Aeyza's POV
"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noo niyang tanong. Tumayo siya at hinawakan ako sa braso bago luminga linga. "Bakit ka naandito?"
"Nagutom ako, eh. Edi Kumain ako dito." Sagot ko at kumagat ng squidball.
"Tsh, why are you here? Delikado dito." Inis niyang sabi kaya nag taka ako. Anong delikado? Itong alley? Tss, mas delikado ako.
"Kumalma ka nga! Oh!" Sinubo ko sa kaniya yung last na squidball ko. Nagulat man siya pero nasa bibig niya na kasi kaya kinain niya na. "Tanga mo naman. Tumabi na nga ako, sumemplang ka pa." Sabi ko habang nakatingin sa big bike niya. "Naks, ganda ah!! May ganiyan din ako." Nakangiti kong sabi. Isa sa mga bagay na nagpapangiti sa akin ay ang Big Bike motor. May isang bagay palang ikakasundo namin nitong si Dylan.
"Come, Aeyza. We should not be here." Hinila niya ako. Muntik pa ngang matapon yung suka sa lumpia ko, tss.
"Naandito ka lang pala!!"
Sabay kaming napalingon ni Dylan ng may sumigaw mula sa likod namin. Nangunot naman ang noo ko habang tinitignan ang limang lalaking may mga dalang baseball bat at kahoy.
"Damn it!!" Inis na sabi ni Dylan at hinila ako. Nilagay niya ako sa likod niya para protektahan ako. "Stay behind me, Aeyza. Kapag sinugod na nila ako, then run. Don't mind me and just run, alright?" Bulong niya, nanatiling nasa harapan ang paningin.
"Pag isipan ko." Kinagatan ko ulit yung lumpia. Nakita kong nakakunot ang noo ni Dylan ng lumingon siya sa akin.
"Aeyza, these jerks would not give any mercy kahit na babae ka." Bakas sa muka niya ang pagaalala.
Tumango tango lang ako. "Hindi din ako nagbibigay ng awa sa mga lalaki." Kumagat ulit ako sa lumpia ko. "Oh," inalok ko pa sa kaniya ang kinakain pero sinamaan lang ako ng tingin ni Dylan. Alam kong naiirita siya sa pagiging pasaway ko at hindi pakikinig sa sinasabi niya at ano namang pake ko?
"Bahala ka." Inis niyang sabi at tinignan na ang limang lalaki.
"Tsh, baka tawagin mo ako para humingi ng tulong." Nakangisi kong bulong sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Inikutan kami ng limang lalaki habang si Dylan ay patuloy akong pinoprotektahan samantalang ako ay iniisip kung paano po-protektahan ang lumpia ko.
Nakita kong sabay sumugod iyong nasa harap ni Dylan. Mabuti na lang ay mabilis siyang naka-ilag, ako ay umatras lang habang nakain. Inilagan ko pa nga iyong isang sinubukan akong hampasin ta's sinipa ko siya sa t*ti niya.
d-_-b
Nadako na ang atensyon nila kay Dylan na magaling umilag kaya hindi na ako nilapitan pa. Napatango tango ako habang pinapanood siyang makipag laban.
Dylan is indeed strong at mabilis umilag. Hindi mo aakalain na Isa siyang influencer sa media. Oo nga pala, naka facemask siya para takpan ang muka at may suot na itim na leather jacket. Muka siyang stalker o killer sa isang kdrama. Tss, kapag ako nag suot niyan todo tingin na ng masama sakin ang lahat na parang sasaksakin ko sila, ta's kapag si Dylan nag suot naghihiyawan pa sila sa kilig.
*BLAG!!
umawang ang labi ko ng makitang tumalsik siya ng hampasin siya sa ulo ng kahoy. Naputol pa ang kahoy dahil sa sobrang lakas ng pagkakahampas sa kaniya. Nag durugo na ang ulo ni Dylan at mukang nahilo.
YOU ARE READING
Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)
Romantizm"Falling in love with me is the dumbest idea, Dylan." Everyone perceives Aeyza as cold, and for her, the concept of love is nothing but foolishness. Until she crosses paths with Dylan. Si Dylan na kaaway niya at hindi kasundo, si Dylan na hindi siya...