Aeyza's POV
"What?" Kunot noo niyang tanong, nanatili siyang nakatitig sa akin.
"Tss, alis." Tinulak ko siya palayo. Nahulog pa pala ang sigarilyo na binigay niya sakin kanina pagka-hilan niya sakin. "Sayang tuloy." Inis kong dinampot ang sigarilyo. Itatapon ko 'yon kapag may nakita akong basurahan.
"Are you okay?" Natigilan ako ng hawakan ni Dylan ng marahan ang braso ko. "Does it hurt? Napalakas yung hatak, sorry." Mahina niyang sambit habang nakayuko. Bakas sa mukha niya ang pagka-guilty dahil sa ginawa. Mukhang napansin niyang nasaktan ako sa ginawa niya.
Natawa ako ng mahina at pinisil ko ang parehong pisngi ni Dylan gamit ang palad ko.
So adorable..
"May dalawang persona ka ba at bigla-bigla ka na lang nagiging kupal at mabuting tao?" Nakangisi kong pangaasar pero ngumuso lang siya.
"What did I told you? Nagseselos nga ako, 'di ba?"
"Tss, 'wag kang magselos sakin. Sayong sayo na 'yang Kuya mo." Tinanggal ko ang palad ko sa mukha niya at napalingon sa bus dahil nadidinig ko na ang ingay ng mga papalapit na student. Mukhang aalis na kami. "Let's go." Hinawakan ko ang braso niya at hinatak siya.
Nakita ko pang nagtitinginan ang mga classmate ko sakin at kay Dylan habang sumasakay kami sa bus.
Na-upo kami ni Dylan sa pang dalawahang upuan sa gitnang bahagi ng bus at sa tabi ng bintana ako umupo.
"Did you forgot na Tourism ako?" Bulong ni Dylan na siyang kinatigil ko.
Oppsss..
Hindi pala siya Forenscie at hindi siya belong sa bus na 'to.
"Sige, baba ka na." Walang emosyon kong sambit at isinandal ang ulo ko sa bintana.
"You're so mean." Ngumuso siya na parang bata kaya natawa ako.
Adorable..
"Pres," tinaas ko ang kamay ko para tawagin ang atensyon ni Krisha na kaagad naman akong nilingon. "Is it fine kung dito muna 'tong kasama ko?"
Tumingin pa muna si Krisha kay Dylan bago ako tignan ulit. "Okay lang naman." Sagot naman niya at na-upo.
"Okay lang daw," parang batang tumingin sakin si Dylan kaya napangiti ako. "Tabi tayo, okay?"
"Sige, nak." Nakangisi kong sabi at kinuha ang Tomato fries ko sa bag. "Oh, kainin mo, nak. Kawawa ka naman."
"As far as I know, I'm not your son.." nawala ang pagiging bata na naman niya at napalitan ng seryosong tingin. "Ama ako ng anak nating dalawa."
Nalaglag ang panga ko dahil sa sagot niya. Natahimik ang buong paligid, mukhang nadinig ng mga classmate ko iyon dahil medyo malakas ang pagkakasabi ni Dylan at napatingin sila samin.
"Loko ka!" Hinampas ko ang braso ni Dylan pero tumawa lang siya. Inis kong iniwas ang tingin sa kaniya at nagkibit-balikat.
Bwiset!
Napalunok ako ng maramdaman ang kakaibang kalabog na naman sa puso ko. May nararamdaman din akong kakaibang pakiramdam sa tiyan ko at nagiinit ang pisngi ko.
The fuck?
Tumahimik na lang ako at Kumain ng chichirya na hawak-hawak ni Dylan.
"Saan next nating pupuntahan?" Ngumunguya niyang tanong.
YOU ARE READING
Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)
Romance"Falling in love with me is the dumbest idea, Dylan." Everyone perceives Aeyza as cold, and for her, the concept of love is nothing but foolishness. Until she crosses paths with Dylan. Si Dylan na kaaway niya at hindi kasundo, si Dylan na hindi siya...