Aeyza's POV
NAKATITIG ako sa labas at pinapanood ang mga sasakyan na umaandar. Kasalukuyang nakasakay ang mga student sa bus by department at section. Pitong oras na kaming naka-upo at nasa biyahe, ngalay na ngalay na ang puwet ko.
Katabi ko si Klay na natutulog. Papunta kami ng Baguio para sa team building. Pinaiwan ko muna sila Dobby at Honey kila Mom at Dad. Panigurado namang lahat ng kailangan nila doon ay mabibigay at alagang alaga sila doon.
"Malapit na ba tayo?" Maya't mayang ungot ni Klay kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ewan." Maikli kong sagot at muling binaling ang tingin sa kalsada. Hindi ko alam kung nasaang parte ng Baguio na kami pero ang alam ko lang ay sa teacher camp kami tutuloy.
"I'm so excited. Sama tayo kila Jeremy.." bulong ni Klay kaya napalingon ako ulit sa kaniya.
"Saan?"
"Mag go-ghost hunting daw sila." Excited niyang sabi pero hindi ako sumagot. Muli kong binaling ang mata sa labas ng bus. "Sana makita ko si Crush sa tourism."
Bigla akong napalingon kay Klay ng banggitin niya ang mga tourism. "Tourism? Nandito sila?" Takang tanong ko. Akala ko kasi ay mga Forscie student lang ang naandito ngayon.
"Yup! Batch 1 ang first level ng Forscie, Tourism, Business ad and so on.." binuksan niya yung chichirya niya bago muling mag salita. "Sana makita ko si Dylan, my crush." Kinikilig niyang sabi.
Tss, wala kang pag-asa don.
Inalis ko ang tingin kay Klay at tahimik na pinapanood ang mga sasakyan sa labas. Paniguradong naandito din sila Ayesha, hindi pwedeng wala.
Tinignan ko ang gc namin at nakita na ang sangkatutak na chat nila Mekkah. Tinamad akong mag backread kaya yung pinaka huli lang ang tinignan ko. Sinabi lang sa chat na mag ghost hunting din daw kami. Mukhang maraming student ang malakas ang trip na mag ghost hunting dahil Kilala ang Baguio sa mga horror stories.
Tss, sana makakita talaga sila.
Nang makarating sa teacher camp ay dumiretso kami sa loob. Pag pasok mo pa lang ay sobrang bigat sa pakiramdam at tahimik ang lugar-joke, tahimik lang talaga section namin.
Naka-assign na ang mga room para samin. Kasama ko sa kuwarto si Klay, ng class president na si Krisha at si Novie, pati yung tatlong babae na hindi ko alam ang name basta classmate ko sila. Sa Dormitory naka assigned ang forensic science students at bawat kuwarto ay may pitong student ang magkakasama.
Pare-pareho kaming tahimik sa loob ng kuwarto namin ng makapasok kami at sinimulan ng ayusin ang mga gamit namin.
"Uhm, guys? Ako lang ba yung nakaka-feel ng mabigat na presence?" Tanong ni Klay habang tinitignan ang paligid.
"Not just you, Klay. Ako din." Sagot naman ni Novie sa kaniya.
"That's enough, ayusin na natin yung mga gamit natin para makapag lunch na tayo." Sabi sa amin ni Krisha at sumunod naman silang dalawa.
Ako naman ay may sariling mundo. Inaayos ko ang gamit ko at walang pakialam sa kung ano mang mabigat na pakiramdam na nararamdaman sa loob ng kuwarto-joke, mabigat talaga pakiramdam ko kasi iniwan ko sila Dobby, miss ko na sila.
Matapos ay lumabas kaming apat sa kuwarto. Ang creepy nga kasi sobrang maka-luma ng bahay, parang may tatagos na multo sa bawat pader at may tatakbong bata sa hallway.
Kapit na kapit si Klay sa braso ko dahil natatakot siya. Sa harap namin ay Krisha at naka-kapit din sa braso ni Krisha si Norvie dahil daw natatakot sila.
YOU ARE READING
Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)
Romance"Falling in love with me is the dumbest idea, Dylan." Everyone perceives Aeyza as cold, and for her, the concept of love is nothing but foolishness. Until she crosses paths with Dylan. Si Dylan na kaaway niya at hindi kasundo, si Dylan na hindi siya...