Chapter 5

42 15 10
                                    

That same day, I went to Lola's house in the evening. I love visiting her on Sundays.

"Alam mo bang sawa na ako sa mukha mo, apo?" bungad ni Lola pagpasok na pagpasok ko palang ng pintuan.

Agad akong napabusangot, "Ano ba naman 'yan, Lola! Napaka lambing," pagmamaktol ko. Lumapit ako sa kaniya upang magbeso.

"Pero mas sawa ako sa pagmumukha niyan," biglang tumuro si Lola sa pintuan kaya kunot noo akong napalingon dito at nakita na naman siya.

Sinamaan namin ng tingin ang isa't isa, "Ikaw na naman?!" sabay naming giit.

"Ako nga ang dapat mag-react nang ganiyan eh," reklamo ni Lola. Sa pagkakataong ito, si Clint naman ang napabusangot sa kaniya.

Well, these are the moments that I cherish the most. Magbiruan man kami na ayaw namin sa isa't isa, at the end of the day, it'll always be the three of us against anyone or anything. Kami ni Clint, we built such a good relationship with our Lola. We've become extremely dependent on her. Alam ko na pareho kaming mahihirapan sa buhay kung wala si Lola sa amin gayong si Lola na ang siyang gumagabay sa amin mula pagkabata.

At ngayong wala na si Papa sa 'kin, si Lola na ang tinuturing kong magulang.

Pumunta ako sa kusina at sinalin sa lalagyan ang limang kilong bigas na dinala ko.

"Hoy, Clentong! I-saing mo 'to!" Pagtawag ko kay Clint. Dahil wala siyang dala na kahit ano ay pumayag naman siya sa utos ko.

Nagpahinga muna ako sa sala at nakipagkwentuhan kay Lola. Matapos magsaing ni Clint, umupo rin siya sa sofa, pumagitna pa sa amin ni Lola.

"Lola, may isusumbong ako sa 'yo," singit ni Clint. Agad na-intriga si Lola do'n dahil sa seryosong pananalita ni Clint.

"Ano 'yun?"

"Alam mo ba 'tong apo mo? Pumapag-ibig na!" Sambit ni Clint na siyang dahilan ng malakas kong paghampas sa kaniyang balikat.

"Napaka fake news mo!" Inis kong sambit habang pinagsisisipa ang kaniyang binti at sinusuntok ang kaniyang balikat. Tawa lamang ito nang tawa.

"Totoo ba, apo?" Pakikisabay naman ni Lola.

"Opo, Lola!" He replied with an over exaggerated expression, "Gusto mong makilala?"

Pilit kong tinutulak si Clint para mahulog sa upuan ngunit sadyang mas malakas ito sa 'kin.

Tumango-tango naman si Lola, "Aba, oo naman! Tawagan mo, papuntahin mo rito."

Nanlaki ang mga mata ko nang kunin ni Clint ang phone niya. Sinubukan kong agawin 'yon sa kaniya kaya mabilis siyang tumayo at nagtatakbo. Agad ko siyang hinabol ngunit pumasok siya sa CR at sinara ang pinto. Naiwan akong nasa labas kaya kinalabog ko nang kinalabog ang pinto.

"Clint! Buksan mo!"

"Hoy! Carmeline, 'pag 'yang pinto nasira ipapamulto kita sa Lolo mo!" Bulyaw ni Lola sa 'kin kaya agad akong napatigil.

Padabog akong napaupo sa sahig at parang bata na nagmaktol especially when I started hearing Clint's phone ringing.

"Clint ano ba?!" Malakas kong sigaw. Tuluyan nang nakakunot ang noo ko. Maluha-luha na ang mga mata ko sa sobrang pagkapikon.

"Hey bro!" Bati ni Clint nang saktong tumigil ang pag-ring ng phone niya. Sinadya pa talaga niyang iwan na naka-loud speak 'yon.

Nag-init ang mukha ko sa hiya nang marinig ang pagsagot ni Dayne, "Yo! Ba't ka napatawag?"

"Nandito kami ni Carmeline sa bahay ng Lola namin. Gusto ka raw makilala ni Lola," sambit ni Clint.

"'Wag kang maniwa—" hindi na natapos ang sasabihin ko nang biglang takpan ni Lola ang bibig ko.

Among All NightmaresWhere stories live. Discover now