"Tama ba 'tong dinadaanan natin?" Tanong ko kay Clint dahil 'di na pamilyar sa 'kin ang dinadaanan namin.
"Trust me, bro," He confidently said. Napairap nalang ako at hinayaan nalang siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Halos 20 minutes na ata kaming naglalakad mula nang makababa kami sa jeep, pero 'di pa rin namin nararating ang venue.
Mukhang nawalan din naman siya ng pag-asa dahil huminto rin siya para magtanong.
"Saan po rito ang Daisy Haven?" tanong ni Clint sa isang matandang lalaki.
"Lagpas na kayo," sagot nito, "Dun pa 'yun, lagpas na kayo ng tatlong kanto."
Agad kong sinabunutan si Clint dahil sa narinig, "Trust me bro pala ah?!"
Tinuro sa amin ng matanda ang daan patungo sa venue ng event. In less than ten minutes, narating na rin namin 'yon.
Pagpasok palang namin sa resort, sinasalubong na si Clint ng mga kaibigan niya. Nakalimutan na rin ako kaagad ni Clint at sumama na siya sa mga kaibigan niya.
I entered the venue alone. It's actually a resort with huge swimming pools. There were a lot of students scattered around the area, and everyone was wearing pastels color dahil 'yun ang binigay na theme sa amin. Lahat ng naririto ay Grade 11 students, all from different sections and strands.
I went to the cottage that's assigned to our section. My classmates were already busy taking photos and videos. Naupo lang ako sa sulok at nag phone. Hindi pa man lumilipas ang limang minuto ay 'di na ko makapaghintay na mag-uwian.
The long sound of a feedback from a microphone caught everyone's attention. Lahat kami ay napatingin sa area na mayroong stage. A teacher was holding that mic and was communicating with the person behind the tech booth. Nang maging maayos na ang sine-set up nila, nagsalita na ang guro.
"Good afternoon, grade 11 students!" She greeted energetically, "May I ask everyone to please gather around this area," pagtukoy niya sa area sa tapat ng stage.
Nakarinig ako ng mga reklamo mula sa mga kaklase ko, halatang mga tinatamad pang kumilos.
"First section to be completed will be given a prize!" The teacher announced. Dahil do'n, mabilis na nagkagulo ang lahat at nagtatakbo upang pumila.
I was walking towards the area when someone suddenly grabbed my hand, "Tara tara! Bilis!" mabilis niya akong hinila papunta sa pila namin.
"Alright! Complete na raw ang ABM-Amethyst! Who's your class president? Claim mo sa 'kin prize niyo mamaya," she announced.
The event first started with an opening prayer, then with a few inspirational words from the head department. Matapos no'n, inanunsyo na mayroong performance sa bawat section. We were asked to just sit on the ground that's covered in grass.
Karamihan ay puro sayaw ang performances, tulad nalang sa section namin na kaunti lang ang representatives. Some sections also did acting and minority had a band.
Isa sa dalawang banda na 'yon ang nag stand out sa lahat. They're from HUMMS.
"Handa na ba kayong lahat?" Panimula ng vocalist nila, sobrang lawak ng ngiti niya. Everyone cheered for him. Halatang marami ang nakakakilala sa kaniya, "Mukhang handa na nga kayong makarinig ng boses anghel. I want you all to sing along with me as long as maganda rin boses niyo!" Everyone laughed while I could only roll my eyes. How corny.
The band started playing their instruments. It was the familiar intro of Dulo ng Hangganan by IV of Spades. When their vocalist started singing, I was mesmerized by the wonderful sound of his voice. The song suits his voice so well. Hindi ko mapigilan na sumabay sa kanta.
YOU ARE READING
Among All Nightmares
Teen FictionVionna Carmeline Lovisa always gets disrupted in her sleep because of the vivid nightmares that always haunt her at night. Each time it occurs, she finds it difficult to fall back asleep again. Upon discovering this, the extroverted and carefree Naz...