Prologue

572 70 162
                                    

October 2023




Nakatanggap si Anya ng mensahe mula kay Gelo pero alam niyang hindi si Gelo ang nagpadala nito dahil iba ang pagkaka-type nito sa sms. She had a bad feeling regarding this. Kamakailan, nag-leak ang pictures ni Gelo habang on the way ito sa Playful Dreams Shop, ang newly renovated business ni Anya. That photo was taken around midnight. Dahil malisyoso ang mga tao sa internet, nabigyan ng masamang interpretasyon ang larawan at nakabitan na ng samo't saring kwento at masama na ang tingin ng madla kay Gelo—dahil lang may tinatago itong nobya, no other than Anya.

Sa gitna ng mga kontrobersya, hindi mapakali si Anya sa kung ano ang nararamdaman niya bilang isang non showbiz girlfriend. Hindi lang ang mga negatibong komento sa social media ang bumabagabag sa kanya, kundi pati na rin ang misteryosong mensahe na natanggap niya mula sa numero ni Gelo.

"Anya, please meet me at the old warehouse near the port. I need to explain everything," sabi sa SMS message. Kilala niya ang estilo ng pag-text ni Gelo, at iba ang tono at paraan ng pagkaka-type ng mensaheng ito.

Dahil sa kanyang mga pangamba, nagpasya siyang tawagan si Gelo para makumpirma ang mga hinala niya.

"Hello, Gelo? Nasaan ka ngayon?" tanong niya nang sumagot ang nobyo sa telepono.

"Andito ako sa bahay. Bakit?" sagot ni Gelo na tila walang kaalam-alam sa nangyayari. “Parang worried ka, sure ka ba na ayos ka lang?”

“May natanggap lang akong message mula sa'yo, pero parang hindi ikaw ang nagpadala. Sinabi ng mensahe na magkita tayo sa old warehouse sa may port. Like, bakit doon pa? Iniisip ko na at some point, ginu-goodtime mo lang ako."

Natahimik si Gelo saglit bago sumagot. "Anya, hindi ako nagpadala ng message. Buti na lang at kinumpirma mo muna sa'kin. Mukhang may nagtatangkang gumawa ng masama. Huwag kang pumunta doon. Pupuntahan kita ngayon."

“Okay. Mag-iingat ka huh?”

“Of course, I will.”

Hinawakan ni Anya ang kanang dibdib dahil ramdam niya ang malakas na pagkabog ng kanyang puso.

Makalipas ang ilang oras, naisip niyang tawagan ulit si Gelo para malaman kung nasaan na ito. But unfortunately, hindi na nari-reach ang phone ng binata. Mas lalo siyang nakaramdam ng masama. Dahil hindi na siya mapakali, mas pinili niyang bumyahe papunta sa bahay nito pero nakasarado iyon at patay ang mga ilaw.

“Ang malas ko naman dahil wala akong number ng ka-members niya,” frustrated na sabi pa ni Anya. At dahil hindi na ma-contact si Gelo, susubukan na sana niyang mag-report sa mga pulis. Ngunit bago pa niya magawa iyon, nakatanggap siya ng sms mula sa isang unknown number.

“Anya, let's break up.”

Awtomatikong tumulo ang luha sa kanyang mga mata, kasabay ng biglang pagbuhos ng ulan. At that moment, parang nakikisimpatya ang madilim at tahimik na kapaligiran sa kanya. Si Gelo ang itinuturing niyang kakampi, pero bakit nagawa nitong pag-alalahanin siya at hiwalayan nang gano'n na lamang?

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon