Aeyza's POV
"School retreat in Baguio, and it will last for one week." Anunsiyo ng Class President sa amin at nag tungo na siya sa upuan niya. May isang oras pang vacant time para sa next sub kaya naman lalabas ako saglit para kumain. Aba, kailangan kong kumain! Maangas lang ako pero tao pa din ako, ano!
Nang makalabas sa building ay naglakad na ako papuntang Cafeteria. Habang naglalakad ay may humarang sa dinaraanan ko. Hindi ko na lang pinansin at sinubukang lagpasan sila kaso ay hinarangan na naman nila ako.
"Whore," nag angat ako ng tingin matapos niyang sabihin iyon. Kanino niya 'yon sinasabi?
"Tabi." Nabuburyo kong sabi pero bago pa ako makadaan sa kanila ay may humula sa pareho kong braso.
"Nagpapapansin ka ba kay Dylan?" Taas kilay nitong tanong sa akin. Napa-irap lang ako bago bumuga ng hangin. Hayyss, bullying pa din pala kahit sa college?
"Hindi, pake ko don?" Nabuburyo kong tanong pero lumagapak sa muka ko ang palad niya. Walang emosyon ko lang binalik ang tingin dito. Naks, parang kagat ng langgam yung sampal niya, tss.
"You slut!! Huwag mong lapitan si Dylan!!"
"Hindi ko naman nilalapitan..?" Muli niya akong sinampal matapos kong sumagot. Tss, balak niya ba akong lagyan ng blush on? One time na nag try ako no'n, ang panget sakin, eh.
"Hindi mo ba alam na ako ang reyna sa Tourism?"
"Aahh? Ta's si Dylan yung hari? Tsh, corny niyo." Nabuburyo kong sambit at napayuko ako dahil sinikmuraan ako ng babaeng may hawak sa akin sa kanang braso. Bigla tuloy akong napangisi. Mukang ginigising nila ang pagiging assassin ko.
"You're smirking?! This slut!!" Natigilan ako ng bigla niyang hilahin ang damit ko at pinunit iyon. Polo ang suot ko kaya madaling natanggal ang butones at kitang kita na ngayon ang bra ko, tss.
Narinig ko ang bulungan at tawanan ng mga nakakita at pag sipol ng ilang mga lalaki.
"Mahiya ka naman, bitch! Hindi Ikaw ang type ni Dylan! At hinding hindi kami papayag!!"
"Tapos ka na?" Walang emosyon kong tanong at napaawang ang labi niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko at sinenyasan ang babaeng sumuntok sa sikmura ko.
Nagulat na lang ako dahil malakas akong hinila ako ng babae at naramdaman ko na lang na umikot ang buong katawan ko at lumagapak sa sahig.
Hindi ako nakapag salita dahil sa gulat. Fuck! It's been a long time since someone did that to me!!
Nadinig ko ang nakakainsulto nilang tawa. Naramdaman ko namang may humila sa buhok ko at ngayon ay nasa harap ko na ang Reyna kesyo ng Tourism.
"Hindi lang 'yan ang aabutin mo kapag hindi mo nilayuan si Dylan!" Malakas niyang sigaw sa akin pero tinignan ko lang siya. "Stop glaring at me!!" Bago niya ako masampal ulit ay malakas kong inuntog ang noo ko sa muka niya kaya malakas siyang napasigaw sa sakit.
Hinatak ang buhok ko ng taong nasa likod kaya napatayo ako pero mabilis akong umikot paharap dito at hinampas ng palad ko ang lalamunan niya, nang masaktan siya sa ginawa ko ay marahas Kong hinatak ang braso niya para baluktutin at napahiyaw siya sa sakit.
"That was one hell of a shoulder flip, minx." Nakangisi kong bulong dito habang humihiyaw siya. Lumapit ang isa pang babae para sugudin ako pero natawa lang ako. How could a little lamb attack a hungry wolf?
Katulad ng ginawa niya sa akin ay marahas kong hinablot ang braso niya para i-shoulder flip siya at siniguro kong sa babaeng palapit sa akin siya tatama. Nang magawa ko 'yon ay parehas silang tumalsik at natumba.
YOU ARE READING
Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)
Romansa"Falling in love with me is the dumbest idea, Dylan." Everyone perceives Aeyza as cold, and for her, the concept of love is nothing but foolishness. Until she crosses paths with Dylan. Si Dylan na kaaway niya at hindi kasundo, si Dylan na hindi siya...