Twenty Six

0 1 1
                                    

Nagmamadali si Anya na mag-time in. Katatapos lang ng seminar niya para makakuha ng certification para maging advanced ang designation niya sa trabaho niya sa hotel. Kailangan niya iyon para maging full-time employee. Ngayong araw, kulang ang staff. May presscon daw na gaganapin sa tanghali at fashion event sa gabi. Kinabukasan naman ay magkakaroon ng charity ball. Alam niyang magiging abala ang mga susunod na araw, kaya't sinisigurado ni Anya na handa siya sa anumang trabaho na ipapagawa sa kanya. Hindi niya dapat inaaksaya ang mga pagkakataon na kumita ng salapi.

“Pasensiya na po kung hindi ako nakapasok agad. Katatapos lang ng seminar,” paumanhin ni Anya sa senior head ng housekeeping na si Karen.

“Okay lang, Anya. Nasabi naman na ni Sir Rhadson. Saka galing ka pa raw sa orphanage na tinutulungan nila kaya wala namang problema sa hindi mo pagpasok. Besides, hindi ka pa naman full time,” sagot ni Karen saka iniabot kay Anya ang folder na may mga impormasyon tungkol sa magkakasunod na event.

“Nandyan ang listahan ng mga dadalo mamaya sa presscon or interview ng mga artista. Make sure na monitored at lahat ay may designated rooms kung dadalo pa sila sa charity ball. Although hindi naman dapat sa'tin ‘yan nakatoka, kailangan pa rin nating malaman na wala silang magiging problema lalo na sa kalinisan ng hotel dahil alam mo na, maseselan ang mga taga showbiz. Baka kaunting inconvenience lang, mag-post agad sa IG o Facebook,” bilin pa ni Karen saka kumamot sa ulo.

“Unahin mo muna i-check ‘yong rooms na wala pang naka-check in. Nandyan na ‘yong list ng mga dumating na kahapon.”

“Sige po. Gagawin ko na agad ngayon,” graceful na sagot naman ni Anya.

“Ngayon agad? Kumain ka na ba bago ka pumasok dito? May kasamahan tayong nag-collapse dahil nagpapalipas ng gutom. Alam kong hardworking ka pero huwag mo siyang gagayahin,” concerned na tanong at bilin pa ni Karen.

“Kumain na ako, Ms. Karen. Sige aayusin ko na ito kaagad.”

Nagpalit agad ng uniform si Anya at saka nag-monitor sa mga kwarto ng guests na hindi pa dumarating at pati listahan ng mga dumating na. Kumunot agad ang noo niya nang may mabasa siyang pamilyar na pangalan ng isa sa mga nakarating na guest at kumpirmadong a-attend din sa charity ball.

“Gelo Rivera… Actor/Singer/Model”

Parang tumigil ang mundo niya nang mabasa ang pangalang iyon. She looked for the list once more. Hindi nga siya nagkamali sa pagkakabasa. And then, her tears fell down in an instant. Nakahanay pa ito sa VIP guest list. She can really tell that Gelo finally made his dreams bigger and all of his hard work went far.

Sa ngayon, hindi pa niya ito kayang harapin. Kung si Gelo nga talaga ang VIP guest, kailangan na niya itong iwasan ngayon pa lang.

Mabilis na pinunasan ni Anya ang mga luha sa kanyang pisngi. Alam niyang magiging mahirap ang sitwasyon, pero kailangan niyang magpakatatag. Hindi niya puwedeng hayaan na guluhin ni Gelo ang mundo niya. Kailangan na niyang isara ang anumang pinto na pinanatili niyang bukas dahil umaasa siyang pwede pang mag-rekindle ang kanilang pagsasama.

Nagmamadali siyang bumalik sa opisina at kinuha ang kanyang cellphone. Isang malalim na buntong-hininga ang binitiwan niya bago tumawag kay Karen.

“Hello, Ms. Karen, may kailangan lang po akong linawin. Itong VIP guest po sa list, si Gelo Rivera, siya po ba talaga ‘yong a-attend ng charity ball?” tanong niya habang kumakabog ang kanyang dibdib.

“Oo, Anya. Kilala mo ba siya? Parang kasama na siya sa mga A lister sa showbiz, kaya kailangan natin siguraduhin na maayos ang magiging stay niya dito. Bakit mo nga pala naitanong?”

Napalunok si Anya. Naisip niyang ipagpaalam kay Karen na huwag na siyang i-assign sa pag-aasikaso kay Gelo, pero natatakot siyang magmukhang unprofessional. Sayang naman ang efforts niyang matuto sa housekeeping kung dahil lang sa possible encounter nila ay titiklop na siya. Wala naman silang alam sa nakaraan nila ni Gelo.

Nagpasya siyang magpatuloy na lamang sa kanyang trabaho. “Wala po, Ms. Karen. Naisip ko lang na siguraduhing magiging maayos ang lahat para sa kanya. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para maging successful ang mga events natin.”

“Gano’n ba? Akala ko idol mo siya. Gwapo siya at single pa raw,” nakatawang sagot pa ni Ms. Karen.

“Hindi po. Sa katunayan, hindi ko naman siya kilala pero familiar lang po siya,” pagsisinungaling pa niya.

Matapos tawagan ang kanyang superior, itinuloy na ni Anya ang pag-check sa mga kwarto. Ngunit habang ginagawa niya ito, hindi niya maiwasang balikan ang mga alaala na masaya silang dalawa ni Gelo—na minsang naging sentro ng kanyang mundo. Hindi niya akalaing muli silang magtatagpo, at sa ganitong sitwasyon pa.

Alam niyang hindi niya ito maiiwasan kailanman. Ayaw niyang maapektuhan ang kanyang trabaho dahil lang sa nakaraan nila.

Nagpatuloy siya sa pagtatrabaho at pag-roving sa ibang hotel rooms na dapat i-check. All went well.

Natapos niya ang part time shift kaya madali rin siyang nakapag-report kay Ms. Karen para makapag-out. But unexpectedly, isang pamilyar na lalaki ang nakatambay sa lobby ng hotel. Doon pa naman banda ang exit door.

Kahit hindi na 20/20 ang paningin ni Anya, sigurado siyang si Gelo iyon. He's just standing and yet looking so fine, as if he's the center of attention. Gwapo pa rin ito at mas kapansin pansin ang pagbabago ng body built nito. Mas nagmukha itong manly, na akma sa edad nitong nasa late 20s na rin.

Sa tagal niyang hindi nagbubukas ng anumang social media accounts, wala na siyang update tungkol kay Gelo at sa grupo nito. She's doing that as if she's living during the colonization era.

“Anong gagawin ko? Kailangan ko siyang iwasan.”

Bumalik si Anya sa locker room para magpalit ng damit. Tumambad sa bag niya ang costume ni Valak, ang nakakatakot na nun character sa isang horror movie dahil para sana iyon sa upcoming halloween party ng mga bata sa orphanage. Kapag sinuot naman niya iyon, magmumukha siyang legit na madre. Pero kung iyon lang ang choice na pwedeng gawin para makapag-disguise, bahala na.

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon