Chapter 18

14 4 0
                                    

Trigger Warning: Suicide
If this chapter triggers you, it is advisable to refrain from continuing with the story.

Napatulala ako sa aking nalaman. Literally, I was speechless.

Hindi ko maiwasan na 'di makaramdam ng tampo. Alam ko naman na hindi maganda na magtampo sa gano'ng rason, ngunit sobrang nalungkot lang ako dahil parang hindi balanse 'yung emotional support na naibibigay namin sa isa't isa.

Kung iisipin nga nama'y halos alam na ni Dayne ang buong buhay ko, pero hindi pa gano'n karami ang nalalaman ko tungkol sa kaniya.

Sinubukan ko nalang na makisama sa kanila kahit sa kaloob-looban ko ay nakararamdam ako ng kaunting tampo. Mabuti nalang at iniba kaagad ni tita Cath ang topic.

Malapit na mag 9 p.m. nung nagsabi si tita Cath na magpahinga na raw kaming lahat dahil gabi na. Ginising pa niya si tito Davis upang makapagpaalam ako rito ng maayos. I had a really good time with them. Mas ramdam ko pa ang tunay na kahulugan ng tahanan sa bahay nila kaysa sa amin.

I tried to ignore the disappointment that I was feeling, pero si Dayne na rin mismo ang nag-bring up nun habang binabaling niya ang kaniyang motor na sasakyan namin.

"I'm sorry, Vionna," he apologized, at may parte sa akin na ayaw siyang marinig na humihingi ng tawad. After all, it's not his fault if he's not comfortable telling me further details about his life.

Ewan ko, ang gulo. Nakakaramdam ako ng tampo pero pakiramdam ko ay hindi naman dapat dahil wala naman siyang ginagawa na hindi maganda. It's just my emotions taking over me, I know.

"Sorry hindi ko kaagad sinabi sa 'yo. Deserve mo rin naman malaman ang mga bagay na ganun, sadyang hindi ko lang alam kung paano ibi-bring up sa 'yo."

Umiling ako, "Okay lang, Dayne."

He reached for my hands and held both of them, "Wala na akong maalala tungkol sa totoo kong nanay," sinimulan niya ang pagkukwento sa 'kin. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at maigi kong pinakinggan ang mga sinasabi niya, "Sabi sa 'kin nila Mom, matalik na kaibigan niya raw 'yun. She died when I was about 2 years old. Single mom lang daw si nanay no'n dahil iniwan siya ng tatay ko nang mabuntis siya nito."

"What a jerk," I couldn't help but reply.

He chuckled and agreed, "He is. Dahil na rin sa pangyayari na 'yon, nagkaroon daw ng Depression si nanay, which led to her death."

Tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. Hindi ako agad nakapagsalita. Mga ganung bagay talaga ang kahinaan ko.

"S-She ended her... life?" Mahina kong tanong. I could barely utter those words. The news made me really sad. Natulala nalang ako nang tumango siya. 'Tulad ko, halata rin ang lungkot sa mukha ni Dayne.

Without saying anything, I wrapped Dayne in a warm embrace. He chuckled as he hugged me back, "Okay na ako, Vionna. It doesn't affect me that much anymore."

I know that it's hard for him. I can't imagine the pain that he felt when he found out about what happened to his biological mother.

Hanggang kinabukasan 'yun ang naiisip ko.

Ganito ba talaga kapag may partner ka na? Nagiging mabigat na rin sa 'yo ang mga pinagdadaanan nila? It's more than just empathy.

I was absent minded during our classes the following day. Mabuti na rin 'yon dahil nabawasan ang epekto sa 'kin ng kakaibang trato nila.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa dami ng iniisip ko. Namalayan ko nalang na GenBio class na naman nung tumayo ang lahat upang batiin si Ma'am Fiona.

Among All NightmaresWhere stories live. Discover now