022

23 4 0
                                    

Aeyza's POV

"Aeyza Mansom, the once most strongest Assassin. Calm down." Sambit ko sa sarili at pinakalma ang nagwawala kong puso. Pinikit ko ang mata at huminga ng malalim.

"Aeyza?" Muling tawag ni Dylan sa akin mula sa labas pero hindi ako sumagot.

"Calm down, Aeyza." Nang maramdaman kong bumalik sa normal ang pakiramdam at katawan ko ay lumabas na ako ng bathroom.

Hinawakan ko ang doorknob at bumuntong hininga muna. Hindi ko na nadidinig pa si Dylan mula sa labas kaya binuksan ko ang pinto. Pag labas ko ay nakita ko si Dylan na naglalakad palayo pero natigil ng madinig ang pinto kong mag bukas.

"Are you okay?" Lumapit muli siya at kinuha ang kamay ko para tignan. "Do you have aloe Vera?"

Nag salubong ang kilay ko. "Huh? Bakit?"

"I will apply a Aloe Vera on your hand." Napaigtad ako ng makiliti dahil hinimas niya ng isang daliri ang palad ko. Napansin naman niya iyon kaya napangisi siya.

"Tss," iniwas ko ang paningin.

"Nahanap ko din ang kiliti mo." Natatawa niyang saad kaya napa-irap ako at kinuha ang kamay ko.

"Meron, kunin ko lang." Sabi ko at pumasok ulit sa loob ng kuwarto para kuhain yung Aloe Vera. "Oh," inabot ko sa kaniya at kinuha naman niya iyon.

"Alright, let's go."

Napalunok ako dahil kinuha ni Dylan ang kamay ko at hinawakan iyon. Hindi ako nag salita at hinayaan siyang hilahin ako patungo sa living area.

"Sit down." Saad niya pa at pina-upo ako sa tabi niya. Nang maka-upo ako ay pinatong niya ang Aloe Vera sa table at tinignan ang palad ko. "You have such a nice hands."

"Nangaasar ka?" Inikutan ko siya ng mata. Tss, may calluse ang kamay ko dahil sa training ko noong Assassin pa ako sa Japan at may masamang balak sa buhay nila Ayesha.

Paki basa yung Dark Owl Romance Series #1 para ma-gets.

Joke.

Kahit 'wag niyo na basahin. Mag focus kayo dito sa storya ko at ako ang bida dito.

Kumuha si Dylan ng Aloe Vera at kinuha na naman ang kamay ko. Marahan niyang nilagyan ang palad ko ng Aloe Vera at minasahe iyon. Napakagat ako sa labi at napaiwas ng tingin dahil nakikiliti ako at ayaw kong makita ni Dylan iyon.

"It's ticklish?" Tanong pa niya kaya nilingon ko siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil nakangisi siya.

"Tama na-"

"I'm just kidding, relax." Natatawa niyang sambit at nilagyan naman ang kaliwa kong kanan kong kamay ng Aloe Vera. "Can I ask?"

"Bawal." Mabilis kong tugon pero tumawa lang siya.

"What's your type?"

"Sarili ko, I'm the standard."

Natigil siya sa paglalagay ng Aloe Vera at natatawa akong tinignan.

"Seriously?"

"Bakit? May problema?"

Natawa lang ulit siya. "Mataas pala ang standard mo? Paano na kita makukuha niyan?"

Natigilan ako at nag salubong ang kilay. "At bakit mo ako kukunin?" Nagtataka kong tanong.

Natigilan naman siya at napatingin sa akin. Sinalubong niya ang nagtataka kong tangin.

Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)Where stories live. Discover now