Four

136 50 64
                                    

Imbis na matulog, naisipan ni Anya na i-check ang ibang stocks ng laruan na hindi pa niya nai-display. Some of them arrived four months ago. Mauubos na rin ang ibang displayed items kaya kailangan din na may bago siyang ipapalit sa mga estante. Isang malaking box ang nabuksan niya na may nakapaloob na packaging ng dollhouse lego. May kalakihan iyon at sa pagkakaalala ni Anya, wala siyang gano'ng order.

"Wrong item kaya ito? I think kailangan ko itong ibalik."

Itinabi niya sa safe na lagayan ang lego house at tiningnan niya rin ang mga resibo para ma-contact ang pinagbilhan nito. Sa ngayon kasi, iisa lang naman ang supplier niya ng mga laruan. Mas maigi na bukas na lang din niya iyon kausapin.

But something's telling her to open the packaging box. Parang kailangan niyang makita mismo ang laruan at ikinagulat niya dahil kaunti na lang at mabubuo na pala iyon. Bigla tuloy siyang napangiti.

"Tama. Buuin ko na lang kaya para antukin ako?"

Maingat na inilabas ni Anya ang pira-pirasong lego na hindi pa naikakabit. It took her half an hour to finish them but unfortunately, may isang piraso na kulang at sa bubong na bahagi pa iyon.

"Mali na nga ang item, kulang-kulang pa." She sighed out of frustration. Hangga't sa ibinalik na lang niya ang leggo house nang maingat sa box nito para hindi masira pa.


***


"Kahit pa i-insist n'yo sa amin, hindi namin tatanggapin 'yan kasi wala talaga kaming kahit anong lego na laruan, ma'am. Baka may iba pa kayong supplier, pakitanong na lang sa kanila."

Bakas ang pagkadismaya ng sales support na kausap ni Anya sa kabilang linya ng phone. Mas lalo siyang nabahala dahil wala siyang makukuhang refund sa mga ito, since itinatanggi ng mga ito ang laruan na gusto niyang ibalik.

"Okay. Okay. Pasensiya na. Itatago ko na lang ito," kalmado niyang sagot.

Hindi niya napigilan ang luha nang ibaba ang telepono. Ngayon lang siya nakapag-audit at marami palang mga nasayang na laruan at hindi na maganda ang kondisyon para ibenta. Sa madaling salita, kapapasok pa lang ng bagong taon, lugi na siya.

"Kung nandito lang si Gelo, alam niya 'yong gagawin."

Napatanga siya saglit at madaling pinigil ang pag-iyak. Naalala na naman niya kung paano siya tinutulungan ni Gelo kapag may inconvenience siyang kinakaharap sa business, lalo na sa pag-aayos ng mga binebenta niyang laruan. It felt like she became dependent on him. Kahit kailan, hindi naging masama ang tingin niya sa binata dahil sa kabila ng pagiging busy nito, nakakagawa pa rin ito ng paraan upang tumulong at i-check kung okay siya.

"Bakit ba inaalala mo pa 'yong mga taong wala?"

Bumuga ng hangin si Anya at mas pinili na lamang na isa-isang ayusin ang mga laruan na naging defective. It would be a good idea if she would just sell them at a lower price.

Peace Be With You, Please Be With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon