011: Strange feeling

22 4 0
                                    

Dylan's POV


"Bakit absent ka last week?" Tanong ni Lance. "At ano 'yan? Bakit may pasa ka sa braso?"

Tumikhim ako at kinuha ang blazer ng uniform ko para suutin.

"Dre, okay ka lang?" Muli niyang tanong.

"I'm fine, Lance." Tipid kong sagot. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang YouTube Channel na meroon ako. Nagdadalawang isip ako kung buburahin ko ba iyon o hindi. Iyon lang kasi ang pinagkukuhaan ko ng pera para sa amin ni Scarlet. Ang kaso ay isang buwan na akong walang upload doon at wala na din akong idea kung anong content ang ilalagay doon, hindi ko na din alam kung paanong magbibigay ng pekeng ngiti sa harap ng camera.

"Babae 'yan, 'no?!" Hinablot ni Lance ang cellphone sa kamay ko at tinitigan iyon. "Sus! Bilis mo mag back, ha! Teka! Sa history nga.." pinanood ko siyang kalkalin ang phone ko. Napa-iling na lang ako. Wala naman akong interes sa mga babae maliban doon sa babaeng taga business administration na may asawa na at mahilig sa Chocolate milktea na meroong Y sa pangalan and that's Ayesha.

Kidding.

"Talaga?! Babae?!" Nagulat ako ng biglang sumulpot din si Darrah. Na-upo siya sa tabi ni Lance at nakitingin sa phone ko.

"Oo, feeling ko babae kinai-stress niya, eh." Sagot ni Lance, nasa phone ko pa din ang tingin.

"Sino?! Sino?!" Nakangisi niyang tanong at sinulyapan ako.

"Siguro yung secret girl niya na na-meet niya sa convenience store, yieee!!" Tinusok tusok niya ang braso ko habang nanunukso ang tingin.

Natawa lang ako sa sinabi niya at napa-iling. Secret girl? The hoodie girl?

Speaking of her, nasan kaya siya? Hindi ko malilimutan ang cute niyang forehead. Ang weird ng fashion niya but at the same time, i found it cute.

"Saan magandang mag jogging?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Puwede ka namang mag jogging sa subdivision--"

"Sa Tagaytay woodland!!" Bago pa matapos si Lance sa sinasabi ay pinutol na siya ni Darrah. "If you're looking for friendly environment na subdivision na masarap pag jogging-an, then Tagaytay Woodland is for you!"

Tagaytay woodland? That's the exclusive subdivision na katapat ng convenience store where i saw the hoodie girl and that's also where Lance live.

"Tara, jogging ulit samin." Anyaya ni Lance sa akin at napalabi ako.

"When?"

"Bukas."

Tumango ako at kinuha na kay Lance ang phone ko. Nakita ko pang tumayo si Darrah para bumalik sa upuan niya. Dumating na ang Professor para sa unang klase at dahil nga wala ako noong nakaraang linggo ay puro pahabol na activities  ang pinagawa sa akin.

6pm na ng matapos ang klase namin. Sabay kaming lumabas ni Lance pero bago kami umuwi ay nagtungo muna kami sa Court dahil mag pa-practice kami. Same routine lang, warm up muna at maglalaro na. Pagkatapos ay puwede ng umuwi.

Natapos ang practice namin ng seven pm. Kasabay ko si Lance pabalik sa basement ng Tourism building.

"May bagong chicks Kuya mo," maya't maya niyang sambit sa kalagitnaan ng paglalakad namin. "Taga Forscie." Natigil ako sa paglalakad at napatingin sa kaniya. "Bakit?"

Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)Where stories live. Discover now