AEYZA'S POV
Napapikit ako dahil sa lakas ng boses nila Ayesha kakasigaw at kaka-cheer sa men's volleyball player.
"Go, Dylan!!!!!" Malakas na sigaw ng mga babae sa likod ko, kulang na lang ay takpan ko ang tainga sa sobrang lakas nilang magsihiyawan. Dapat talaga hindi na ako pumunta dito.
"WAHHH!! DYLAN!!!! ANG GALING MONG SUMALO, PATI AKO, NASALO!!!" sigaw muli ng babae sa likod ko dahil nasalo ni Dylan ang bola.
"Ayesha.." Lumingon sa akin si Ayesha matapos ko siyang tawagin. "Labas lang ako."
"Why?" Tanong niya.
"Masisira na tainga ko kapag nag stay pa ako dito." Nabuburyo kong sagot. Umikot lang ang mata ng kakambal ko bago ngumuso.
"Ganyan ka naman!"
Tss, ano bang gusto niya? Mabingi ako dito? Na-survive ko nga si Reyi, papatayin naman ako ng mga sigaw nila.
Hindi ako sumagot at tumayo. Kinuha ko ang tumbler ko at lumabas na ng Arena. Balak kong mag tungo sa library para matulog, hindi para mag basa.
Nakita ko pa ang mga classmate ko na naghihiyawan para sa players ng department namin.
"Aeyza?! Sa'n ka pumunta? Halika dito!" Sigaw ni Klay ng makita ako.
"Labas lang ako," tipid kong sagot at lumabas na. Pag kalabas ko ay nakita kong ang magka-kabilaang stalls, gusto ko sanang bumili ng lemon juice kaso ay bawal ang pagkain sa loob ng library, isa pa ay mapapa gastos lang ako. Gastosera na nga ang kambal ko at si Mark, magiging gastosera pa ba ako?
"Sa'n ka?"
And speaking of the demon, nakasalubong si Mark.
"Library," tipid kong sagot.
"Pasabay,"
"Ayoko."
"Loh? Sungit mo, teh!" Sinabayan niya ako sa paglalakad at hinawakan ang braso ko para akbayan ng may makasalubong kaming mga lalaking student, mga taga Comscie. "Ba't may mga tumitingin sayo? Hindi ba nila nakikitang nananapak ka?"
"Malapit na din kitang masapak," Sagot ko lang at malakas siyang tumawa. "Lalabas ka, 'no?" Tinignan ko siya at inosente siyang tumingin naman sakin.
"Oo, puntahan ko crush ko."
"Hanggang ngayon 'di ka pa din pinapansin?"
"Amp! Lalo nga akong hindi pinapansin dahil sa nangyari," nakanguso niyang sabi. Tinutukoy niya iyong plano nila ni Dad noon na gawin siyang traydor.
"Deserve," Malawak ang ngisi kong sabi. Mabuti nga! Kingina, hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko kung paano niya ako walang awang binaril sa balikat.
"Hala?! Hanggang ngayon tampurorot ka pa din sa nangyari!"
"Ikaw kaya barilin ko ng walang awa? Kingina ka pala, eh."
"Sorry na nga, eh! Amp!" Nagkibit balikat lang siya. "Teka? Sa library ka,'di ba? 'wag kang pupunta doon sa third floor, may multo daw don."
Hindi na lang ako sumagot. Binibiro ko lang naman siya. Wala na sa akin ang bagay na 'yon, hindi naman ako nagtatanim ng tampo, pero nagtatanim ako ng galit---joke.
d-_-v
"Dito na ako," sabi ko at tumigil sa tapat ng library.
"Matutulog ka lang, eh." Sabi niya kaya ngumisi ako.
YOU ARE READING
Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)
Romance"Falling in love with me is the dumbest idea, Dylan." Everyone perceives Aeyza as cold, and for her, the concept of love is nothing but foolishness. Until she crosses paths with Dylan. Si Dylan na kaaway niya at hindi kasundo, si Dylan na hindi siya...