Aeyza's POV
Tinitigan ko pa si Eman bago ikumpirmang patay na siya. Mariin akong bumuntong hininga bago tumayo at harapin ang dalawang lalaki. Muling bumangon ang ilang mga lalaki na binugbog ko kanina. Marami sila pero sadiyang wala na akong pakialam. Ang gusto ko na lang ngayon ay bugbugin silang lahat.
"Ikaw na ang susunod sa kaniya." Tumawa ito ng malakas matapos iyong sabihin.
"A warning," Walang emosyon kong sabi sa kaniya. "Whoever my hands touches will die."
Mabilis na tumakbo palapit sa kaniya. Humarang ang lalaking sumaksak kay Eman kaya siya ang nahawakan ng kamay ko kaya siya ang unang mamamatay. I used his body to swing, ginawa ko siyang parang pole at hinawakan sa leeg para baliin 'yon.
Sumunod ay ang leader nila. Binato ko ang dagger sa kaniya at nakaiwas naman kaagad siya. Sinugod niya ako pero mabilis akong naka-ilag at sinapak siya ng maraming beses. Nang makuntento ako sa lahat ng binitawan kong sapak sa kaniya ay hinigit ko ng marahas ang braso niya at pinatalsik siya.
"Parating na ang iba!!" Sigaw ng lalaking kakapasok lang. Isa siya sa mga binugbog ko kanina pero mukang tumayo at nag tawag ng kakampi mula sa labas, tss.
"Fun fact," walang buhay Kong sabi at nagtinginan naman sila sa akin. "Bugbog sarado na kayo bago sila makarating dito."
"Aahh!!" Napalingon ako sa sumigaw. Isang lalaki iyon na pasugod sa akin kaya mabilis akong lumapit dito at pinatulog siya. Sabay sabay sumugod sa akin ang mga lalaki at sabay sabay ko din silang pina tulog.
Nang wala ng tumatayo pa ay nilapitan kong muli ang malamig na katawan ni Eman.
"Babalik ako." Bulong ko dito bago tumayo. Tumakbo ako sa may bintana at patalong lumabas dito.
Muli akong umakyat sa mga bubong at doon maingat at tahimik na tumatakbo palabas ng Duat Alley.
The heck is going on??
Maski sa paglabas ko ng Crosshaven ay sa bubong pa din ako dahil ayaw kong may makakita sa akin. Nang makarating sa parking lot kung saan naka parke ang big bike ko ay umalis na ako sakay no'n.
Pinaharurot ko ang big bike patungo sa bahay ni Kenneth at Ayesha.
"Kenneth! Ayesha!" Malakas kong kinatok ang gate nila. "Ken!! Ayesha!!!" Mas malakas kong sigaw. Wala na akong pake kung mag reklamo ang kapit-bahay nila.
"Why?" Lumabas si Ayesha ng gate habang kusot kusot pa ang mata.
"Why are you starting a war?" Sa likod niya ay si Ken na kunot na kunot ang noo.
"Tch, tabi." Tinulak ko silang dalawa papasok sa bahay nila bago isara ang gate at pinto nila.
"Aww! Ano ba 'yon?" Kunot noong tanong ni Ayesha. "Pag ako natumba! Ha!! Yung baby sa tummy ko."
Natigil ako sa pag tulak sa kanila dahil sa nadinig. Maski si Kenneth ay natitigilang napatingin sa asawa habang siya ay nakangusong hinihimas ang tummy niya.
"A-ano ulit 'yon, Muffin?" Natitigilang tanong ni Ken.
"Masama sa baby ang tinutulak so don't push me!" Nakangusong sabi sa akin ni Ayesha.
"B-buntis ka, Muffin?" Si Kenneth ulit.
"Huh? No. Ako yung baby, Muffin." Nakanguso niyang sambit na siyang kinalaglag ng panga ko at gusto siyang sampigahin na lang bigla. Akala ko magiging Tita na ako! Ayaw ko pang maging takbuhan ng pamasko!
YOU ARE READING
Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)
Romantik"Falling in love with me is the dumbest idea, Dylan." Everyone perceives Aeyza as cold, and for her, the concept of love is nothing but foolishness. Until she crosses paths with Dylan. Si Dylan na kaaway niya at hindi kasundo, si Dylan na hindi siya...