Samantala, si Gelo naman ay patuloy na nag-iisip tungkol sa posibilidad na si Anya nga ang staff na narinig niyang pinag-uusapan ng mga chambermaid. His heart was racing with anticipation, mixed with fear. What if it was really her? What would he say? Those thoughts preoccupied him. Nawala na ang mga iniiisip niyang dapat isagot sa interviews sa upcoming presscon.
Napagdesisyunan tuloy niya na bumaba sa lobby at maglakad-lakad. Baka sakaling makita niya si Anya, at kung hindi man, baka mapawi ng sariwang hangin ang nararamdaman niyang kabog sa dibdib.
Pagdating ni Gelo sa lobby, natanaw niya ang ilang staff na nagkakagulo sa may dulo ng hall. Lumapit siya nang hindi agad namamalayan ng mga ito, at saka niya narinig ang pamilyar na tawa. Tila tumigil ang kanyang mundo. Mula sa distansya, nakita niya ang isang babaeng may hawak na cleaning supplies at nakatalikod sa kanya. Bagama’t hindi niya makita ang mukha nito, alam niyang si Anya iyon. At that moment, may kinakausap itong batang paslit.
“Mommy, I miss you,” sambit ng bata saka yumakap kay Anya.
“Sorry baby, nandito na si mommy. Tapos na ang shift niya.” Anya did her best to comfort the crying little girl. Kahawig na kahawig nga rin ito ni Anya.
Kaya naman, mabilis tuloy na nakabuo ng teorya si Gelo sa kanyang isipan. Mag-ina ang nakikita niya. Pero kung gano'n, sino pala ang nakatuluyan ni Anya noong panahong nawalay sila sa isa't isa?
“Si Rhadson!”
Umalingawngaw ang boses niya at napatigil si Anya kasama ang batang paslit ba inaaliw nito.
Then, as if on cue, Anya turned around. Their eyes met, and for a brief moment, Gelo's heart melted. It was clear that she didn’t expect to see him there, and neither did she know how to react.
“Anya…” he finally managed to say her name. Pabulong ngunit nakakaabot naman sa pandinig ng dalaga ang kanyang boses.
“Gelo,” sagot ni Anya, her voice trembling too. She quickly composed herself, trying to act professional despite the whirlwind of emotions surging through her. Niyakap niya rin ang batang paslit na mukhang nagtataka sa tagpong iyon.
He wanted to ask her so many things and to explain his side, pero hindi niya alam kung paano sasabihin. He couldn't find the right words and a timing either.
“Sana ay magustuhan mo ang stay mo dito sa hotel namin,” Anya broke the silence with a formal tone. She's speaking as if she didn't know the man who's standing in front of her.
“Kung may kailangan ka, tawagin mo lang kami, sir.” She gave him a small and polite smile before turning away, resuming her duties as if nothing had happened. Of course, ang batang babae, nakatingin lamang sa kanya nang may pagtataka.
Gelo watched her walk away with the little girl, feeling a pang of regret and sorrow. He knew that things had changed, that the Anya he once knew might no longer be the same person standing before him now.
But that did not really happen!
***
“Sir!”
Napamaang si Gelo nang mapalakas ang boses ng receptionist sa lobby ng hotel. Walang Anya. Walang batang babae. Lahat pala ay na-imagine niya lang kanina dahil sa pag-o-overthink. Nakalimutan na tuloy niya ang sadya niya kaya siya lumapit sa receptionist desk.
“Sorry. Ano nga po ulit ‘yon?” tanong ni Gelo sa lady receptionist.
Kumunot naman ang noo nito at alanganing ngumiti. “Sir, kanina pa kayo nakaharap dito tapos hindi kayo nagsasalita. Okay lang po ba kayo?”
“Opo. May itatanong lang talaga ako.” Gelo sighed and looked away for a while. Hinahanap niya si Anya pero wala naman talaga ito.
When he finally composed himself, hinarap niyang muli ang lady receptionist.
“Iko-confirm ko lang if dumating na ang team ko. Narito po ang names nila. Kasama po kasi ako sa presscon at charity ball,” magalang na sabi ni Gelo at pinakita ang phone niya para madaling mahanap ng kanyang kausap.
“Yes sir. Maliban dito sa isang name.”
“Okay. Thank you.” Ngumiti si Gelo at napailing na lamang. He started to dial someone’s number when he sat down.
***
Nagmamadali si Anya na magbihis ng costume ni Valak. Kakaiba man at medyo nakakahiya, naisip niyang ito lang ang paraan para makalabas siya ng hotel nang hindi siya makikilala ni Gelo. Nagbuntong-hininga siya at sinikap na magpakatatag, kahit na ang puso niya ay tila kumakabog sa kaba at hindi maipaliwanag na excitement.
Pagkatapos niyang maisuot ang costume, tumingin siya sa salamin. Halos hindi na niya makilala ang sarili. Mukha nga talaga siyang lehitimong madre. She looks like a modest one. Tumawa siya nang mahina habang nakatingin sa kanyang repleksyon, hindi makapaniwala na ginagawa niya ito para lamang maiwasan si Gelo.
"Bahala na," bulong niya sa sarili at dahan dahang lumabas ng locker room. Palinga-linga siya habang naglalakad sa mga corridors ng hotel at tinatantiya pa kung saan siya dadaan upang hindi mapansin ni Gelo.
Habang papalapit siya sa lobby, nakita niya si Gelo na busy na sa phone nito at mukhang may tinatawagan. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para mabilis na lumabas ng hotel, patungo sa direksyon ng exit. Sa bilis ng kanyang lakad, halos mapatakbo na siya, ngunit kailangan niyang magpigil upang hindi makatawag ng atensyon.
Nasa kalagitnaan na siya ng lobby nang bigla siyang matapilok at muntik pang matumba. Mabuti na lang at nakaya niyang ibalanse ang kanyang sarili.
Ngunit sa kanyang pagbawi ng balanse, nahulog belo ng nun habit na kanyang suot at na-expose ang kalahati ng kanyang mukha.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtama ang kanilang mga mata ni Gelo.
“Anya?” bulong nito, habang tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Punong-puno agad ng katanungan ang mg mata nito.
Napa-atras si Anya, ramdam ang pagkalito at takot na lumabas sa kanyang dibdib. Mabilis niyang inayos ang kanyang belo at tumalikod upang makalabas ng hotel.
“Anya, sandali lang!” sigaw ni Gelo, pero hindi na ito lumingon.
Mabilis ang pagtakas ni Anya palabas ng hotel, hindi na inisip kung ano ang magiging itsura niya sa likod ng costume na iyon. Ang tanging nasa isip niya ay makalayo kay Gelo bago pa tuluyang bumalik ang lahat ng sakit ng nakaraan. Hindi niya lang maintindihan, ay kung bakit in-approach pa siya nito kahit malinaw naman ang nakaraan na masama ang loob nito sa kanya. As far as she knows, Gelo's management threatened to sue her. Iyon ang pinaabot na balita sa kanya ni Rhadson.
Pero iba ang pinadama ni Gelo nang habulin siya nito kanina lamang. Naroon ang eagerness nito na makipag-usap sa kanya.
Feel at ease, or ill at ease? Masyado na siyang naguguluhan. Gusto niyang bumalik sa lobby at yakapin na lang si Gelo. Hindi matigil ang luha niya at hindi na niya alintana ang pagmumukhang tanga niya sa mata ng ibang tao na tila kinaaawaan siya.
BINABASA MO ANG
Peace Be With You, Please Be With Me
قصص عامةPagkatapos ng anim na buwang pakikipag-date, napagtanto nina Anya at Gelo na hindi pala magwo-work ang kanilang relasyon. Nagkasundo silang maghiwalay at mag-focus sa kani-kanilang landas. Gayunpaman, nangako silang mananatiling mabuting magkaibigan...