Chapter 14

24 9 2
                                    



The 25th of October came. Iyon ang araw ng gig nila Dayne. Sabi niya ay sa isang restaurant daw 'yon.

I decided to wear a tea-length sky blue dress, a white cardigan, and a pair of beige boots. I tied the upper half of my short hair into space buns. I looked at my reflection in the mirror and smiled. Satisfied with my look, I carried my shoulder bag and left.

Wala ang mga kasama ko sa bahay kaya naman nag-iwan nalang ako ng mensahe kay Mama na nagsasabing bibisita ako kay Lola.

Nang makarating kami ni Dayne sa restaurant, agad akong namangha dahil mukhang sosyalin na restaurant 'yon.

A guard pulled the door open for us. We thanked him as we continued walking inside.

The ambience of the restaurant was calm due to its dim lighting, and wooden themed items and decorations. It's also a good thing that I was wearing a cardigan because the place was fully air conditioned. There's a soft classical music playing through the speakers.

Konti palang ang tao nang dumating kami. Sabi ni Dayne ay gabi raw ito madalas na mapuno. However, his bandmates were already there, setting up the instruments.

Sinamahan ako ni Dayne patungo sa komportableng pwesto na hindi kalayuan sa stage. Maliit na rounded table lang 'yon at may dalawang upuan.

"Tulungan ko lang silang mag-set up, balikan kita pagtapos, okay?"

Tumango ako, "Take your time," I said. I sat down and placed my bag on the table.

Gumawa nalang ako ng commissions habang hinihintay siya na matapos. Mabuti nalang at maaga kaming pumunta, kaya naman matapos ang pag-set up nila ay may oras pang nailaan sa 'kin si Dayne upang masamahan ako habang hindi pa sila nagsisimula.

"Will you be okay here?" he asked, worried.

"Oo naman! Sanay na sanay naman ako na walang kasama. Introvert things," biro ko. Tumawa naman siya at biglang pinisil ang pisngi ko, "Ouch!" I groaned in pain as I shoved his hand away.

"Sorry, ang cute mo kasi."

Dinaan ko nalang sa pag-iling 'yung mabilis na pagtibok ng puso ko. It happens every time he compliments me. Malinaw naman na sa 'kin na dulot ng saya ang pagtibok na 'yon.

"Sorry ha," he suddenly apologized. Napakamot siya sa kaniyang batok at para bang nahihiya na nag-iwas ng tingin sa 'kin, "Maiiwan kitang mag-isa."

Bumawi ako ng kurot sa pisngi niya dahilan ng pagngiwi niya, "Okay nga lang. Tsaka gustong gusto ko rin naman na masuportahan kita." Unlike me, he didn't shove my hand away. Puro lang siya reklamo pero siya rin naman ang naghintay na alisin ko 'yon.

When I let go of his cheek, he was started whining like a kid. Agad kong tinakpan ang bibig niya sa kaba na maka-agaw 'yon ng atensyon ng iba, kaya naman bigla siyang natawa.

Hinawakan niya ang braso ko upang marahan na itulak ito palayo para maayos siyang makapagsalita, "Alam mo kung ano tawag sa 'yo?" tanong niya.

I raised an eyebrow, "Ano?"

"Supportive girl friend," natatawa niyang sagot. Agad na kumunot ang noo ko at muli siyang kinurot sa tagiliran naman. Agad siyang napa-iwas dahil sa ginawa ko.

"Anong girlfriend?!"

"Girl and friend kasi! Magkahiwalay 'yun! Oh bakit, girl ka 'di ba? Tapos friend kita?" He sarcastically explained.

I bit my lower lip with my eyebrows still furrowed, "Ewan ko sa 'yo!" Paulit-ulit kong sinundot ang tagiliran niya para kilitiin siya. Panay siyang pag-iwas sa 'kin ngunit 'di ako nagpapatinag at kinikiliti ko pa rin siya. Hanggang sa hawakan na niya ang pareho kong mga kamay nang mahigpit. Sa sobrang lakas niya, I couldn't pull my hands away from his grip.

Among All NightmaresWhere stories live. Discover now