Makalipas ang ilang buwan, halos tuluyang magbago ang buhay ni Anya. Tahimik na ang kanyang araw, malayo na siya sa lugar na dati niyang tinatawag na tahanan. Gayunpaman, hindi naging tahimik ang kanyang puso. She might carry the guilt for those things, na hindi siya ang may sala.
She has to undergo therapy and counseling to overcome that horrific incident. Hindi siya allowed na gumamit ng gadget for three months habang naka-stay siya sa isang facility—na siya ang nag-insist kahit hindi naman kailangan. Because she felt the need to isolate herself.
Kailangan siya na muna ang gumawa ng paraan para hindi makasagap ng kahit anong balita na may kinalaman kay Gelo. Dahil doon, tuluyang naputol ang komunikasyon niya kay Gelo at hindi na siya makakagawa pa ng paraan para makapag-reach out o humingi man lang ng paumanhin. Hindi pa rin nawawala ang bigat ng kanyang puso sa tuwing naaalala niya ito.
Pinilit niyang maging matatag at tanggapin na bahagi na lamang ng kanyang nakaraan ang binata. Ngunit gabi-gabi, hindi maiwasan ni Anya na muling mapuno ng pangungulila at tanong ang kanyang isipan—kung magiging maayos kaya ang lahat kung hindi siya umalis, kung makakabalik pa kaya si Gelo sa dati nitong buhay, at kung magkikita pa ba sila.
During first month, madalas lang siyang tulala at abala sa paglilinis ng kung anu-ano sa paligid para maka-cope up. Buti na lang at pinapayagan siya ng mga staff at nurses na tumulong sa maintenance ng facility at kahit papaano, nakakapaglibang siya at nababawasan ang iniiisip niya.
There were times na dumadalaw din sina Rhadson at Shantel. And one day, Shantel visited her to share some news.
“Since hindi ko na rin alam ang nangyari kay Gelo, wala rin akong maibabalita tungkol sa kanya. All I know is, tuloy-tuloy pa rin naman ang contract nila at controllable pa ang sitwasyon. Hindi sila mabubuwag dahil si Gelo rin naman ang biktima sa insidenteng ‘yon, na hindi rin naman natin in-expect,” pahayag ni Shantel sa malumanay niyang tinig.
“As long as okay siya, okay na rin ako,” pakli naman ni Anya at nagsimulang humikbi.
“Simula pa lang nang makilala ko siya, parang ang dami na talagang hadlang. Kahit wala na kami, hindi pa rin nahihinto ang kamalasan. Sa tingin ko, jinx lang ako sa buhay niya. Hindi kami magiging masaya kung palaging gano'n. Kaya will na rin siguro ng Diyos na maghiwalay kami,” luhaang sambit ni Anya at mabilis na pinunasan ang luha sa kanyang mata. Sunod ay napakapit na siya kay Shantel para yakapin ito.
Meanwhile, Shantel still showed a hopeful smile. Napanatag siya sa nakita niyang reaksyon ni Anya, imbis na mabahala.
“Anya. Umiiyak ka na ulit!” tili ni Shantel saka niyakap nang mahigpit si Anya. “You finally came back to your senses!”
Napaiwas tuloy si Anya at bahagyang lumayo kay Shantel. “Oo nga ano? Siguro noong una, parang kinikimkim ko pa, eh. Pero kahit naman nakakaiyak na ako, hindi pa rin ako magiging okay.”
Tinapik-tapik agad ni Shantel ang likod ni Anya. “Hindi naman agad mawawala 'yong sakit. Pero ang importante, unti-unti mong hinaharap 'yung nararamdaman mo. Hindi mo na tinatakasan.”
Natahimik si Anya sa sinabi ni Shantel. Alam niyang tama ito. Matagal niyang pinilit takasan ang sakit, ang guilt, at ang mga alaala kahit na dini-distract niya ang sarili at nakikipag-cooperate siya sa counseling. Ngunit ngayon, nararamdaman niyang kailangan niyang harapin ang lahat ng ito para tuluyang maghilom ang kanyang puso't isip.
“Anya, hindi ka jinx o malas. Walang gano'n,” sabi ni Shantel na nakangiti. “Alam mo, ‘yong mga bagay na nangyayari, may dahilan. Hindi ikaw ang nagdala ng kamalasan sa buhay ni Gelo, okay?”
Napabuntong-hininga si Anya. “Pero paano kung hindi na kami magkita ulit, Shantel? Paano ako makakahingi ng tawad?”
“Hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap,” sagot ni Shantel. “Pero ang mahalaga ngayon, unti-unti mong pinapatawad ang sarili mo. And when the right time comes, I'm sure magkakaroon ka ng pagkakataon na makausap ulit si Gelo. Ang importante, mag-focus ka muna sa pag-heal mo.”
Tumango si Anya at bahagyang ngumiti. Alam niyang tama si Shantel. Kailangan niyang unti-unting patawarin ang sarili at magpatuloy sa buhay, kahit na mahirap.
“And by the way, Anya,” biglang sabi ni Shantel. “Nag-decide na ako na isasara ko na muna ang boutique. Susunod na ako sa asawa ko sa ibang bansa after kong manganak. I'm sorry that this is all of a sudden. Mag-aanim na buwan na rin ang pinagbubuntis ko, eh. Nakapag-usap na kami nang maayos. Kahit labag sa kalooban ko na isara ang boutique, mas uunahin pa rin namin ang kapakanan ng baby.”
Ngumiti lang si Anya. “Mas mabuti kung gano'n. At least, nakapag-usap na kayo nang maayos. Hindi ka na magwo-worry pa dahil siya naman ang asawa mo.”
“Pero paano ka?”
“Nandyan pa naman ang parents ko, Shantel at mga kapatid ko.”
“Sorry Anya. I should be there for you, pero hindi ko na magagawa.” Shantel got teary eyed. Wala siyang ibang naisip na gawin kundi yakapin lang si Anya.
***
“Na-retrieve na ang CCTV footage nang inatake si Anya.”
Napahinto ang pagmumuni-muni ni Arturo nang marinig ang boses ni Rhadson. Habang hindi pa nila kasama si Anya, silang dalawa muna ang nagtutulungan para ayusin ang mga bagay na dapat ayusin, hindi lang sa kaso, pati na rin sa pagsasara ng Playful Dreams. Kapag natapos na ang paglalagi ni Anya sa isang facility, matutuloy na ang pag-uwi nila sa probinsya.
“Napanood mo na ba? Siya rin talaga ang umatake kay ate bago siya isugod sa ospital? Tugma naman ang petsa, ‘di ba?” usisa ni Arturo. “Di ba, ikaw rin ‘yong tumawag na may nangyari sa ate ko noong araw na ‘yon? Na ikaw ang nakakita sa kanya?”
Marahang umiling si Rhadson. “I had no idea what you were talking about. Hindi ako ang tumawag. At hindi ko pa napapanood ang footage.”
“Kung gano'n, sino kaya?”
Napailing din si Arturo. Then, he came up with the thought of watching that CCTV footage. Baka magkaroon ng kasagutan ang tanong niya kapag napanood na niya iyon kasama si Rhadson.
Pagkagulat ang naging reaksyon nilang dalawa nang makita kung sino ang sumaklolo kay Anya na halos magbuwis na pala ng buhay para lang mailayo ito sa kapahamakan.
It was none other than Gelo.
BINABASA MO ANG
Peace Be With You, Please Be With Me
General FictionPagkatapos ng anim na buwang pakikipag-date, napagtanto nina Anya at Gelo na hindi pala magwo-work ang kanilang relasyon. Nagkasundo silang maghiwalay at mag-focus sa kani-kanilang landas. Gayunpaman, nangako silang mananatiling mabuting magkaibigan...