ng Diyos,” nakangiti niyang sabi sa mga ito bago umalis. Nagmadali rin siyang pumara ng taxi para makauwi agad. Muli niyang napag-isip isip ang mga bagay na hindi niya dapat takasan.

Alam niyang hindi pwedeng basta na lang siyang sumuko sa nararamdaman, lalo na’t pinilit niyang kalimutan si Gelo para makabangon ulit. Pero heto siya, nagtatago sa isang costume, umiiyak habang iniisip ang posibilidad na makaharap muli ang lalaking nasaktan niya nang hindi sinasadya.




***

Habang si Gelo naman ay tuliro sa sandaling bumalik siya sa hotel lobby dahil hindi na niya naabutan pa si Anya. Hindi pa rin makapaniwala na nakita niya itong muli sa ganoong sitwasyon. Hindi iyon hallucination—this time, sigurado siyang si Anya talaga ang nakita niya. The timing was surreal, and the questions stuck on his mind. Napatanga siya saglit, trying to process everything.

“Sir? Kilala n'yo ba ‘yong hinahabol n'yo kanina?” concerned na tanong ng guard saka siya binigyan ng tubig dahil napansin nitong naghahabol siya ng hininga.

“Thanks kuya,” Gelo paused. “Opo kilala ko, na parang hindi. Baka kamukha lang ng kakilala ko. Sabagay, imposibleng siya ‘yon.”

“Pero mukhang kahina-hinala siya. Ipapa-check ko ang CCTV kung gusto ninyo. Kasi, parang hindi naman yata madre ‘yon,” suggest pa ng gwardiya kay Gelo.

“Hindi na po. Baka nagkamali lang talaga ako.” Tinanggap ni Gelo ang bottled water at numiti sa guard. Napasandal na lang siya habang iniisip kung tama ba talaga ang kanyang nakita. It was really Anya!

Parang nag-slow motion pa nga ang paligid nang makita niya kung paanong natanggal ang belo nito, at kung paanong nagtama ang paningin nilang dalawa. Mas totoo na iyon kaysa sa na-imagine niyang nagkaroon na ito ng anak na babae.

Pero hindi siya pwedeng maging tuliro lamang. He checked on his phone to message Shantel. Kailan lang din naman silang nakapag-usap ulit sa social media nito. Tinanong niya kung nagkakausap pa ba silang muli ni Anya at kung ano na ang profession nito.

“By any chance, naging religious ba si Anya? Pumasok ba siya ng kumbento?” Ise-send na sana niya ang message pero binura niya rin kaagad at nag-isip siya ng mas magandang tanong na hindi magpapahalata sa kanya na gusto niyang mag-reconnect ulit siya with his dearly ex.

“Kumusta? Malaki na ba ang baby mo? Kumusta dyan sa Singapore? Buti pa dyan maunlad…” — deleted.

“Hi Shantel, kumusta kayo dyan? Uhm, I have a question.” — deleted. (Hindi direct to the point.)

“Hi Shantel. Nakakausap mo pa ba si Anya?” — sent!

Napatanga siya nang makitang nag-send nga ang message niya at walang unsend button. Sa ibang messaging app kasi siya nag-chat.

“Hindi!” he yelled as if he's losing his mind. Pinagtinginan tuloy siya ng ibang mga tao.

When he realized that embarrassing moment, nagpasya siyang bumalik sa designated room niya.

Pagbalik ni Gelo sa kanyang hotel room, hindi pa rin siya mapakali. Parang sinapian siya ng damdaming hindi niya maipaliwanag—ang posibilidad na muli niyang makaharap si Anya ay parang isang multong hindi niya matakasan.

Nakadapa siya sa kama, tinititigan ang kisame habang patuloy na naglalaro sa isip niya ang mga mata ni Anya. The way she looked at him, the way she made him feel at ease for a moment—all of them were enough to touch his soul.

Pero kung tama nga ang sapantaha niya, na naging madre na nga si Anya, dapat ngayon pa lang ay hindi na niya isipin na naging lovers sila. Kailangang mawala ang alaalang iyon, dahil alam niyang hindi na tama.

Kaya naman, in-open niya ulit ang phone at nag-search ng kung anu-ano sa Google.

“How long does it take to become a nun?”

Wala siyang nakuhang definite answer. Sa sobrang inis niya, ibinalik na lamang niya sa bulsa ang kanyang phone. Kung kailan dapat isipin niya kung paano gaganda ang takbo ng event at charity ball, mas nauuna pa niyang isipin si Anya na parang kahit minsan, hindi man lang siya inisip.

Ni hindi nga siya nakatanggap man lang ng isang sorry at pasasalamat matapos niyang ibuwis ang buhay niya para lang iligtas ito. He should feel that resentment, pero heto siya, parang siya pa ang dapat magpakumbaba at umintindi sa naging sitwasyon. Kung tutuusin, agrabyado rin naman siya.

Wala siyang ibang nagawa, kundi umiyak nang tahimik.

“But that’s the reality, Gelo. Move on,” sabi niya sa sarili saka pinakakawalan ang luhang kinikimkim. He let out a sigh before he fell asleep.

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon