003: Drama

26 4 0
                                    

Aeyza's POV

"Teh!! Alam mo ba? Hindi na single si Dylan!!" Bulalas ni Mekkah habang nakain ng kwek kwek. Naandito kami ngayon sa Campus bites. Kung dati ay puro stalls lang ang mga nakahilera dito, ngayon naman ay may room ng mga lamesa para makakain ang students at hindi na kung saan saan pa mapadpad.

"Kita ko nga," saad naman ni Darrah habang nakatingin sa phone niya. "Nakita daw sila sa Convenience store, eh. Ang lapit daw nila sa isa't isa, ang sweet."

Hindi na lang ako sumagot. Mahirap na, baka mapag bintangan pa ako diyan dahil nakita ko si Dylan sa convenience store kanina.

"Sabi eh parang tinatago no'ng babae yung muka niya. Siguro ayaw niyang ma-expose kaya secret relationship lang ang atake nila." Dagdag pa ni Mekkah na lalo kong kinalunok. Ako nga 'ata ang inaakala nilang girlfriend ni Dylan. Tsk, kung 'di ako pag bibintangang masamang tao sa convenience store, mapapagbintangan naman akong may secret affair kay Dylan.

"Si Aeyza nananahimik, daldalin niyo nga 'yan." Sabi bigla ni Darrah sa akin. Hindi ako sumagot at ininom na lang ang Chuckie ko.

"Feel ko si Aeyza talaga 'yon," nahirinan ako bigla sa sinabi ni Ayesha. Naramdaman kong napatingin silang lima sa akin bago tumawa. Lintek talaga 'to si Ayesha.

"Yasss!! Aeyza did it for the plot, your honor." Banat pa ni Mekkah kaya lalo silang natawa. Napa-iling na lang ako bago muling ipag patuloy ang pag inom ko sa Chuckie ko.

"Hi, mga slapsoil!!" Napatingin kami kila Mark na naglalakad palapit sa amin. Sa likod niya ay si Thirdy, Drake, Marjun at Ken.

"Slapsoil?" Kunot noo kong tanong kay Ayesha at natawa naman siya.

"Slapsoil, teh! hampas lupa!"

Napatango tango lang ako sa sagot niya. Kung ano ano na lang nalalaman ko kay Mark at Ayesha.

"Ano ulam niyo nga slapsoil?" Tanong ni Mark at sinilip ang mga pag kain namin. Nasa lapag namin ang biniling Jollibee nila Kiahhnne at Mekkah. Hindi ba sila nanunuya sa manok? Halos isang week na 'atang ganito ang pagkain namin tuwing vacant.

"Slapsoil ka diyan? May pera ka?" Tanong ni Darrah kay Mark habang kumakain ng manok. Nangunot pa nga ang noo ko dahil parang bago yung chicken na kinakain niya kaya napalingon ako sa pagkain na dapat ay kay Mark.

"Darrah, bakit mo kinakain yung pagkain ni Mark?" Takang tanong ko kaya natigilan siya sa pag nguya.

"What?! That's my manok? Why did you eat my manok?? You know naman na I love Chicken nuggets!!"

Napatingin kaming lahat kay Kuya dahil sa sinabi niya. Anong connect ng Chicken nuggets?

"Conyo ang pota!!" Malakas na tumawa si Ayesha habang nakatingin kay Mark.

"Dre, anong connect ng Chicken nuggets?" Tanong ni Thirdy. Exactly! Yan din ang tanong ko.

"Malay ko din. Ginaya ko lang yung sa TV, eh." Naupo si Mark sa tabi ko. Talagang inusog pa ako masiksik lang ang sarili niya sa gitna namin ni Ayesha.

Kinuha ni Mark yung pag kain niya, ganoon din sila Thirdy. Nagpatuloy lang din ako sa pagkain at habang kumakain ay nadinig namin si Ayesha na biglang nahirinan.

"Here, Muffin." Dinig ko pang sabi ni Kenneth at inabutan si Ayesha ng tumbler.

"Ano ba 'yan! Gusto ko lang naman mag tanghalian." Sabi ni Mark bigla.

"Naranasan ko din 'yan, yung mahirinan." Banat naman ni Mekkah habang nakatingin kila Ayesha. Ako naman ay hindi sila pinapansin at pinagpapatuloy ang pagkain.

Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)Where stories live. Discover now