Sa pagkakatayo ni Anya sa loob ng blue panda mascot, tila sumikip ang kanyang dibdib dahil sa pagkakalapit ni Gelo. Nang marinig niya ang boses nito, halos mawalan siya ng lakas. Ang bulong ni Gelo ay tila may ibang kahulugan—parang may halong pahiwatig na tila alam nito kung sino ang nasa loob ng mascot.
Habang papalapit si Gelo para gawin ang mabilis na pagyakap nito, naramdaman ni Anya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Gusto niyang umatras, ngunit hindi siya makagalaw.
Nang yakapin siya ni Gelo, bigla niyang naramdaman ang init ng mga bisig nito. Hindi ito ordinaryong yakap. There was a familiar warmth and comfort that didn't fade away.
At sa kabila naman ng makapal na costume, parang naramdaman ni Gelo kung sino ang yakap niya.
"Salamat, panda!" pabirong sabi ni Gelo, kasabay ng pagtawa ng mga host at audience.
Ngunit bago siya tuluyang bumitaw, bumulong muli si Gelo, sa mas seryosong tono. “Alam kong ikaw ‘yan, Anya.”
Nanlaki ang mga mata ni Anya sa narinig. Hindi siya sigurado kung tama ba ang pandinig niya. Gusto niyang itanong kung paano siya nakilala ni Gelo sa loob ng mascot, ngunit alam niyang wala siyang paraan para sumagot nang hindi nabubunyag. Tila isang hamon ang mga salita ni Gelo—isang paalala na hindi siya maaaring magtago anytime.
Nang bumitaw si Gelo, ngumiti ito sa kanya at nagpatuloy sa interview. Para bang walang nangyari, ngunit alam nilang pareho na may namuong tensyon sa kanilang dalawa.
Pagkatapos ng awkward na moment sa red carpet, nagmamadaling umalis si Anya papunta sa backstage. Gusto niyang alisin agad ang costume para makalayo sa mga mata ni Gelo at sa mga nakapaligid sa kanya. Napigilan lamang siya ng organizer sa pagtangka niyang umalis. Bigla niyang naalala na kailangan pa niyang magpakabibo sa loob ng mascot at sumali sa mga photo op.
Hangga't sa natapos ang part ng event na iyon. Gelo proceeded to his designated table and patiently watched some awardees and performers at the function hall.
***
Sa kabilang banda naman, nagmadali si Anya na ayusin ang sarili sa locker room. Ngunit habang hinuhubad ang panda suit, hindi niya maiwasang isipin ang boses ni Gelo at ang mga sinabi nito.
"Alam kong ikaw 'yan, Anya." Paulit-ulit iyon sa kanyang isipan. Paano nga ba siya nakilala ni Gelo? Sa loob ng maraming taon, inisip niyang wala na siyang puwang sa buhay nito.
Pagkalabas niya, nakita niya si Karen na abala sa pagmamando sa mga staff at alam niyang siya talaga ang hinahanap nito.
“Sinabi ng organizer ‘yong nangyari kanina. Buti na lang naging maayos naman. Sinabi ko na lang na hindi naman talaga ikaw ang orig na magsusuot ng panda mascot. Pero next time, kung tatanggap ka ng ibang tasks, dapat sa'kin muna. Okay?” litanya ni Karen.
Nahihiyang tumango si Anya. “Sorry Ms. Karen. Next time, sa inyo na ako lalapit. Sana ‘wag n'yong pagalitan ‘yong katrabaho ko.”
“Oo naman. Okay na.”
Nakahinga naman nang maluwag si Anya sa pag-alis na si Karen. Alam niyang magiging mahaba pa ang gabing ito.
***
Habang abala si Gelo sa kahabaan ng charity ball, ang mga alaala ni Anya ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang isipan. Kahit na ngayon ay nasa spotlight siya, hindi niya maiwasang bumalik sa kanilang nakaraan.
"Boss Gelo, mayroon pa po tayong VIP meet and greet pagkatapos nito. Also, meeting with the executives pati kay Sir Rhadson," sabi ng kanyang PA, na agad naman niyang sinang-ayunan.
"Okay, thanks," tugon niya rito na pilit itinatago ang pag-aalala. Mas lalong tumindi ang kaba niya dahil finally, makakaharap na niya ang karibal niya kay Anya. He wanted to confront or just ask Rhadson how he handled matters with Anya. Dahil may kutob siya na hindi naman nito tinupad ang sinabi nitong aalagaan nito si Anya nang mabuti dahil iba ang nakikita niyang sitwasyon.
Anya seemed not to be taken care of. Sa gestures nito sa likod ng mascot, parang overworked ito. It could mean that Rhadson and Anya weren't dating. Baka hindi rin naging madre si Anya at disguise lang ang nun habit para takasan siya sa kanilang pagkikita sa lobby. Sa tuwing nakikita niya si Anya, mas lalo niyang nararamdaman ang pag-asa. Tila may bahagi ng puso niya na gustong magsimula muli.
On the other side, hindi naman siya siguradong si Anya talaga ang nasa mascot. He just assumed that since he was aware, Anya dreamed of wearing a mascot even once in her life. Naalala niya rin na sinabi nito sa kanya na gagawin nito ang lahat para lang makapagsuot ng kahit anong mascot. He also remembered Anya's gestures.
Sa likod ng kanyang isipan, alam niyang mahirap mangyari ang second chance na binanggit niya kanina sa interview. Si Anya na ang gumagawa ng paraan na hindi sila magkita. Kahit siya nga ang dapat gumawa ng bagay na ‘yon.
BINABASA MO ANG
Peace Be With You, Please Be With Me
General FictionPagkatapos ng anim na buwang pakikipag-date, napagtanto nina Anya at Gelo na hindi pala magwo-work ang kanilang relasyon. Nagkasundo silang maghiwalay at mag-focus sa kani-kanilang landas. Gayunpaman, nangako silang mananatiling mabuting magkaibigan...