Chapter 3

51 18 16
                                    

Even with the night time event, we still had classes the next day. Good thing, our schedules were adjusted to 10 am kaya hindi na kailangan na gumising nang maaga. Gayunpaman, puro reklamo pa rin ang nabasa ko sa group chat ng section namin.

It was a normal day at school. Our subject teachers discussed, some gave us written works.

Napabuntong hininga na lamang ako nang mapagtanto na recess na. This is my major problem in this school. They don't allow us to eat inside the classrooms. They say it is regulated because of an accident that happened the previous year during recess inside a classroom.

Most of the tables in the school canteen are always occupied with sets of students. At bilang walang kaibigan, wala akong mapwestuhan sa mga 'yon kaya mas pinipili ko nalang na 'di kumain. Besides, 'di rin naman sapat ang 50 pesos ko sa sobrang mahal ng lunch.

I walked around the campus in search for a bench which I could sit on, but as expected, occupied na rin ang mga 'yon. Muli akong napabuntong hininga at nagpatuloy nalang sa paglalakad palibot ng campus.

P'wede ko sanang sabayan si Clint, kaso hindi naman kami pareho ng schedule sa recess.

"Vionna Carmeline!" may tumawag sa akin. Agad hinanap ng mata ko ang pinagmulan no'n at muling nakita ang nakangiting mukha ni Dayne. Dahil sa lakas ng pagtawag niya sa 'kin, nakatingin ang mga estudyante sa kaniya habang papalapit siya sa akin. Bahagya akong napayuko dahil nakatingin din sa 'kin ang iba, lalo't binanggit pa ni Dayne ang pangalan ko.

"Please 'wag mo ipasa sa 'kin atensyon nila," nahihiya kong pakiusap nang makalapit siya sa 'kin.

"Oh! Sorry!" he apologetically said, "Pasensya na, masyado akong nagpadalos-dalos."

"Okay lang."

"Hindi ka ba kakain ng lunch?" Tanong niya sa 'kin kaya umiling ako. Nakunot ang noo niya at nawala ang ngiti dahil dito, "Why not? Tara, sasamahan na kitang mag-lunch."

"Hindi ba mga kaibigan mo 'yon?" tinuro ko ang grupo ng kalalakihan na pinagmulan niya kanina bago siya lumapit sa akin.

Inakbayan niya ako at nagsimula nang maglakad, "Hayaan mo sila, malalaki na 'yon." I had no choice but to follow him.

Pumunta kami sa canteen at pumila para bumili ng pagkain. I only ordered half rice and three pieces of siomai para may matira pa akong pera.

"Suggest ka ng masarap na ulam," sabi sa 'kin ni Dayne nang siya na ang mag-o-order.

"Sisig," turo ko sa ulam.

"One and a half rice po at sisig," he ordered.

Nang makuha na ang order namin, naghanap kami ng pwesto. Lumapit si Dayne sa isang mahabang table kung saan kalahati lamang nito ang nao-occupy ng isang grupo ng magkakaibigan. Nagpaalam siya sa mga ito na makiki-table kami sa kabilang dulo. I was awkwardly standing behind him while he was talking to them. Nang pumayag na ang mga ito, hinila na niya ako upang maupo sa dulo.

Matapos umupo, mas inilapit niya ang kaniyang upuan sa akin.

"Here. Hati tayo sa sisig," he grabbed his spoon, scooped a portion of his sisig and placed it on my plate.

"Hey, okay lang! Pwede na sa 'kin 'to!" pagtanggi ko, but he insisted.

"Sabi mo masarap 'yan, 'di ba? Kaya nga tinanong ko suggestion mo para malaman ko kung ano gusto mo," paliwanag niya, "at itong half rice ko, sa 'yo na rin 'to. Ang konti ng kanin mo, 'di healthy 'yan." Nilipat din niya ang half rice sa plato ko.

Sinubukan ko pa rin siyang tanggihan, pero hindi siya nagpatalo sa akin, kaya sa huli, nagpasalamat na lamang ako.

"Gusto nga pala kitang imbitahan sa birthday ko," biglang sabi ni Dayne, "May konting party celebration lang sa bahay sa August 23."

I formed my lips into a thin line, saglit na napaisip sa isasagot ko.

"Hindi kasi talaga ako sanay umattend ng parties, pero susubukan ko," sabi ko na lamang.

"Oo nga pala," he chuckled, "Okay lang, naiintindihan ko," nakangiti niyang sambit.

"I'm sorry, Dayne. I promise, babawi ako sa 'yo sa ibang paraan."

"Sabi mo 'yan ah," sabi niya na siyang tinanguan ko, "Sorry, alam kong kakakilala lang natin, pero gan'to talaga ako ka-feeling close sa mga tao eh."

"Baliw, ayos lang," ngumiti ako, "Hindi ka naman uncomfortable kasama," I said with honesty.

We continued chatting while eating. Hanggang sa matapos kaming kumain ay 'di pa rin nauubos ang topic namin. We talked about the most random topics. It somehow reminded me of how I used to spend time with my former circle of friends. We also loved talking about so many things.

Ten minutes before our classes, napagdesisyunan namin ni Dayne na pumunta na sa mga classrooms namin. Hinatid pa niya ako sa classroom kahit na magkaibang palapag ang pagitan namin.

Pagpasok at pag-upo ko, bumungad kaagad sa akin ang tanong ng seatmate ko, "Ano kayo ni Dayne?"

Saglit pa akong napatulala sa kanila, bahagyang nagulat sa pagkausap niya sa 'kin gayong ni-isang beses mula nang magsimula ang klase ay never pa kaming nagkakausap kahit magkatabi lang kami.

"Kakakilala lang namin kagabi," tipid kong sagot sa kaniya.

"Lucky," narinig kong bulong niya. Hindi ko na siya pinansin matapos no'n.

Hours went by, and finally it was time to go home. Hindi na ako nag-aksaya ng oras upang umuwi. I was walking towards the gate nang may sumabay sa akin sa paglalakad, and as expected, it was Dayne.

"Mamamasahe ka? Sabay na tayong umuwi," pag-aaya niya sa 'kin. Pumayag naman ako dahil along the way lang naman ang bahay ko papunta sa kanila.

Siya ang nagpara sa jeep na sinakyan namin. Hindi kami naging magkatabi sa upuan at nasa magkasalungat na side kami, kaya naman naka-pout ito sa tuwing nagkakatinginan kami. Natatawa nalang ako sa kaniya.

Nang malapit na sa tapat ng aming kanto, pumara na ako sa driver. Ngunit nagulat ako dahil nang huminto ang jeep ay nauna pang lumabas si Dayne sa 'kin.

"Ba't bumaba ka na agad?" tanong ko sa kaniya nang makababa na ako.

"Ihahatid na muna kita," aniya, "sabi kasi ni Clint kahapon, looban ka pa raw."

Napailing-iling nalang ako sa sinabi niya, "Gusto mo lang makagala eh," biro ko. Tumawa lang siya.

Limang minutong lakarin pa ang bahay namin mula sa kanto kaya naman hindi ko mapigilan na makaramdam ng hiya gayong napagod pa siya sa paghatid sa 'kin.

Tumigil ako sa paglalakad nang malapit na kami sa bahay. Lumingon ako kay Dayne na napatigil din sa paglalakad.

"'Yun ang bahay namin," tinuro ko ang bahay namin na beige ang pintura sa labas at mayroong dalawang palapag. "And that's a toxic household right there," I warned him, "Kaya na-appreciate ko 'yung paghatid mo, pero hanggang dito nalang ha?"

Tumango siya, "I understand."

"Message mo nalang ako kapag nakauwi ka na," bilin ko sa kaniya na sinang-ayunan niya.

Tumalikod na siya at akmang hahakbang na paalis nang muli niya akong nilingon at tinanong, "hindi mo ba ako ihahatid sa kanto? Baka maligaw ako."

Sinamaan ko siya ng tingin at ilang sandali ay sabay kaming natawa.

"Bye, Carmeline," he said with that cute smile of his.

Among All NightmaresWhere stories live. Discover now