29: Cigarettes

20 1 0
                                    

Aeyza's POV

Ninanamnam ko ang masarap at malamig na hangin ng Baguio. Nasa strawberry farm kami at halos langgamin ang buong paligid dahil sa mga magkasintahang sweet na sweet sa isa't isa habang namimitas ng strawberry.

Bulok sana makuha niyo.

Naglakad-lakad na lang ako habang tinitignan ang paligid. May dala din akong basket at naghahanap ng masarap na strawberry na pwedeng pitasin. Balak kong uwian sila Mommy, paniguradong magugustuhan niya 'to.

Nakakita agad ako ng mga strawberry na mukhang ready to pitas na kaya lumuhod ako at marahan kong kinuha 'yon.

"Pahingi." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Dylan sa tabi ko at nakipitas din ng strawberries.

"Doon ka nga! Akin 'tong pwesto!" Suplada kong sabi at muling tinuon ang atensyon sa strawberries.

"Ta's kapag kay Darius, ipapa-share mo." Napalingon ako sa kaniya dahil sa sarkastiko niyong banat. Hindi siya nakatingin sa akin at nanatiling sa strawberry nakatutok. Salubong din ang kilay niya at mukhang wala sa wisyo.

"Bakit? Selos ka?" Nakangisi kong tanong at natigilan naman siya sa pamimitas. Natawa na lang ako dahil hindi siya nakasagot at parang napako sa kinaluluhudan. "Napakatampuhin mo talaga." Saad ko na lang at muling tinignan ang mga strawberry na pwede ng pitasin.

"Sad to say, hindi lang ako matampuhin.." napalingon na ako kay Dylan ng magsalita na siya. Nakatingin na siya sa akin at seryoso ang mukha kaya napakurap-kurap ako. Bakit ang seryoso niya? "Seloso din ako."

Umawang lang ang bibig ko habang nakatingin sa kaniya. So, aware siya? Kawawa naman future girlfriend niya.

"Ako naman, ayaw ko sa seloso." Sambit ko at inalis na ang tingin sa kaniya. "Baka mabira ko lang siya kapag palagi siyang nagseselos."

"Oh." Tanging react lang niya. Hindi ko na siya pinasadahan ng tingin pa at nag-focus na lang sa paghahanap ng strawberry pero nadinig kong may binulong siya kanina. Ang nadinig ko lang ay, "what do you expect me......snjahajkajasbhs." yan lang nadinig ko, eh.

Wala na akong makitang strawberry na pwedeng pitasin kaya tumayo na ako para maghanap ulit. Naramdaman ko namang tumayo din si Dylan at sumunod sakin. Pinabayaan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Kahit saan siguro ako magpunta ay nakasunod itong si Dylan. Kapag titigil ako ay titigil din siya. Kapag liliko ako, liliko din siya. Ang creepy niya, stalker ko ba siya?

ಠ⁠﹏⁠ಠ

"Wala ka bang sariling desisyon sa buhay kung saan mo gustong pumunta?" Inis ko ng tanong at humarap sa kaniya. Nawala naman bigla ang pagkasalubong ng kilay ko dahil tinignan niya ako ng may maamo at nangungusap na mata habang nakanguso.

"Wala....Ikaw ang desisyon ko." Parang bata niyang sabi.

"Oh? Bakit ako?"

"Ikaw na lang kaya bahala sa buhay ko, Aeyza?" Napaatras ako bigla ng ilapit niya ang sarili sakin. Excited na excited siya sa pinagsasa-sabi.

"Tarantado ka ba? Bahala ka diyan." Iritado kong sabi at tinalikudan na siya.

Ang weirdo talaga ng lalaking 'to! Akala ko, weirdo na ako, mas weirdo pa pala ang isang 'to!

Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)Where stories live. Discover now