Twenty Three

0 1 3
                                    

Nagpatuloy ang tahimik na gabi habang nag-iisip ng magandang hakbang sina Arturo at Rhadson. Pareho silang hindi makapaniwala na kinaya ni Gelo ang lahat, just to save Anya. They realized that they really wronged him too after they watched the footage.

Nakita nila ang eksena kung saan si Gelo, kahit halos wala nang lakas, ay gumawa ng paraan upang mailigtas si Anya mula sa isang lady attacker nito. Nagawa pa niyang tawagan ang mga awtoridad bago nawalan ng malay si Anya, pero nabigo siyang mahuli ang attacker.

“Hindi ko akalain na kahit ayaw ko sa Gelo na ‘yon, siya pa rin pala ang nakatulong kay ate. Kailangan kong mag-sorry sa kanya,” nanlulumong sambit ni Arturo.

“Pero bakit hindi ito nabanggit ni Gelo?” tanong ni Rhadson na puno ng pag-aalala. “At bakit walang nakakaalam? Maging si Anya ay walang ideya na siya ang naglayo sa kanya sa kapahamakang iyon.”

“Siguro, sa kabila ng lahat, gusto niyang protektahan si Ate kahit na delikado pa,” sagot ni Arturo habang patuloy na pinapanood ang footage.

Nakatulala si Rhadson, iniisip kung paano nila ipapaabot kay Anya ang impormasyon na ito. “Kailangan ba nating sabihin kay Anya? Baka lalo siyang masaktan o maguluhan.”

Napaisip si Arturo. “Hindi ko alam, pero sa tingin ko, may karapatan si Ate na malaman ito. Mahirap na ang sitwasyon niya ngayon, pero baka mas makabuti kung malaman niyang hindi siya iniwan ni Gelo.”

“Pero paano natin ipapaliwanag?” tanong ni Rhadson. “Paano natin haharapin si Gelo pagkatapos ng lahat ng nangyari? His management would take legal actions kapag lumapit pa si Anya, pati tayo. Ni hindi nga rin ako pinayagan ng representative nila na makipag-usap ako kay Gelo, eh.”

“Kaya nga. Baka mas lalo pang gumulo. Baka pag binanggit pa natin kay ate, baka ma-trigger lang ang emotions niya. I think, hindi pa ito ang tamang oras. Sasabihin natin kay ate ang lahat, pero hindi muna ngayon.” Buntonghininga ang pinakawalan ni Arturo sabay iling. Nakatanga lang siya sa kanyang laptop hangga't sa naisip niyang i-save ang kopya ng CCTV sa sarili niyang flash drive.

“Gelo had reasons why he didn't reveal the truth. Kailangan makausap muna natin siya bago rin natin ipaalam kay Anya,” suggest naman ni Rhadson. “Just promise me, secret lang muna natin ito. Hindi muna natin ipapaalam hangga't hindi natin nakaklaro kay Gelo. Okay ba?”

“Okay. May punto ka naman.” Labag sa kalooban ni Arturo ang pag-agree.

After that conversation, nagpaalam na rin si Rhadson kay Arturo. Matiwasay naman ang paglisan niya ngunit napapiksi siya nang makitang nagri-ring ang phone niya at kahit hindi rehistrado ang number, kilala na niya agad kung sino iyon. Maingat siyang pumasok sa kotse bago iyon sagutin.

“Ako ‘to, Rhadson.” Gelo’s voice seemed to tremble while speaking on the other line. “Nakitawag lang ako saglit. Buti sinagot mo dahil hindi ko na ma-reach pa si Shantel.”

“Anya is doing well at the facility,” sambit ni Rhadson. “Kung siya ang concern mo.”

“Naipakita mo na ba sa kanya ang footage? I need to talk to her. Just once.” Bakas ang pagmamakaawa sa boses nito.

“Hindi pa siya allowed na tumanggap ng guests, especially kapag ikaw.”

“Inilalayo mo ba ako sa kanya? Ang pakiusap ko lang, look after her. Alam kong kaibigan ka niya at nagtitiwala naman siya sa'yo—”

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon