004: Jameson

32 5 0
                                    

Aeyza's POV

Tahimik ang paligid habang nakatingin si Dylan at ang Mama niya sa natutulog na si Meghan. Nasa kuwarto kami, mukang guessing room. At ako? Ano nga bang ginagawa ko dito?

Napakamot ulit ako sa ulo ko. Dinala ako ni Dylan dito para sabihin sa Mama niya na hindi totoo na may relasyon sila ni Meghan. Tss, bakit kailangan ako pa magsabi? May bibig naman siya para magpaliwanag.

Maliban na lang kung alam niyang hindi siya paniniwalaan ng sarili niyang Mama.

Napalingon naman ako sa Mama niya nang lumapit ito sa akin.

"I'm so sorry to bother you this late at night, Miss....?" 

"Aeyza Mansom po." Sagot ko.

"Oh? Mansom?" Kunot noo niyang tanong bago ngumiti.

"Yes po,"

"It's nice to meet you, Miss Aeyza Mansom. I'm Lorie Jameson." Inabot niya ang kamay para makipag shake hands sa akin. Kinuha ko naman iyon.

"Nice to meet you din po." Sabi ko at binitawan na namin ang kamay ng isa't isa. Napansin ko pa ang pag lingon ni Dylan sa amin bago iniwas ang paningin.

"You can go home na, ihja. Gabi na din." Nakangiti niyang sabi. Napasilip ulit ako kay Dylan na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Tss, bakit hindi siya tumitingin sakin? Wala akong sasakyan!

Sa kotse niya ako sinakay kanina kaya dapat ihatid niya ako. Magsasalita na sana ako ng biglang mag salita si Dylan.

"Wala ka bang ipapaliwanag?" Tanong niya at humarap sa amin. Pareho kami ng Mama niyang napatingin sa kaniya. "Tell her that it's not true." Sakin siya nakatingin. Walang emosyon ang mata ni Dylan. Malayong malayo sa Dylan na kilala ng lahat.

Napalingon naman ako sa Mama niya. Hindi nakatakas sa mata ko ang masasamang tingin ng Mama niya sa kaniya.

Oh? It's giving Mommy issue.

d-_-b

"Yung post po ni Dylan sa Instagram na may relasyon sila ni Meghan, hindi po 'yon totoo. Magpapakamatay kasi si Meghan kaya napilitan si Dylan." Mahabang paliwanag ko. Sa sobrang haba, ayaw ko ng mag salita ulit dahil ubos na ang social battery ko na palaging 10% lang.

Walang umimik sa kanila. Nakita kong nagtititigan silang mag ina. Blanko ang muka ni Dylan samantalang nakikita ko na masama ang titig ni Mrs.Jameson sa kaniya.

"You can go home na, Miss Mansom." Humarap na sa akin na may ngiti sa labi ang Mama niya. Napatingin ako kay Dylan na tumalikod na samin at inayos ang kumot ni Meghan. Mukang nalimutan na talaga niyang wala akong kotse. Tsk, ang hirap pa namang mag commute ng ganitong oras!

Isa pa ay mukang hindi na dapat abalahin pa si Dylan dahil pakiramdam ko ay sa oras na lumabas ako ng bahay nila ay magbabangangayan silang dalawang mag ina.

Tsk, inabala din naman ako ni Dylan, ah?!

"Miss Aeyza?" Muling tawag sakin ni Mrs. Jameson ng mapansing tulala ako.

Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)Where stories live. Discover now