Aeyza's POV
May COVID-19 ba si Dylan? Wala siyang pang lasa? Bakit hindi niya malasahang pangit yung lasa ng kinakain niya?"Dylan, akin na 'yan." Sabi ko at inagaw yung plato niya. Tss, baka may masabi pa siya.
"I'm eating. Bakit mo inagaw?" Kunot noo niya pang tanong pero umikot lang ang mata ko.
"Panget yung luto ko." Kunot noo kong sagot at tumayo dala dala ang plato naming dalawa. Tss, bakit ba hindi ko namana kay Mom ang pagiging magaling niya sa pagluluto?
Padabog kong nilagay sa sink ang mga plato. Hindi ako natutuwa, napapahiya ako sa kasama ko. Ang tanga ko kasi mag luto!
"Give me." Napalingon ako kay Dylan ng mag salita siya. Naglalakad siya palapit sa sinigang na niluto ko at tinignan 'yon.
"Tss, oo na, tanga na ako mag luto." Inis kong sabi at tinakpan ang pot pero pinigilan niya lang ang kamay ko sa pagtatakip.
"Kulang lang sa timpla, ako na gagawa." Nakahawak ang kamay ko sa takip ng pot at nakahawak naman siya sa kamay ko. Marahan niyang binaba ang kamay ko para ibaba ang cover ng pot.
"Marunong ka?" Tanong ko matapos niya akong binatawan sa kamay.
"Hmm," nakangiti siyang tumango at nag simula ng buksan ang stove at ayusin ang sinigang na niluto ko.
Pinanood ko siyang mag halo at kumuha ng sangkap. Napatingin ako sa katawan niya kasi wala pa din pala siyang suot pang itaas.
"Kailangan mo ng damit?" Tanong ko at bigla naman siyang nahirinan no'ng titikman niya sana yung sinigang. Tsk, lampahin talaga.
Tumikhim siya at tinignan ang sarili na naka topless. Ayan na naman ang pamumula niya at pag takip niya sa katawan gamit ang kamay. Tss, akala naman niya naglalaway ako sa maskulado niyang katawan.
"C-can you get me my clothes?" Ilang niyang sabi at iniwas ang tingin. Napa-iling na lang ako.
"Tss, virgin." Nakangisi kong pang aasar bago siya talikuran para kuhain yung damit niya na nasa sofa. Malakas ang Aircon dito sa living area, baka kabagin din siya kapag hinayaan niyang wala siyang saplot pang itaas.
Bumalik ako sa kitchen at nakita kong naghahalo na naman siya at pinagpapatuloy ang pag luto.
"Oh," Inabot ko sa kaniya ang damit at napalingon naman siya sa akin.
"Pakilagay sa balikat ko."
Minamanduhan pa ako, tss.
Hindi na lang ako sumagot at isinabit 'yon sa balikat niya.
"Here, taste it." Napatingin ako sa kaniya ng ihipan niya muna ang sabaw bago ipatikim sakin. "Is it good?"
Ninamnam ko ang sabaw at napatango tango. Marunong pala siya magluto? Mukang habulin si Ayesha ng mga lalaking magaling mag luto, ah?
"Oo, masarap." Sagot ko lang at kumuha ng panibagong plato para maghain. Hindi ko na siya narinig pang nagsalita kaya hindi na din ako nag salita at inayos na ang plato naming dalawa.
Na-upo na ako at hinintay siyang matapos. Nang matapos siya ay pinatay niya ang stove at kumuha ng lagyan para sa sinigang at dahan dahan itong inilagay sa lamesa.
"Let's eat?" Nakangiti niyang sabi at tumango naman ako. Natigilan pa nga ako dahil nilagyan niya ng kanin ang plato ko at lagyan din 'yon ng ulam. Bakit niya ako tinutulungan? Bata ba ako?
Hindi na lang ako nag salita dahil nalagyan na niya. Kapag ba nagbunganga o binara ko siya, may magbabago ba?
Tahimik kaming dalawa habang nakain. Pakiramdam ko ay nag re-recharged na ako dahil sa dami ng battery na nagamit ko ngayon sa katawan. Daldal kasi ni Dylan. Si Mark, Ayesha, Darrah at Mekkah lang ang nakakaubos ng bongga ng battery ko.
YOU ARE READING
Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)
Romantik"Falling in love with me is the dumbest idea, Dylan." Everyone perceives Aeyza as cold, and for her, the concept of love is nothing but foolishness. Until she crosses paths with Dylan. Si Dylan na kaaway niya at hindi kasundo, si Dylan na hindi siya...