026: Ghost Hunting

9 1 0
                                    

Ayesha's POV


ANG higpit ng hawak ni Mekkah sa braso ko habang naglalakad kami papasok sa abandoned guesthouse.

"Isa, matanggal braso ko sa ha!" Sabi ko sa kaniya.

"OA mo, teh."

Tumigil kami sa harap ng pinto ng abandoned guesthouse. Luma na ang bahay at mukhang pinaliligiran na ng mga multong hindi matahimik at humihingi ng hustisya. Hindi na lang talaga ako magugulat kapag may isa saming sinasapian na dito. May kalakihan at dalawang palapag ang guesthouse.

"Ikaw mauna, Darrah." Sabi ni Mekkah kay Darrah.

"Oh, Ba't ako?"

"Alangan ako?"

"Eh, ba't ako at bakit hindi Ikaw?"

"At bakit naman ako at bakit hindi din Ikaw?"

Napasapo lang ako sa noo ko. Nag-away na silang dalawa ni Darrah habang si Ayesha ay tinakpan ang bibig nilang pareho. Hindi ko sila pinansin at binuksan ang flashlight ko at naunang pumasok.

"Go, teh." Mahinang sambit ni Mekkah sa akin.

Hahawakan ko na sana ang pinto para buksan kaso inunahan na ako ni Jandarra at binuksan 'yon.

"Let's go." Mahina niyang sabi sa akin bago buksan ang flashlight niya. Natahimik kami at napalingon kay Thirdy na pinapanood lang si Jandarra.

Weews, mas nakakatakot pa ang away nilang dalawa, eh.

Binuksan ko din ang flashlight ko at sinundan si Jandarra. Tahimik kaming nag pa-una habang sila Ayesha na katabi sila Ken ay nasa likod namin.

"Guys, nadidinig niyo ba 'yon?" Maya't mayang tanong ni Ayesha kaya napalingon kami sa kaniya.

"What is it, Muffin?" Tanong ni Kenneth Kay Ayesha na kapit na kapit sa braso niya.

"May parang nagbu-bukas ng mga pinto."

"Ikaw lang nakakarinig." Sabi ko sa kaniya at inilawan yung bandang dulong kuwarto. Pinuntahan ko 'yon at sinilip.

"Hoy, teh!" Pasigaw na sabi ni Mekkah.

So far, walang multo.

"Walang multo." Announced ko sa kanila at lumapit ulit Kay Jandarra na umaakyat na sa hagdan patungo sa second floor.

"Wait!" Hinatak bigla ni Thirdy si Jandarra kaya nasubsob siya sa dibdib niya. Lahat na naman kami ay napatingin sa kanilang dalawa. "Marupok na yung hagdan, baka bumigay." Sabi niya dito at nagkatitigan silang dalawa.

ಠ⁠_⁠ಠ

Maski multo magiging bitter sa inyo, eh.

"Tabi nga." Suplada kong sabi sa kanila at naunang umakyat. Gawa kasi sa kahoy ang hagdan at kitang-kita na ang pagiging luma no'n kaya akala siguro ni Thirdy ay bibigay na pero hindi. Matibay ang kahoy na ginamit kaya impossible na bumigay.

Tss, gusto lang 'atang hawakan si Jandarra, eh.

Sa ikalawang palapag ay may maliit na living area tapos may maliit na pasilyo at magkabi-kabilaan ang pinto, mga kuwarto siguro. Napalunok naman ako bigla dahil biglang nag taasan ang balahibo ko dahil sa nakita.

Shet, may gagamba.

Nauna akong naglakad at inilawan ang paligid. Naramdaman ko naman sila Mekkah na nasa likod ko na.

Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)Where stories live. Discover now