Iniisip ni Anya ang mga posibilidad sa mga balak niyang gawin. Paano kaya kung makita niya ulit si Gelo kahit na sinabi nitong huling beses na ang pagkikita nila kanina?
She sighed deeply while shrugging off the thoughts as she approached Shantel, who was busy arranging some papers on her desk.
“Shantel, pwede ba kita makausap?” tanong ni Anya nang mahinahon.
"Sure, Anya. Ano'ng problema?" Nakangiti man, bakas pa rin ang confusion sa kanyang mukha. For sure, hindi naman pupunta si Anya sa boutique niya kung hindi importante ang gusto nitong sabihin, especially sa kalagayan nito ngayon.
“Bakit mag-isa ka lang na pumunta rito? Nasaan ang kapatid mong overprotective?”
“Tinakasan ko lang siya. At may ipapakiusap sana ako sa'yo, eh.” kinuha agad ni Anya ang wallet sa bag.
“May nakita akong wallet sa bodega ng Playful Dreams. Kay Gelo ito.” Iniabot ni Anya ang wallet kay Shantel. “Pwede mo bang ibalik ito sa kanya? Nakapag-usap na kami na hindi na kami magkikita pa. Saka kapag nakita pa ‘yan ni Arturo doon, baka magalit pa siya. Ayaw niya kay Gelo simula nang ikwento mo sa kanya ang lahat.”
Shantel examined the wallet, closely checking the IDs and cards inside. “Sa kanya nga at mahalaga ito, Anya. I understand. Ako na bahala rito.”
Ilang saglit ay napaisip siya saka binalingan ulit si Anya. “So it means, pinuntahan ka pa rin niya kahit pinagbabawalan siya. Ang tigas ng ulo.”
“Bakit? Ano bang nangyari? Hindi niya rin sinasabi ang tungkol sa nangyari sa kanya. Eh hindi naman ako tsismosa. Hindi ako palagawa ng fake news. Ano bang nangyayari do’n?” Binundol ng kaba ang puso ni Anya. Napakaraming assumptions tuloy na nabubuo sa utak niya sa mga sandaling iyon.
“Sorry Anya. Hindi rin kita mabibigyan ng sagot dyan eh. Kahit ako, hindi naman na kinukwentuhan ni Gelo. Siguro dahil nga utos sa kanya ng mga boss niya. Kailangan na lang natin siyang unawain.”
“Sige, Shantel. Iyon lang talaga ang pinunta ko rito, eh. Mauuna na ako. Don't worry, ha. Maingat naman ako sa mga kilos ko,” sabi pa ni Anya.
“As you should. Pero don't worry, gagawa pa rin ako ng way para sa CCTV footage na ‘yon. Imposibleng hindi nila na-retrieve ‘yon.” Shantel let out a sigh and stood up.
“May mga balita na rin akong nasagap dyan malapit sa Playful Dreams, may mga gang daw dyan. Hindi ko alam kung totoo o hindi. Kaya posible na napag-trip-an ka ng isa sa kanila.”
“Huh?” Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. She never hurt anyone and she didn't even had a history that she had a fight with someone—maliban sa pangyayari ng pangingialam niya sa Bataan kaya na-detain siya sa kulungan nang ilang araw. Sa pagkakaalam niya, malaki ang galit ng isa sa nakaalitan niya noon. Posibleng iyon lang din ang may kagagawan ng lahat.
“Anya, kailangan mo nang mag-lie low. Para na rin sa safety mo. Okay? Pero huwag kang mag-aalala, hindi naman ako titigil sa pakikipag-coordinate sa mga authority. Kapag medyo ayos na ang lahat, welcome ka ulit sa boutique kong ito.” Nilaparan ni Shantel ang ngiti at niyakap si Anya nang mahigpit.
Hangga't sa naramdaman ni Anya ang pananahimik ni Shantel habang nanatili itong nakayakap at unti-unti nang humihikbi.
“Shantel? Bakit ka umiiyak?”
Wala siyang nakuhang sagot, sa halip, mas lalong lumakas ang iyak ni Shantel kasabay ng pagdantay ng ulo nito sa kanyang balikat.
“Anya, I think I'm pregnant.”
Dahan-dahan namang inalis ni Anya ang sarili kay Shantel at pinakatitigan ito nang mabuti. “Pero bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba no'n? May kapatid na si Addie.”
“Hindi pa namin ‘to napaplano ng asawa ko. I mean, hindi siya pwedeng umuwi para sa'kin, kailangan pa niyang tapusin ang contract niya sa Hongkong. Hindi ko afford ang nanny sa ngayon kaya iniiwan ko si Addie sa sister ko. Hindi ko rin alam kung matutuwa ang asawa ko sa ibabalita ko. And I think two months na itong dinadala ko. Kaaalis niya lang two months ago dito sa Pilipinas. At isa pa, hindi ko kakayanin na patakbuhin ang boutique na ito kung mabubuntis ako.”
Anya could sense how painful it is for her bestfriend. Hindi niya alam na may mabigat din pala itong pinagdaraanan sa ngayon pero nakuha pa rin siya nitong tulungan.
“Pero nandyan na ‘yan at married naman na kayo. Kahit hindi umayon sa plano n'yo ang lahat, kailangan n'yong tanggapin para sa magiging bagong miyembro ng pamilya ninyo,” katwiran pa ni Anya saka muling niyakap si Shantel para pagaanin ang loob nito.
“Hindi na masyadong kumikita ang boutique na ‘to, Anya. I think kapag hindi ko na talaga kayanin, isasara ko na lang ito,” madamdaming sagot ni Shantel.
“Hindi. Baka may iba pang paraan. Alam ko kung gaano kahirap na i-sacrifice ang mga bagay na pinaghirapan mo. Hindi pwedeng mauwi lang sa wala ito, Shantel.” Anya tried to hold it together. Mas nasasaktan siya na nakikitang gano'n ang kaibigan dahil nakilala niya si Shantel bilang isang tao na laging masiyahin at tinatawanan lang ang problema.
“Ayaw ng asawa ko sa business na ‘to. Ilang beses na rin niya akong sinasabijan na isara ko na ‘to. Pero hindi niya ako maintindihan. Nagsilbing life support ko na itong boutique at pag nawala ito, parang nawala na rin ako. Lagi siyang gano'n. He's always insisting na dapat siya na lang ang nagtatrabaho. At sa bahay na lang ako. Pero Diyos ko naman, anong gagawin ko sa bahay lang? Hindi na rin naman alagain si Addie pero gusto niya na mas mag-focus ako sa pag-aalaga lang. Paano naman itong passion ko? Napaka-controlling na niya.”
“Gagawa ako ng paraan para matulungan ka, Shantel. Okay?” Anya could sense how hard it is for her bestfriend. Bigla siyang natauhan at naisip niya na hindi pala sapat ang matagal na pinagsamahan para manatili ang dating closeness at pagmamahal na pinanghahawakan ng dalawang tao.
Shantel got married when she's only 20, medyo bata pa at kung hindi siguro siya nakapag-asawa, maaaring mas naka-focus lang siya sa pag-aaral niya sa college at walang anak na iintindihin. Baka mas na-enjoy pa sana niya ang buhay ng pagiging single sa gano'ng edad.
“Thank you, Anya. Ipapakiusap ko nga pala na pakitago na lang muna itong PT ko. Gusto ko sanang itapon, eh. Like, hindi ko lang talaga matanggap pa sa ngayon. Kapag okay na ako, kukunin ko na lang sa'yo. Okay?” Kinuha ni Shantel ang plastic bag at nakapaloob doon ang pregnancy test kit na may dalawang red lines.
BINABASA MO ANG
Peace Be With You, Please Be With Me
General FictionPagkatapos ng anim na buwang pakikipag-date, napagtanto nina Anya at Gelo na hindi pala magwo-work ang kanilang relasyon. Nagkasundo silang maghiwalay at mag-focus sa kani-kanilang landas. Gayunpaman, nangako silang mananatiling mabuting magkaibigan...