Aeyza's POV
Tss, ano naman ngayon kung hindi ako gusto ni Dylan? Ano naman ngayon kung basher ko siya? Ano naman ngayon?
Hinding hindi ko babaguhin ang sarili ko dahil lang sa iniisip ng iba. Tss, punyeta! Akala ba niya gusto ko din ang attitude niya? Tsk, dapat talaga inupakan ko siya kanina, eh!!
Muli akong nagpalit ng puwesto ng higa. Punyeta! Kanina pa ako paikot ikot sa higaan at hindi makatulog! Kasalanan 'tong lahat ni Dylan! Hindi ako makatulog sa sinabi niya!
Bakit kasi hindi ko inupakan kanina? Bakit kasi nakatitig lang ako habang sinasabi niya 'yon? Bakit kasi pinanood ko lang siyang maglakad palayo?
Kaasar!!!
Umupo ako at masamang tinitigan ang pader. "Dylan Haru Jameson, pisting yawa ka!!" Bwisit kong sigaw. Si Dylan lang ang lalaking nagpa-bwisit sa akin ng ganito at nagpapuyat sa akin ng ganito. Hindi titigil ang kaluluwa ko hangga't hindi nakakaganti!!
Oo na't sa huli laging nananalo ang nagpapatawad pero mas magaan sa dibdib kapag nakaganti.
Nakatulog na lang siguro ako habang iniisip kung paano sasakalin ng matindi si Dylan.
KINABUKASAN ay tinanghali na akong nagising dahil alas tres na ako nakatulog and mind you! Hindi ako napuyat dahil sa Kdrama, napuyat ako dahil sa pesteng Dylan na 'yon.
11 am ang pasok ko at 9 na ng umaga pero nakatulala pa din ako sa kisame habang nakahiga. Peste! Napuyat ako dahil kakaisip kay Dylan. Makita kita ko lang siya, sisipain ko siya sa muka.
Nakabusangot akong tumayo at dumiretso sa bathroom para maligo. Hindi na lang ako kakain at hahabol sa susunod na klase. Madadaan pa sa Chuckie ang gutom ko, tiwala lang.
Pag labas ko ng bathroom ay nagbihis na ako ng damit.
"Pota." Mariin akong napapikit ng makitang sira ang isang butones ng black polo long sleeve ko sa may bandang dibdib. Napasapo ako sa noo. Lahat ng damit ko ay nasa labahan pa. Hindi pa ako naglaba dahil tinatamad pa ako, bukas ko pa balak dahil wala akong pasok. Ito na lang ang matinong damit na meroon sa walk in closet ko. "Tsk!"
Hinayaan ko na lang. Wala namang titingin diyan at kung meron man ay isa lang ang ibig sabihin no'n, time na nila para mag swimming sa impyerno.
Tinernohan ko ng flare pants ang long sleeve polo ko at tinali ang buhok. Nagsuot din ako ng Earrings na binigay ni Mom, necklace na bigay ni Ayesha, Bracelet na binigay ni Mark at sapatos na binili ni Dad. Oo, lahat binili para sa akin. Mabuti na lang binigyan ako para 'di ako gumastos.
Nilagyan ko lang ng powder ang muka ko at natural naman ang mapula Kong labi kaya okay na 'yan. Maganda na ako.
Inayos ko ng tindig ang sarili dahil babae ang damit ko ngayon kaya dapat ay babae din kilos ko. Very mindful, very cutesy, very demure.
Naka dipende sa mood ko ang pananamit ko at naka dipende sa damit ko ang iaasta ko. Sa ngayon, ako si Maria Clara na namamakyu.
Palabas na sana ako ng bahay kaso nalimutan ko yung worksheet ko kaya napapasapo ako sa noo na bumalik ulit sa loob. Pisti!!! Makuha ko lang talaga 'tong letcheng degree na 'to, magba-bakasyon ako sa Switzerland at hinding hindi niyo na ako makikita!
Sumakay na ako sa kotse nang makuha ko ang worksheet ko. Binuksan ko muna siyempre yung gate ng garage, alangang banggain ko.
d-_-b
Nang mabuksan ko ay marahan kong inilabas ang kotse sa garage gate at dahil ako lang naman ang tutulong sa sarili ko, ako din ang magsasara ulit sa garage gate.
YOU ARE READING
Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)
Romance"Falling in love with me is the dumbest idea, Dylan." Everyone perceives Aeyza as cold, and for her, the concept of love is nothing but foolishness. Until she crosses paths with Dylan. Si Dylan na kaaway niya at hindi kasundo, si Dylan na hindi siya...