Chapter 30

2.3K 55 1
                                    

TRIGGER WARNING: Mental Health Content. This story contains themes related to mental health, including but not limited to depression, anxiety, trauma, and self-harm. Reader discretion is advised.


Hindi nga ako nagkamali na maaaring sumama si Caitlin sa daddy para sa dinner na ito. Dahil ito at nasa entrance pa lang kami ni Luther ng restaurant ay natanaw ko na ang kapatid ko na masayang kausap ang aming ama. Napahinga ako nog malalim at mas kumapit ang kamay ko sa braso ni Luther habang naglalakad kami.

"Based on your reaction you didn't know that your sister will join us tonight," rinig ko sambit ni Luther. Tumango ako sa kaniya at bumaling. Nakasimangot ako pero siya ay nakangiti, hinawakan niya ang pisngi ko at kinurot 'yon.

"Don't worry, I am here," dagdag niya pa.

"Iyon nga ang dahilan kung bakit narito siya," pagkasagot ko non ay siyang pagbalik ko ng tingin kay Caitlin at ang mga mata nito ay nasa akin rin pala. She smiled at me, at sa ngiti pa lang na 'yon ay alam kong may kasamaan na naman siyang nasa isip.

"Dapat pala nag-stay na lang talaga tayo sa 1m per night na hotel na 'yon," bulong ko pa. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Luther ay mas hinapit ako sa baywang habang naglalakad kami.

"Ikaw, eh. Pinilit kita."

Totoo 'yon. Pinilit niya talaga ako pero syempre dahil nga nasabi ko na sa daddy na pupunta kami ay hindi pwedeng basta na lang ako mag-cancel.

And my father's face right now... when he noticed us, I saw the apologetic look on him.

"Sit, anak. Luther. We ordered food already," nakangiting sambit ng daddy pagkalapit namin. Lumapit naman ako sa kaniya at humalik sa pisngi. I didn't even bother look at my sister beside him. Pagkaupo ko at pagkabigay galang ni Luther ay agad rin itong tumabi sa akin.

This... is actually getting exhausting for me.

"Uhm. Hindi ko kasi maiwan ang kapatid mo sa hotel at wala rin naman siyang gagawin kaya isinama ko na, anak."

But you know that I don't want Caitlin to join us, daddy... sinabi ko.

"It's okay, dad," maiksing sagot ko na lang, pagod na rin naman na magsabi at umasa na masusunod rin ako kahit isang beses lang.

My sister was looking at me, I can see it. Pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Ayoko na may mangyari na naman kapag hindi ako nakapagpigil.

"Hindi rin kasi maganda ang pakiramdam ni Caitlin sa lugar. Maybe because mag-isa lang siya. Kaya sinama ko na rin talaga."

Alam kong nag-aalala ang daddy dahil dalawang beses na siyang nagpaliwanag, pero wala na rin naman akong magagawa.

I nod and then took the glass of water. Kahit kadarating lang ay napainom ako ng tubig.

Tipid rin ako na ngumiti sa aking ama para huwag na siyang mag-alala. Kahit hindi na magpaliwanag ang daddy, may ideya na ako na tulad ng dati, pagbibigyan niya si Caitlin dahil nga sasama ang loob nito. Siguro umasa lang rin ako na dahil sa nangyari kahapin ay pagbibigayan niya ako. Pero hindi rin pala.

I know that they're giving what my sister wants, iyong mga kaya nila dahil iniisip nila ang mental health ni Caitlin. My sister has bipolar and Post-Traumatic Stess Disorder. Alam ko na ito rin ang iniisip ni dad, na baka mas lumala pag hindi sinunod ang gusto. Because before, we reached a point where she was harming herself and hurting our housemaids. Mom and dad were so scared it would happen again.

Not all parents take that kind of illness seriously. Kaya ang swerte ni Caitlin.

But... how about me?

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon