Imee's Pov:
Nagising ako ng wala si Eli sa tabi ko at unan ni Rod ang kayakap ko na.
"Nanaginip lang ba ako ?" Tanong ko naman sa isip ko.
Wala naman na kong lagnat at asthma kaya nag ayos na ko at dali dali akong pumasok sa kwarto ni Eli.
Wala din ito sa kwarto at marahil ay nasa baba na.
Kabado naman ako dahil baka na naginip lang ako na okay na kami ni Eli sa taas ng lagnat ko kahapon.
Pag baba ko ay naririnig ko naman na parang may nagtawanan ng malakas sa may garden.
Pagdating ko sa garden ay nandito si Irene at Mommy na tawang tawa kay Eli siguro.
Tumingin naman sa akin si Eli at bumalik ng tingin kila Irene.
"Panaginip ba ?" Tanong ko naman sa isip ko.
Nawala ang tulala ko kay Eli ng magsalita si Irene.
"Ate breakfast na tayo" sabi naman nito kaya binati ko naman na sila isa isa.
Hinalikan ko naman si Eli sa noo at binulungan ito.
"Good morning anak" sabi ko naman dito pero ngumiti lang ito ng tipid.
"It can't be a dream" naiiyak ko naman na sabi sa sarili ko.
Habang kumakain ay puro naman kwento si Eli sa lola meldy nya.
"I don't like to call you mama meldy, I want to call you lola po" sabi naman nito.
"Mommy mukhang pinapa tanda ka talaga ni Eli" natatawa naman sabi ni Irene.
"Nako okay lang ... Sige iha tawagin mo akong lola, ikaw lang makakatawag sa akin nun" sagot naman ni mommy.
"Ang special naman ni Eli kay mommy" biro naman ni Irene.
"Ang tahimik mo Imee" sabi naman ni mommy sabay tingin sa akin nila.
"Ha ? Galing lang sa sakit" sagot ko naman.
"Ayan stress pa" biro naman ni Irene.
"Lagi kasi galit si Tita eh, lalo na kay Tito Rod they always nag aasaran" sabi naman ni Eli at para naman akong nalungkot dahil tawag sa akin ay Tita.
Maya maya ay nag excuse naman ito at pupunta lang sa kwarto para kunin ang phone kaya sinundan ko ito.
Pagbukas ko ng kwarto ay tumingin naman ito sa akin at niyakap ko ito.
"Hindi yun panaginip diba Eli ?" Naiiyak ko naman na sabi dito.
"Ang alin ?" Taka naman nito na tanong.
Hinawakan ko naman ito sa dalwang pisngi.
"Tinawag mo kong mommy ... Tapos alam ng daddy mo, diba nag usap pa tayo na parang i prank si daddy mo na di ko parin alam na alam na nya ?" Paninigurado ko naman tanong dito.
"You will never be my mom" seryoso naman nito na sagot.
Naiyak naman ako agad ng marinig ko iyon at baka panaginip nga.
"P-pero---" di ko matuloy na sabi sa sama ng loob na hindi totoong okay kami.
Bigla naman itong tumawa ng tumawa na kinapag taka ko.
Nakatingin lang naman ako sa kanya na halos mapa upo na sa sahig sa kakatawa nya.
Dito ay na gets ko ng pinagti tripan ako nitong bata na to.
BINABASA MO ANG
THE MISSING DAUGHTER
FanficA 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famous Mayor in Manila. Because she's being a brat and rebellious, her mother ask her bestfriend Imee a w...