Aeyza's POV
Minulat ko ang mata at sumalubong sa akin ang puting kisame. Teka? Nasa isa sa mga kuwarto sa langit na ba ako?
Nilibot ko ang paningin at nakita ang mga puting kurtina na nakapalibot sa akin. Aahh, nasa infirmary ako.
Marahan akong bumangon at napahawak sa ulo ko. Nahihilo pa din ako at sumasakit na ang ulo, tapos nagugutom pa ako. Piskat na 'yan.
"You're awake," napalingon ako sa humawi ng kurtina at si Dylan ang nasa likod no'n. May hawak siyang plastic, nakita ko pa ang tatlong Chuckie na nasa loob ng plastic. "Hindi ka pa ba kumakain? Sabi ng nurse, gutom lang 'yan." Kinuha niya ang upuan at na-upo doon. Kinuha din niya ang bed table at pinatong 'yon sa harapan ko. Hindi ako nag salita at pinanood lang siyang ayusin ang pagkain. "I brought this sa Restaurant doon pa sa Crosshaven. I ask Ayesha kung anong gusto mo and she said Beefsteak. Eh, wala namang luto sa cafeteria so i went to Crosshaven to brought this," Nilapag niya ang tatlong paper meal box at nilagay doon ang kanin, tapos sa isang paper meal box ay iyong beefsteak. Nilapag din niya sa tabi ng paper box ang bottled water at disposable spoon at fork. "I also brought Chuckie and grapes for you." Nilagay din niya ang tatlong Chuckie ng maayos at ang grapes sa natitirang paper meal box.
Napatitig ako sa kaniya. Ang bait naman ng taong 'to. Tss, wala na, hindi na ako galit sa kaniya. Alam na alam kung paano ako kuhain, eh. Pumunta pa ng Crosshaven eh 30 minutes ang biyahe papunta doon, sayang gasulina.
"Hey?" Natigilan ako dahil kinurot niya ang pisngi ko. "Stop glaring at me." Natatawa niyang sabi.
Iniwas ko lang ang tingin ko. Tss, bakit ba palagi nilang sinasabing masama akong tumingin? Eh, tumitingin lang naman ako.
"Thanks." kinuha ko ang kutsara't tinidor at nag simula ng kumain.
"Are you okay?" Maya't maya niyang tanong.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Are you still mad?"
Bumuntong hininga ako. Tsk, talagang maiinis ako kung hindi niya ako pakakainin ng tahimik.
"Hindi."
"I'm really sorry for pushing you earlier, I didn't mean it. I was... just..." Napalingon ako sa kaniya dahil pahina ng pahina ang boses niya. Nag taka naman ako dahil bigla siyang namula. Tss, ano na naman bang iniisip nito?
"Oh, kain." Sinubo ko sa kaniya ang kanin sa kutsara ko at ngumanga naman siya. "Forget it, Dylan. Hindi na ako galit."
Pinagpatuloy ko ang pagkain at uminom muna ng tubig.
"Really?"
"Hhmm," tumango ako at sinubuan siya. "May peace offering ka, eh." Ngumiti naman siya habang ngumunguya. Napansin ko naman na may kanin siya sa gilid ng labi niya. "Lapit." Pinalapit ko siya at nagtataka naman siyang lumapit.
"Why--" natigil siya ng tanggalin ko ang kanin sa gilid ng labi niya.
"Yan, okay na." Sambit ko at nagpatuloy na ulit sa pagkain. Napalingon ulit ako sa kaniya dahil nakatitig lang siya sa akin. "Ba't?" Tanong ko pero inalis niya ang tingin sa akin at kinuha ang Chuckie ko kaya naglakihan ang mata ko. "Hoy!! Chuckie ko 'yan!!" Huli na dahil natusok niya na iyon at ininom. "That's mine.." sinamaan ko siya ng tingin kaya natigil siya sa paginom.
![](https://img.wattpad.com/cover/373014856-288-k621883.jpg)
YOU ARE READING
Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)
Romantik"Falling in love with me is the dumbest idea, Dylan." Everyone perceives Aeyza as cold, and for her, the concept of love is nothing but foolishness. Until she crosses paths with Dylan. Si Dylan na kaaway niya at hindi kasundo, si Dylan na hindi siya...