Chapter 20

7 2 0
                                    

"Tito Bryce, tama na please!" I screamed at the top of my lungs, but he didn't listen.

Mama was just staring at us. Walang emosyon at walang ginagawa. Tinitignan lang niya kung paano ako bastusin ng asawa niya.

"Mama! Please!" I begged her, ngunit hindi siya natatauhan.

Tumunog ang pinto ng kwarto ko hudyat na may pumasok dito. Anaya entered the room, also emotionless. Gusto ko siyang paalisin dahil sobrang bata pa niya upang makita 'yon. Ngunit nang sigawan ko rin siya, blanko lang siyang tumingin diretsong diretso sa mga mata ko.

Panay ako pagsigaw. Sa pagkakataong ito, walang nakatakip sa bibig ko, pero kahit anong sigaw ko, tila walang makarinig sa akin.

Muli kong binalik ang tingin sa direksyon ni Mama at nakita na katabi na niya ngayon si Clint at si Lola. Wala rin kabuhay-buhay ang mga mukha nila.

"Dayne! Please, Dayne!" I screamed for his name. Siya nalang ang tanging pag-asa ko.

"Kuya Dayne!" Narinig kong tawag ni Anaya kay Dayne. Bumalik ang tingin ko sa pintuan at nakita ro'n ang nakakatakot na tingin ni Dayne. His smirk looked evil. Malayong malayo ang itsura niya sa Dayne na kilala ko.

Suddenly, I heard a phone ringing. Lumakas nang lumakas 'yon hanggang sa magbago ang paligid.

I woke up.

Agad akong napaupo, humahangos. Sa kabila ng malamig na panahon na dulot ng Disyembre, pawis na pawis ako. Sinara ko ang mga kamay kong panay ang panginginig.

Matagal na akong hindi binabangungot, pero bumalik na naman.

Nang mahimasmasan, dinampot ko ang phone ko na nagri-ring pa rin. Tumatawag na naman si Dayne. Mula nang mangyari 'yung incident, I never answered his call nor replied to his messages. Hindi ko alam kung paano siya haharapin na ganito ako, at wala rin akong lakas para kumausap ng kahit sino. Gayunpaman, never kong nilagay sa silent ang phone ko. The sound of its ringing lessens the feeling of loneliness somehow.

Tinitigan ko lang 'yung phone ko na patuloy sa pag-ring.

Nagulat ako nang biglang may tumunog si bintana ko. Napalingon ako dito, ngunit wala akong nakita. Tapos, tumunog ulit ito at sa pagkakataong 'yon, nakita ko ang maliit na bato na tumama rito.

I opened my window. Sumilip ako sa ibaba at nakita ko si Dayne na nakatayo ro'n. He had his phone up on his ear. He stared at me, eyes filled with worry. I can't blame him. It's been three days since I last contacted him.

Napabuntong hininga ako at napagdesisyunan na babain siya. I don't want to waste his effort. Besides, 3 a.m. na rin. Siguro'y kakauwi lang nila galing sa outing bago siya dumiretso rito.

My room was still a mess, kaya pahirapan pa akong tumawid makapunta lang sa pintuan. Tahimik ang ginawa kong pagbaba. Nang malabas ako ng gate, Dayne attempted to hug me, but I stepped back.

I don't know. I don't want to be touched by anyone.

Looking disappointed, he put his arms down.

I was feeling numb at that moment. I couldn't tend to smile for him.

"Let's talk somewhere else, Vionna," he gently said. I stared at him blankly and nodded. Sinundan ko siya papunta kung saan naka-park 'yung motor niya.

Dinala niya ako sa lugar kung saan kami unang gumala nang gabi magkasama. Wala nang tao sa plaza.

We sat down on a bench. I stared down at my hands while I could feel Dayne looking at me.

"May problema ba tayo?" Tanong niya sa kalmadong tono, and I was relieved. I was expecting him to raise his voice at me, but he didn't.

Among All NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon