Chapter 11

25 9 5
                                    

"Ayos ka lang ba, Carmeline? Parang ang putla mo," puna ni Lola nang magpunta ako sa kusina para lagyan ng tubig ang tumbler ko.

Handa na akong umalis para pumasok sa school. Although, I was feeling really dizzy since I woke up, I disregarded it. I thought it'll eventually fade away.

"I'm fine, Lola," I lied, "Tubig tubig lang 'to."

I went to school even in that condition. I regretted it.

Habang naglalakad papasok ng school, mas dumoble pa ang hilo na nararamdaman ko. I was feeling nauseous and there were times when my eyes would go blurry that I had to shut them close and wait for it to fade away.

'"Wag kang mahihimatay. 'Wag kang mahihimatay," I internally reminded myself repeatedly.

Saglit akong huminto nang panandaliang dumilim ang paningin ko. I was losing my mind. Hindi ko alam kung paano kokontrolin ang sarili ko.

Nang muli akong nagpatuloy sa paglalakad, I hung my head low. Nasa dinadaanan ang tingin ko, umaasa na effective 'yun para i-maintain ang balance ko.

After a while, I was able to spot Dayne from afar. He wasn't looking at me so I walked closer to his direction.

Finally, his gaze shifted to my direction. Hindi man siya ganun kalayuan, his face was blurry. Kinabahan ako para sa sarili ko. I want to see his warm smile, because I know that it will ease the pain that I'm feeling right now.

Bumigat ang mga mata ko. As much as I wanted to stay awake, I failed. Bago tuluyang dumilim ang paningin ko, I saw Dayne running towards my direction.

I'm just so glad and relieved that when I woke up, Dayne was there, sitting by my side.

When I opened my eyes, I realized that I was in the school clinic.

"Sabi ko sa 'yo, magigising din 'yan. Sayang attendance mo," pagsita ng nurse kay Dayne.

"Okay lang po, gusto ko rin naman talaga siyang mabantayan."

Pinilit ko ang sarili na bumangon sa kabila ng kirot na naramdaman ko sa ulo ko. Subalit pinigilan ako ni Dayne.

"Vionna, mahiga ka na muna," he told me. Sumunod naman ako sa kaniya dahil hindi ko pa kayang bumangon.

"How are you feeling?" Dayne asked. Halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Masakit pa rin ulo," may katotohanan kong saad.

"'Nak, dapat siguro'y magpa-check up ka na rin," the nurse told me, "sobrang putla mo nang dalhin ka rito ni Nazaire."

Nakaramdam ako ng hiya sa kaniya kaya tumango na lang ako.

"Nakukulangan ka ba sa tulog, 'nak? Baka kulang ka na rin sa dugo."

I lied by shaking my head. She once again suggested that I should convince my parents to bring me to a doctor for a checkup.

"Maiwan ko muna kayo, may aasikasuhin lang ako. Pahinga ka muna riyan, 'nak."

Nang maiwan kami ni Dayne, napatingin ako sa kaniya nang bumuntong hininga siya.

"Dahil nga siguro talaga 'yan sa kakulangan mo sa tulog," aniya.

I also sighed, "Siguro nga."

He held my hand tight, "You made me worry so much. Nagtaka ako kung bakit parang ang tamlay mo nung nakita kita. You would usually smile at me kapag nakikita mo 'ko, pero kanina parang problemado ka. Tapos nagulat nalang ako, bigla kang natumba," aniya.

Among All NightmaresWhere stories live. Discover now