016: Unnoticed

16 4 0
                                    

Aeyza's POV

NAPABAHING ako habang naglalaba. Wala akong pasok ngayon kaya ngayon ko na lalabhan itong sangdamakmak kong labahin. Ako lang kasi ang naandito sa bahay kaya malamang ay ako din ang gagawa ng lahat dito.

Ayaw ko namang kumuha ng maglalaba kasi kaya ko namang mag laba at kaya ko ding linisin ang bahay ko.

Mabuti na lang talaga at ako lang din dito sa bahay dahil nasusuot ko ang gusto kong suotin. Naka maikling short, crop top tapos wala pa akong bra habang naglilinis ng buong bahay. Mas presko kasi at kumportable ako sa ganoong suot.

Pag tapos nito ay gagawin ko naman ang activity ko na bukas agad ang pasahan. Dapat nga ay kahapon din ang pasahan non eh limang papel dapat ang ibibigay namin sa Professor namin at back to back dapat ang sulat, ta's gusto niya the same day din ipapasa? Tss.

If the lord created the Universe in 7 days, ang kapal naman ng mukha mong mag bigay ng deadline within the day.

MATAPOS kong mag laba ay nilinis ko naman ang buong bahay at matapos malinis ang buong bahay ay naligo na ako dahil ang lagkit ko na.

Nag suot lang ulit ako ng maikling short at oversized shirt. Hindi ulit ako nag bra kasi bakit hindi?

Nilagapak ko lang ang sarili sa sofa dahil sa pagod. Binuksan ko din ang Netflix sa Television at pinindot ang Episode 11 ng Twinkling watermelon. Mamaya na pala ako gagawa ng activities. Pagod pa ako at hindi mag pa-function ng maayos ang utak ko. Baka kung ano lang ang maisulat ko.

Inubos ko ang buong araw sa panonood ng Kdrama. Nanghingi lang ako ng ulam kila Ayesha na Chicken curry kaya nakakakain ako. Pag sapit ng hapon ay nag practice ako ng boxing at fencing. Pag sapit naman ng gabi ay ginawa ko na ang activity ko na bukas na ang deadline.

Nang matapos ko ang activity ay naisipan kong pumunta sa Crosshaven para kumain ng kung ano ano. Yung Big Bike ko yung ginamit ko at nang makarating ako doon ay kaagad kong binanatan ang Lumpiang toge. Tatlo bente 'yon tapos bumili ako ng palamig.

Naglakad lakad ako habang kumakain at naghahanap ng bagong kakainin, kaso sobrang daming pagpipilian kaya hindi ko na alam kung anong bibilhin.

Lahat na lang tikman ko.

Natakam ako sa inisip at naglaway. Kakainin ko ng mabilisamn 'tong Lumpia para makabili ako ng bago. Nang maubos ko 'yon ay bumili naman ako ng Chickenballs at graham balls.

"40 pesos po, salamat." Sabi ng tindera pagka-abot ko ng bayad.

Kinuha ko naman sa plastic cup na may lamang chickenball at ang paper cup na may lamang graham balls.

Naglakad patungo sa bakanteng upuan at sumubo pero natigilan dahil may humarang sa dinaraanan ko.

"Oh? You're here!" Nagangat ako ng paningin dito. Tss, si Darius.

Kung hindi si Dylan ang susulpot, si Darius naman ang lilitaw.

Tumango lang ako sa kaniya at nilagpasan siya para ma-upo sa bakanteng upuan. Kailangan ko ng ma-upo doon dahil baka maunahan pa ako. Naramdaman ko namang sumunod si Darius sa akin at na-upo din sa harap ko.

"You're eating...that?" Patukoy niya sa kinakain ko.

"Oo, halata naman."

"I tried to eat the Fishball kaso hindi ko gusto kaya tinapon ko na lang."

Natigil ako sa pag nguya. Tinapon niya? Yung fishball??!, WTF?! Tao ba siya? Bakit hindi niya gusto ang Fishball? Maski si Kiahhnne na mapili sa pagkain at ang kambal kong mayamanin ay gustong gusto ang Fishball.

Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)Where stories live. Discover now