019

8 4 0
                                    

Aeyza's POV

Napakurap kurap ako habang nakatitig sa natutulog na si Dylan. Yapos na yapos kami sa isa't isa.

"D—dyl..." Para akong napapaos ta's sasabay pa ang matinding labagabog ng puso ko.

Titigilan ko na talaga ang street foods, bumalik lang sa normal ang puso ko. Promise.

"Hhmm.." napalunok ako ng gumalaw si Dylan. Lalo niyang hinigpitan ang yakap at umungot pa ng mahina.

Kalma, Aeyza.

Bakit parang naduduwag kang gumalaw?? Tss.

Hindi ka ganito.

Tumikhim muna ako bago humugot ng malalim na hininga.

"DYLAN HARU JAMESON!!!" malakas kong sigaw at inuntog ang noo ko sa ilong niya.

Mabilis akong gumulong palayo ng madinig kong kumawala siya at dumaing.

"Fuck!!" Malakas niyang sigaw.

Tumayo ako at hinila ang kumot para ipulupot ng kaunti  sa dalawang kamao ko. Matapos ay matalas kong tinignan si Dylan.

"What the fuck?!" Nakapikit si Dylan habang hawak hawak ang ilong. Marahan siyang nag mulat at nag tama ang tingin namin. "What the hell??" Hindi maipinta ang muka niya habang nakatingin sa akin.

"Anong what the fuck?! Bakit ka nakayakap sakin?!?!" Galit kong sigaw na kinatigil naman niya.

"What? Ako?" Tinuro niya pa ang sarili. "Hindi, ahh!"

"Iuuntog ba kita kung hindi?!"

Hindi siya makapaniwalang tinignan ako at bumuntong hininga. "I'm sorry kung magkayakap man tayo pero hindi ko alam na kayakap na pala kita."

"Tss,"

Binaba ko ang kamao ko at tinapon ang kumot sa kung saan. Tatalikod na sana ako pero napatigil din ng makitang may dugo ang kamay ni Dylan.

"Tsk," mahina akong napaasik at naglakad palapit sa kaniya. "Let me see." Tinanggal ko ang kamay niyang nakaharang sa ilong niya at tinignan ito. Dumudugo ang ilong niya, mukang napalakas yung sapok ko. "Malayo sa bituka, hindi ka mamamatay niyan."

"Yeah? Thank you." Sarkastiko niyang sambit bago muling tiningala ang ulo at hawakan ang ilong.

"Wait for me." Saad ko at tumayo.

Lumabas ako ng guestroom at nag tungo sa kitchen para kumuha ng cold compress. Nang makakuha ay pinuntahan ko ulit si Dylan para ibigay iyon sa kaniya na kaagad din naman niyang kinuha at inilagay sa ilong niya.

"Kapag hindi tumigil in 10 to 15 minutes, kabahan ka na." Sabi ko habang naka-upo at sumisimsim ng kape. Si Dylan naman ay naka upo din sa harap ko at hawak-hawak pa din ang ilong niya.

"Why?"

"Tatanggalin yung ilong mo."

"It's not funny!" Sinamaan niya ako ng tingin kaya napangisi ako.

Pareho naman kaming napalingon sa taas dahil tumahol si Dobby kaya mabilis akong tumayo at halos liparin ko ang kuwarto ko.

Pag dating doon ay nakita ko si Dobby na nilalaro si Honey kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko may nangyari na!

Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinawakan si Dobby sa ulo bago kargahin si Honey. I smiled when Honey wagged her tail.

"Hi, Honey. I'm your Mama." Nakangiti kong bulong dito at tumahol siya na parang naintindihan ako. Lumamlam ang paningin ko habang karga-karga siya. "Dobby, come with Mommy." Sabi ko kay Dobby na kaagad sumunod. Dinala ko silang dalawa sa kitchen at nakita ko naman si Dylan na hinahanda ang dog food at water.

Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)Where stories live. Discover now