020: Duat alley

23 4 0
                                    

Aeyza's POV

Madilim na kalye. Makalat na daan. Abandonadong mga shops. Naka pasok na ako sa Duat alley pero nasa bungad pa lang ako. Wala na din sa paningin ko ang taong dahilan kung bakit ako nandito.

Nilapitan ko ang isang shops at sinilip ang loob no'n. Wala akong nakita kundi sira-sirang gamit sa loob mula sa glass wall. Dalawang palapag ang meron ang shop at balak kong umakyat sa bubong. Lumingon lingon muna ako bago ako umatras.

Alright, babies..

Tinignan ko ang paa ko at ini-stretch ang mga braso at tuhod ko.

We will do this again.

Bumuga ako ng hangin bago inihanda ang sarili para tumakbo.

In

1

2

3

Matulin akong tumakbo palapit sa pader at tumalon para humawak sa bintana mula sa pangalawang palapag. Nang magawa ko 'yon ay muli akong kumapit sa isa pang bintana at ginamit ang lakad ko sa braso para buhatin ang sarili ko paakyat.

Napangisi naman ako ng madali akong nakaakyat sa bubong.

It's been years since the last time i did this.

Hindi pa din ako kinakalawang.

Tinignan ko ang paligid. Kaliwa, kanan at harap ang kalye. Sa kaliwa ay may mga Ilaw na, may nadidinig din akong tugtog mula sa malayo at nanggagaling iyon doon.

Sa harap na daanan ay kaunti lang ang ilaw pero mukang mga abandonadong mga bahay bahay ang naroon.

Sa kanang kalye ay madilim na. Wala akong makita mula doon at hindi din maganda ang pakiramdam ko doon.

At dahil bida bida ako at walang kinatatakutan, sa kanang kalye ako pupunta.

Napayuko ako ng may makita akong tatlong lalaki na naglalakad sa kaliwang kalye. Hindi pantay ang lupa kaya kapag nasa malayo ka at mataas ang lupa ay makikita ako dito.

At kapag nakita ako, dalawa lang ang mangyayari.

Kung matalino ang nakakita sa akin, malalaman nilang may nakapasok at kung tanga sila ay iisipin nilang tiktik ako dito sa bubong.

Muli kong tinignan ang tatlong lalaki. Paliyo liyo silang maglakad at mukang lasing. Nag tatawanan pa sila at may pinag uusapan. Mukang di-diretso sila sa kanang kalye kung saan madilim at wala na akong makita pa kung ano mang meroon sa daanan na 'yon.

Pinanood ko silang maglakad sa kanang kalye at mawala dahil sa dilim. Naningkit lang ang mata ko habang tinititigan ang madilim na daan.

Kinuha ko ang itim kong handkerchief at tinakip 'yon sa kalhati kong muka. Hinawi ko din ang bangs ko dahil bukod sa nakakasagabal iyon ay ayaw ko ding i-describe nila ang intruder na may bangs.

Tinali ko din ang buhok ko. Mabuti na lang talaga ay naka itim na cargo pants ako at itim na fitted shirt. Dinala ko din ang hoodie black jacket ko at tinabon sa ulo ang hood no'n.

Muli akong bumaba sa lapag at mabilis na tinakbo ang kabilang store na wala ding katao-tao. Isang palapag lang ang meron 'yon kaya madali akong nakaakyat sa bubong.

Marahan kong tinahak ang madilim na kalye mula sa mga bubong ng mga abandonadong bahay at stores. Mabuti na lang ay walang tao doon.

Natigil ako sa pag takbo at napaluhod ng may makitang mga lalaki na naglalakad. Napayuko ako ng biglang lumingon sa gawi ko ang isa. Umalis ako puwestong iyon at muling nag hanap ng puwesto kung saan puwede akong mag tago habang minamanmanan sila.

Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)Where stories live. Discover now