017: Babies

11 4 0
                                    

Aeyza's POV


"Puwede bang magkaroon ng karapatan sayo?" Seryoso niyang tanong na siyang kinatigil ko.

Sandali pa ay naka recover na din ako sa pinagsasabi niya. Kaagad ko namang sinundot ang noo ni Dylan at natatawa siyang tinignan.

"Bawal. Ako lang may karapatan sa sarili ko. Hindi ka included." Sabi ko at ininom ang Chuckie ko. Bigla kasi akong nauhaw.

Hindi sumagot ang katabi ko kaya marahan ko siyang nilingon. Nahirinan naman ako dahil nakatingin lang siya sa akin.

"A-ano?"

Tinitigan niya muna ako saglit bago ngumiti. Marahang ginulo ni Dylan ang buhok ko kaya napabusangot ako.

"Isa, yung bangs ko ha!" Sabi ko at inayos ang buhok ka. Natawa naman siya kaya mahina akong suminghal. Napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang tumayo.

"Let's go," iniabot niya ang palad sa akin. Tinignan ko lang 'yon bago siya.

"Saan?" Takang tanong ko. Saan naman ako ipupunta nito?

"I promised to you na ililibre kita, didn't i?" Matamis siyang ngumiti at napakurap kurap ako. Bakit parang may filter si Dylan at bigla siyang lumiwanag nang ngumiti siya?

Tinagilid ko ang ulo ko habang nakatingin sa kaniya. "Huh?"

"Naka ilang promise na 'ata ako sayo pero wala akong natupad," marahan niyang inayos ang bangs ko habang nagsasalita. "No'ng una, i promised na may balato sakin yung taong nag bigay ng piece of paper kay Scarlet. Pangalawa, i promised to you na ililibre kita kasi tinulungan mo 'kong mag tago sa mga fan girls ko. Pangatlo, may issue ka sa school dahil sa akin. Pang apat, na-bully ka ng dahil sa akin."

Nakanganga lang ako habang nakatingin kay Dylan habang nagsasalita siya. Naalala niya pa yung promised niya sa akin na ililibre niya ako? Hindi ko na nga maalala 'yon, eh. Tinulungan ko din si Scarlet not because gusto kong mabalatuhan. Kawawa naman kasi yung kapatid niya, na bully ng walang dahilan—nope, may dahilan pero walang kwentang dahilan.

And besides, wala naman akong galit sa kaniya at hindi ko siya sinisisi kung bakit ako may malupit akong issue ngayon at na-bully ako.

"Tss, okay na 'yon. Kalimutan mo na." Sabi ko at tumayo. "Uwi na ako." Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya akong hawakan sa palapulsuan ko kaya kunot noo ko siyang tinignan. "Ano?"

"Uuwi ka na?"

"Hindi. Mag s-stay ako dito. Dito ako nakatira, eh." Pilosopo kong sagot at hinila ang pulsuan ko. "uuwi na nga ako kaya umuwi ka na din." Tumalikod na ako para mag lakad kaso tinawag na naman ako.

"Aeyza.."

"Ano na naman?" Naba-bad trip na ako, ha!

"Bakit ba ang ikli ng pasensiya mo?" Kunot noo niyang tanong at humakbang palapit sa akin. Nagkibit balikat lang ako at inikot ko ang mata.  "Hindi ko talaga maintindihan ang ugali mo."

"Oh, edi i-google mo." Suplada kong sagot at tinalikudan na siya.

Gabing gabi, bina-badtrip na naman ako ni Dylan. Naglakad na ako patungo sa parking. Naramdaman kong sinusundan ako ni Dylan kaya nilingon ko siya.

"Bakit mo 'ko sinusundan?" Sinamaan ko siya ng tingin pero bumungisngis lang si gago. Akala 'ata natutuwa ako.

"Why? Bawal?" Nakangisi niyang tanong, nangaasar.

Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)Where stories live. Discover now