Eighteen

2 1 1
                                    

Nagsiuwian na ang lahat. Sinadya ni Gelo na magpaiwan para makuha ang pagkakataon na makausap si Anya, kahit pa labag naman sa kalooban nito na makausap pa siya. Ipinaliwanag sa kanya ni Anya ang misunderstanding na naganap, kaya unintentionally, nasabi tuloy niya ang pregnancy ni Shantel na pinakatatago pa nito sa ngayon.

"Kung gano'n nga ang nangyari, hindi malabong uuwi ang asawa niya. Dapat lang namang gano'n. Matagal na silang magkasama, I'm sure maaayos naman nila ang problema nila, including business," sapantaha ni Gelo.

"Kahit pa gaano katagal na magkakilala ang mag-asawa, or mag-bf at gf, kapag nag-iiba ng priorities, nagkakaroon pa rin ng hindi pagkakaintindihan. Dahil magtatalo na sila kung kaninong goal ang dapat masunod. Kaya kung ako lang, the next time na makikipag-date ako, gusto ko pareho na ang goal ko sa kung anong goal ng susunod kong makaka-date. Pero as of now, wala pa akong pera, ang inconvenient na makipag-date kapag butas ang bulsa," mahabang sentimyento naman ni Anya na tila hinugot pa niya sa kalaliman ng kanyang puso.

"I understand. Kaya palagi akong magso-sorry, Anya. Alam ko na hindi nga nagkapareho ang priorities natin," sambit ni Gelo, as his heart skips on beating for a while. He's aware that he didn't do good enough to keep Anya, despite being in love with her.

"Exactly," aburidong sagot ni Anya. "Pero kanina, kung pakikinggan kita, parang sincere ka talaga sa sinabi mong pananagutan mo ako. Kahit hindi mo man lang na-confirm kung talaga bang magkakaroon ako ng anak. Na obviously, malabong mangyari."

"Anya, about that. Naisip ko na mahirap din naman sa part mo 'yon. Baka hindi mo masabi dahil natatakot ka na baka nga mag-isa mong iri-raise ang baby," paliwanag naman ni Gelo.

"So inisip mo talaga na after ng hiwalayan, maiisip ko pa na maghanap ng iba? Like, uunahin ko pa ba 'yon kaysa ayusin ang buhay ko, ang negosyo—pati sarili ko?" tila may hinanakit si Anya matapos niyang ibato ang katanungan. Kahit siguro hindi masabi ni Gelo na nasaktan ito sa assumptions tungkol sa kanya, for sure naroon ang matinding disappointment.

"Bakit mo aayusin ang sarili mo, when you're not flawed? Wala ka namang problema. Ako ang nag-initiate ng breakup," paglilinaw ni Gelo. Pinakatitigan niya nang maigi si Anya at mas naging concerned siya dahil sa pamumula ng noo nito.

"Anong nangyari dyan?" He pointed Anya's forehead then shook his head.

"Nang dahil sa maling akala, binato ako ng tsinelas," iritableng sagot pa ni Anya saka umiwas ng tingin kay Gelo. Kung hindi siya iiwas, baka natalo na siya ng bugso ng kanyang damdamin. He's too gorgeous to be avoided.

"Iyon nga. Ikaw ang nakipag-break pero hanggang ngayon, hindi mo kayang sabihin ang dahilan. Ngayong nandito na ako, pwede bang sabihin mo na? Kasi kung hindi mo kayang sabihin, para saan pa ang pagpunta mo rito?" Upon breaking the eye contact, she asked and seemed to wait for a hopeful answer.

"Anya—"

"Ops! Time na." Nagbukas ang pinto ng silid na kanilang kinaroroonan at nando'n pa rin pala si Arturo na inoorasan ang kanilang pag-uusap. He probably heard everything. Naabutan pa niyang nakahawak si Gelo nang bahagya sa balikat ni Anya habang tinitingnan ito nang maigi. Kaya pinaglayo niya agad ang dalawa.

"Anong akala mo sa'kin? Bilanggo na dinalaw ng bisita para orasan?" inis na tanong ni Anya sa nakababatang kapatid.

"Alam ko na ang isasagot ng Gelo na 'yan," turan ni Arturo saka binaling ang tingin kay Gelo sa marahas na paraan. "Career reasons, pinagbawalan ng boss na makipag-date. Hindi ka priority. Gets?"

"Hindi gano'n," depensa ni Gelo.

"Alis na. Uwi na," pagtataboy ni Arturo.

"Hindi kayo bagay ni ate. Para kayong magkapatid. Ikaw Gelo, ikaw ang kuya!" mapang-asar na dagdag pa nito. "Marami pa kaming dapat ayusin. Bigyan mo siya ng space at oras. O kaya huwag mo na siyang guluhin. Iyong mga ganyang mukha—hindi dapat pagkatiwalaan. Saka... ah basta, umuwi ka na!"

Napakamot-ulo si Gelo at kahit labag sa kalooban niya, umalis na lamang siya. He also apologetically bid his goodbye to Anya's mother, as a sign of respect.

"Pasensiya ka na. Napagbintangan ka pa namin," habol ni Irenea kay Gelo.

"Wala pong problema. Pasensiya na rin po sa misunderstanding."

"Pero, bakit sinabi mo na willing kang panagutan ang anak ko, kahit wala naman palang namagitan sa inyo?" Bilang ina, gustong malaman ni Irenea ang point of view ng isang lalaki na minsang inibig din naman ng kanyang anak. Also, she could tell that Gelo was sincere.

"Si Anya po, siya 'yong tao na hindi dapat iwan ng sinuman. Habang malayo siya sa inyo, na-witness ko 'yong paghihirap niya na ibangon ang negosyo niya at i-endure ang mahabang panahon na mag-isa lang siya at walang mapagsabihan ng problema. Kung siguro nga, nagkamali siya at magkakaroon nga ng supling, sure ako na mahihirapan siyang mag-isa. At kayo rin po ang unang madi-disappoint. Pasensiya na po kung nasabi ko kung anong nasa isip ko," madamdaming pag-amin ni Gelo at tipid na ngumiti sa ginang.

"Naaawa ka kay Anya? Hindi mo na ba siya mahal? Paano kung akuhin mo nga ang responsibilidad, tapos mapagod ka? Hindi mo ba siya susumbatan?"

"Si Anya po ang pinakamamahal ko. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin po siya. Pero dahil may conflict sa careers at iba pang bagay, hindi ko magawang i-publicize ang tungkol sa amin. Kinuha ko na po ang pagkakataon kanina para magkaayos kami. Pero ayun nga po, napagbintangan lang pala natin siya."

"Seryoso ka ba?" Halos naantig ang puso ni Irenea sa ipinagtapat ni Gelo.

"Basta tungkol sa kanya, lagi po akong seryoso."

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon