"Kumusta ka na, apo? Napabisita ka?"I hugged Lola and kissed the top of her head as my way of greeting her. Nilapag ko ang bag na dala ko sa sofa, katabi ni Lola.
"Siyempre, miss na miss ko na Lola ko eh," bola ko sa kaniya. Ngumiwi siya sinabi ko kaya natawa nalang ako.
"May problema na naman ba sa inyo?" Pagkumpirma ni Lola. Komportable akong nahiga sa isa pang sofa.
"Palagi naman po," mapait ang ngiting sagot ko.
Napabuntong hininga si Lola at napailing-iling na lamang, "kung sana'y buhay pa ang Papa mo ngayon, 'di ka ganiyan ngayon," nanghihinayang niyang sambit.
Lola is right. Lahat ng bagay ay mas bubuti kung kasama ko pa rin sana si Papa hanggang ngayon.
"Eh ganun talaga, Lola," tanging sagot ko na lamang, "Ano pong ulam?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Magluluto ako ng adobo."
"Okay, ako na po bahala sa bigas," presinta ko.
"Ako na sa juice!"
Nakangiwing nilingon ko ang pintuan kung saan pumasok ang pinsan ko. Agad akong napatayo mula sa pagkakahiga para samaan siya ng tingin.
"Talaga bang kailangan na 'pag nandito ako, pupunta ka rin?!" Inis kong tanong.
Kunot noo siyang tumingin sa 'kin, "Aba malay ko bang nandito ka?! Mukha bang nababasa ko isip mo kung kelan ka pupunta?" Sarkastikong tanong niya.
"Nag-aaway na naman kayo," mahinahong suway ni Lola. Bumaling siya kay Clint, "Ikaw, ano namang ginagawa mo rito? May problema ka rin?" She asked.
Clint smiled awkwardly and hugged Lola instead, "I miss you my Lola!"
"That's my Lola!" Lumapit ako para hilahin siya palayo kay Lola.
"Nag-away pa talaga kayo eh nilalapitan niyo lang naman ako 'pag may problema kayo," pabirong tampo ni Lola.
"Hala, nagtampo siya," natatawa kong giit, "Don't worry, 'di naman po 'yan totoo. Binibisita kita 'pag miss kita." I kissed her cheek.
Akmang gagayahin din 'yon ni Clint nang biglang itulak ni Lola palayo ang mukha niya. "Mag toothbrush ka muna."
"Lola naman eh!"
Tinawanan ko si Clint na parang batang nagmamaktol kay Lola. Hindi naman siya pinansin nito dahil dumiretso na sa kusina si Lola para magluto.
Ako ang bumili ng bigas na kakasya sa aming tatlo habang si Clint naman ang pinagsaing ko nito. Of course it took a lot of effort for me to convince him. Sa katamaran ba naman niya.
"Ikaw magtimpla ng juice!"
At syempre, may kapalit.
The three of us ate dinner together. Patuloy ang naging asaran at kwentuhan. Ito ang pahinga ko— Ang makasama si Lola.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin, biglang nag-ring ang phone ni Lola, kaya pare-pareho kaming napatingin dito.
"Mas maganda pa phone mo sa 'kin," biro ni Clint.
Lola answered the incoming call, while Clint and I listened to her speak. Nang ibaba niya ang call, agad kaming nagtanong ni Clint, "Ano sabi?"
"Chismoso't chismosa!" Puna niya sa 'min, "Mama mo 'yon, Carmeline. Pinapauwi ka na."
Napabusangot ako, "Ayoko! Sabihin ko nalang late na."
"Bahala kayo mag-usap ng ina mo."
When we finished eating, I washed the dishes while Clint watched the TV. Inis ko pa siyang sinabunutan nang naghabol pa siya ng hugasing baso noong patapos na ako.
YOU ARE READING
Among All Nightmares
Teen FictionVionna Carmeline Lovisa always gets disrupted in her sleep because of the vivid nightmares that always haunt her at night. Each time it occurs, she finds it difficult to fall back asleep again. Upon discovering this, the extroverted and carefree Naz...