We all need someone in life. Someone to lean on, someone to vent out our feelings to, and some to just exist with us through hardships in life.
It's not easy to find that someone for there are many factors to be considered. They must be genuine, willing, committed, kind, loving, caring, and understanding. You have to be sure that they're certain of you as you are of them, because once you get attached and they ended up leaving, pain is be inevitable.
It feels great that in this lifetime, I found that person.
Sometimes, I can't help but think... Am I being that someone to him?
"Ang saya naman nila," sabi ko nang makita ang tinitignan ni Dayne ngayon sa newsfeed niya. Nakaupo kasi siya sa tabi ko. Pareho kaming nakasandal sa headboard ng hospital bed.
Post 'yon ng isa sa mga kaibigan niya. Their circle went out without him yesterday.
"Oo nga eh," pagsang-ayon ni Dayne.
He could've been in that photo, if it weren't because of me.
"Sorry, Dayne," I apologized. Ramdam ko na naman ang konsensya.
He looked at me with a cute smile on his face, "Mas gusto kitang kasama."
Ngumiti nalang ako kahit hindi ko alam kung makatotohanang sagot pa ba 'yung sinabi niya. Gusto ba niya talaga akong makasama? Hindi ba siya nahihirapan sa 'kin?
"I know what you're thinking," he chuckled. Binitawan niya ang phone niya at pinosisyon ang katawan niya na bahagyang nakaharap sa 'kin.
"Hinding hindi ako mapapagod sa 'yo. I could leave anything behind for you. 'Wag ka na mag-overthink, okay? I'll never spit lies to you. Kung ano 'yung mga naririnig mo sa 'kin, 'yun ang totoo."
As much as I wanted to believe him, naniniwala rin ako na may unconscious part ang isip ng tao. A realm that can barely be reached. An area which contains suppressed thoughts that only comes out in subtle ways, which could be through words or actions.
"I'm really messed up right now," pag-amin ko sa kaniya, "Natatakot akong madamay ka sa 'kin."
"Eh gusto ko ngang ma-involve parati sa 'yo," sagot niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang hinimas dito ang hinlalaki niya. "'Di ba sabi ko naman sa 'yo, we'll face the nightmares together? I mean it."
Mahigpit ko siyang niyakap.
"I don't ever want to lose you," I whispered in his ear. I felt his warm breath on my neck when he chuckled.
"I'll always be here," he said reassuringly, at sapat na 'yon para gumaan ang loob ko. "Will you?" He asked back.
Nanuyot ang lalamunan ko sa tanong niya. I couldn't reply. How can I reassure him anything when I'm uncertain of life myself?
"Y-Yeah... Of course."
Dayne bought lunch outside. Kaming dalawa lang ang narito dahil kinumbinsi ko si lola na magpahinga nalang sa bahay. Alam kong 'di siya magiging komportable kung dito rin siya matutulog.
Alone in my room, I checked my phone for updates. I received a message from Elara, nangangamusta ito sa 'kin. Matapos kong mag-reply sa kaniya, kumunot ang noo ko nang makitang may unread message din ako mula kay mama. Mabilis kong binuksan ito, umaasa na baka kinakamusta na ako.
Mama:
Bday NG kptid Mu khpon dmo mnlng mbisita..
Aun umiiyak kc wLa rw ate nia......,,
Wla kng kwenta kht s kptid Mo,,
I checked the calendar from my phone at May 19 na. Lumipas na nga ang birthday ni Anaya.
Dismayado akong napabuntong hininga. Gusto kong sabihin kay Anaya ang sitwasyon at babawi ako, pero wala namang social media 'yun.
I could only imagine her disappointment when she realized that I won't be showing up anymore. I never skipped any of her birthdays because I've always wanted to make her feel how thankful I am of her life.
Hindi pa nakatulong na kung ano ano na naman ang nasabi ni mama. She knew I was in the hospital. Did she think I was lying?
"Food is here!" Dayne finally arrived. May hawak siyang supot ng Jollibee, 'tulad ng ni-request ko. Buti nga pumayag na ganito at hindi gulay.
Rice and chicken lang 'yung request ko kaya nagulat ako nang sunod sunod niyang ilabas ang malaking fries kasama ng tig dalawang coke float, spaghetti, at peach mango pie.
"Dami ha!"
"Of course! Para main character ang happiness," sabi niya habang nilalapag sa mesa ang mga 'yun.
"Main character?" nagtataka kong tanong.
"Ano ba english ng bida?" Tanong niya pabalik, nagpanggap pa siya na nagtataka rin. I laughed so hard at how corny his joke was. Nahampas ko pa siya sa braso sa sobrang pagtawa.
"Happy pill mo 'ko?" he jokingly asked. Sinabayan ko naman siya at tumango.
"Magaling na nga ako eh, p'wede bang bayaran mo na 'yung doctor para palabasin ako?" I pouted. Dinampot ko na ang kutsara't tinidor, handa nang kumain.
"Ayaw mo na ba ako kasama?" nagtatampo niyang tanong.
"Malamang gusto! Pero ang laki na ng gastos."
They're gonna shoulder everything. Isa pa sa rason 'yun kung bakit pakiramdam ko ay nakakabigat ako sa kaniya. May magulang naman ako, pero sila ng pamilya nila ang kailangang gumastos para sa 'kin.
Kapag talaga kinaya kong maka-survive at maging successful sa long-term goals ko, I will repay them in any way that I can.
Thankfully, pinayagan na rin akong lumabas nung sumunod na araw. Malaking pabor na naman ang ginawa ng pamilya ni Dayne para sa 'kin dahil sila ang naghatid sa 'kin at sa mga gamit ko sa bahay ni lola.
Nag-stay pa sila ro'n nang ilang oras na tila ba mga bisita sila ni lola. Lola gladly welcomed Dayne's parents. Sa sala sila nag-uusap habang kami ni Dayne ay nasa kusina. Masinsinan na naman niya akong binibilinan.
"Always eat on time," istrikto niyang utos.
"That's the 24th time you said that," bilang ko. I really did count it.
"Basta, mag-send ka na palagi ng proof na kumakain ka ha? I want to monitor your meal to make sure that you're taking care of yourself," he requested.
I hope I can be someone to him soon.
BINABASA MO ANG
Among All Nightmares
Teen FictionVionna Carmeline Lovisa always gets disrupted in her sleep because of the vivid nightmares that always haunt her at night. Each time it occurs, she finds it difficult to fall back asleep again. Upon discovering this, the extroverted and carefree Naz...