"How are your businesses, Thes?"Napatingin ako sa Dad nang tanungin niya ako. Narito kami ngayon sa Las Casas at nag-didinner. Si Zack na ang nag-imbita sa kaniya at sa akin. He usually do this because he knows what kind of relationship I have with mom and Caitlin.
"It's all good, Dad. Parang hindi naman po ninyo kakakamusta lang sa mga negosyo ko nung nakaraan?" ngiti ko na sagot sa kaniya.
If mom finds out about this dinner, I'm sure she'll send me a message about it. Telling me na inaabala ko na naman ang Dad sa dami ng ginagawa nito. Pero kung makatanggap man ako ay hindi ko na lamang 'yon papansinin. I am also sick of them, how the treated me. Walang pagbabago kahit na ipinagparaya ko na ang lahat, ibinigay ko ang kung anong gusto ni Caitlin.
"Is there something wrong, anak? Lately ay napapansin ko na parang nawawala na ang sigla mo, eh. Nag-away na naman ba kayo ng mommy mo?" may pag-aalala na tanong niya.
Pasubo pa lang ako non ng steak at naibaba ko ang tinidor na hawak ko at umiling sa dad habang nakangiti.
"I am okay, dad. Uhm okay rin po kami ni mom," pagsisinnungaling ko para hindi na siya mag-alala pa.
"Siguro pagod looking lang po ako? Busy rin po kasi ako sa mga shops lalo na po sa clothing store ko," sinundan ko pa 'yon ng pagngiti para makumbinsi siya.
Well, honestly, last week yes. May nangyari nga. Mas worse. Siguro 'yon na ang isa sa mga pinakamabigat na nangyari isa pagitan namin ni mommy.
But, I am thankful to someone. Ni hindi ko masyadong inisip 'yon 'di tulad ng dati na kapag may nangyari na sagutan o may masasakit na mga salita akong natanggap ay inaabot ako ng isa o dalawang linggo bago makarecover.
And that someone...
Napatingin ako sa cellphone ko na nasa gilid ng lamesa nang umilaw 'yon. Just right on time when I was thinking about him, saka siya nagpadala ng mensahe.
Luther: How are you, Catalina?
Sa dalawang araw na nakalipas ay palagi kaming magkausap ni Luther. Sa chat, we also do video calls. At hindi pa ulit kami nagkikita pagkatapos ng nangyari sa bahay ko dahil naging abala na siya sa kumpanya niya. He also told me that he has a business trip next week. Medyo na-sad nga kami ni chipipay don kasi one week rin siya na mawawala.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang mensahe habang nakangiti. But before I reply, I saw Zack in front of me eyeing me. Seryoso ang mga mata niya na nakatuon sa akin habang hawak ang kubyertos.
"Why?" ngiting tanong ko. Umiling siya saka tipid na rin na ngumiti. But his eyes are telling me otherwise.
Nang hindi naman siya sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain ay saka naman ako nagpatuloy sa pagtitipa ng sagot kay Luther. Sinubukan ko na hindi mangiti. Nag-e-enjoy naman ako sa set-up namin.
At nung gabi na tinanong niya ako kung pwede kami na lumabas ay sinabi ko sa kaniya na oo. I mean, I also want to spend more time with him. Hindi na ako mag-iinarte. Wala rin naman ibang dahilan para humindi ako lalo na at talagang nagugustuhan ko na kasama siya.
Saka kahit sinabi sa akin ni Luther na hindi naman niya ako pipilitin sa mga bagay na ayaw kong gawin niya, pakiramdam ko naman lahat ng gawin niya ngayon ay ayos lang sa akin. Mainis man ako siguro ay sandali lang.
I mean, how could I resist him? He's so adorable! Ang cute niya, ang gwapo. Haay. And everytime I looked at him that night, there's something running around my stomach, my heart clenched. Bigla siyang nag-go-glow sa paningin ko.
Me: Nandito ako sa Las Casas. I am having dinner with Dad and Zack.
Pagkasend ko non ay ibinaba ko rin ang cellphone ko. Nagpatuloy ako sa pagkain at sa ilang pagsubo ay napansin ko ulit ang tingin ni Zack na nasa harapan ko. Now, I'm sure that he really has something to tell me. Mamaya pagkatapos ng dinner ay kakausapin ko siya.
Kanina pa rin siya tahimik. Which is unusual for me kasi hindi talaga siya ganito.
"By the way, Zack. Your dad is opening a construction firm in Cebu, right? Ikaw ang pupunta doon?"
"Yes po, tito. Sa isang araw po. Tapos na rin po ang paggawa ng building ng mga office. Ahh, kaya ko rin po pala kayo inimbitahan ni Thes ngayon sa dinner na 'to ay para sabihin ang tungkol doon."
"Oh, nice!" natutuwang sabi ni Dad.
Nang tumunog naman ang cellphone ko ay nasasabik na kinuha ko 'yon agad dahil alam ko na si Luther ang nag-reply. When I felt Zack's gaze, I ignored it and read the message.
Luther: Zack. Ang lalakeng kumausap sa 'yo sa supermarket.
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil wala naman pagtatanong doon. Tipid na, 'Oo' lang ang isinagot ko. Mukhang wala na siyang magiging reply pa nito at dito na mapuputol ang usapan namin.
"I wanted to invite you po and Thes sa opening celebration ng firm. Sana po ay free kayo non," rinig ko na sabi ni Zack habang nakatutok pa rin ang mga mata ko sa cellphone ko.
"Oh, sure sure! Kahit busy ako ay magmu-move ako ng schedule ko. Hindi ko dapat mapalampas 'yan kung negosyo ng ama mo. We've been good friend since we were in high school!"
"Thank you po, tito."
"How about you, anak? Are you free?"
I was focus on my phone. Waiting. Kahit ilang segundo pa lang ang nakalilipas nang magpadala ako ng sagot ay naiinip na ako kaagad.
Hindi na ba siya magrereply?
And when I thought Luther's not going to reply back ay napalabi ako at napangiti nang makita na may pumasok ulit na message galing sa kaniya. And my smile widened when I read his message.
Luther: I don't like him around you, Catalina.
Huy. Hala siya. Manliligaw pa lang pero nagbabawal na?
Pero kinilig ka, Therese Catalina!
Sinusupil ko ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi ko at magtatype na sana ako ng sagot nang nasundan pa ng isang mensahe ang pinadala niya.
Luther: Pakiramdam ko ay may gusto sa 'yo ang lalakeng 'yon.
Nagseselos siya?
Naninikip ang dibdib ko nang itipa ko ang nasa isip ko at isend 'yon sa kaniya.
Me: Selos ka?
I bit my lower lip while waiting for Luther's reply. Pero nang mas maramdaman ko ang tiim ng tingin ng kaharap ko sa akin ay napadako na ang pansin ko dito.
Zack has now a serious face, bumaba agad ang atensyon niya sa pagkain at naghiwa ng steak.
"Anak, are you busy? Client ba ang kausap mo?"
"U-Uh no, dad," sagot ko agad at naibaba sa kandungan ko ang cellphone.
Ngumiti sa akin ang Daddy. "I asked you if you are free sa isang araw para um-attend ng opening celebration ng construction firm nila Zack."
Oh...
Napaawang ang mga labi ko dahil wala akong narinig. Masyado ako natuwa sa pakikipag-text kay Luther.
"Yes po. I am free. Pupunta ako," sagot ko at bumaling kay Zack.
He raised his head and nodded at me. May ngiti pero hindi man lang 'yon umabot sa mga mata niya.
"Thank you, Thes. I am expecting you also," sabi niya sa akin.
Tumango lang rin ako at gumanti ng ngiti. Nang mapansin ko na umilaw ang cellphone ko na nasa kandungan ko ay napatingin ako doon. Hindi ko pa 'yon nabubuksan dahil nakuha ang atensyon ko ng daddy sa sinabi niya at napatingin sa kaniya.
"I heard the Vallejes are going there too, Zack. Business partners?"
V-Vallejes? Sino?
Hindi sa Daddy tumingin si Zack nang sumagot siya kung hindi sa akin.
"Yes po, tito. Business partners ang mga Valleje"
What stunned me was when he mentioned which Valleje was their business partner.
"Luther Rico Valleje and his brother will come."
W-What the?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Sweet Psycho
RomanceTherese Catalina doesn't do one-night stands. But everything changed when she met Luther Rico Valleje, her best friend's brother-in-law! Will their relationship really end after just one passionate night, or will they keep wanting more? --- "Hmmm...