Chapter 19

12 5 0
                                    

Trigger Warning: This story contains disturbing content, such as scenes of violence, self-harm, suicide, sexual assault, mental illness, and verbal abuse.

If any of these triggers you, it is advisable to avoid continuing with this chapter.

Instead of spending Christmas eve with my Mama, I decided to spend it with Papa's side of the family. Lahat ng tita, tito, at mga pinsan ko ay naroon sa bahay ni Lola at nagkatipon upang sama-samang magdiwang ng noche buena.

"Carmeline, bigyan mo nga kami ng yelo rito," utos ng isa kong tito.

Piliin ko man na parating magpasko kasama ang pamilya ni Papa, I never actually enjoyed it. Parati kasi na ako ang utusan nila gayong wala naman talaga akong ka-close para maka-bonding. Para sa kanila, assistant lang ako ni Lola. But that's better than spending it with Mama. I once tried that. Kung ang pamilya ni Papa ay halos 'di ako kibuin, ang pamilya naman ni Mama ay puro pagpuna sa kung anu-anong mga bagay na mapansin nila sa 'kin.

"Ate Carmeline," tawag sa akin ng nakababata ko pinsan, "Pahingi po graham cake." Tumango lang ako at kinuha 'yun sa ref para sa kaniya.

While everyone was having fun at the living room, bonding together, I was at the kitchen washing the dishes that we used during our dinner. Hindi pa nga noche buena 'yun.

"Sipag ah," Clint entered the kitchen, teasing me.

"Walang choice," tipid kong sagot nang hindi lumilingon sa kaniya.

"Tulungan na kita." Hindi na ako kumino nang tumabi siya sa akin at tinulungan talaga ako.

"Anong taon na, Carmeline, ayaw mo pa rin subukan makihalubilo sa kanila," may katotohanan niyang saad.

"Kelan ba ko naging belong diyan?" Hindi ko na napigilang itanong, "Mula nang mawala si Papa, parang pati ako, nawala na rin," mapait kong sabi.

"Sorry," he suddenly said.

"Sorry for what?" I asked.

"Sorry kasi napapabayaan kita 'pag nandiyan sila," paliwanag ni Clint.

I scoffed, "Bakit? Obligasyon mo ba ako?" Pabiro kong tanong.

"Oo." Napangiwi ako sa sagot niya. But then, he explained, "Bata palang tayo cino-consider na kitang obligasyon ko." Nagulat ako sa biglaang pagseseryoso niya.

"Ngayon lang ako gan'to, sulitin mo na," biro niya, ngunit sa seryosong tono pa rin. "Ikaw 'yung unang tao na tinuring kong kapatid. Kaya gusto ko rin na maging dependent ka sa 'min, 'di 'yung sinasarili mo lahat."

Hindi ko inaasahan na biglang magiging matured ang pananalita niya. I greatly appreciate him sa mga sinabi niya. Hindi ko alam na kung paano ko pala siya pahalagagan ay ganun din siya sa 'kin.

"Dependent naman ako sa inyo ni Lola," I shrugged, "'Di mo ba pansin?"

"Hindi lang naman kami ni Lola ang meron ka. Ang laki-laki ng panilya natin."

I chuckled, "I'm nothing to anyone else, gets mo ba? I only have you, lola, and Dayne. Kung walang ibang may gusto sa 'kin, then be it. Nasanay na rin naman na ako."

Sa huli, napbuntong hininga nalang siya, "Okay. Mas kilala mo naman ang sarili mo kesa sa 'kin. Basta tandaan mong narito palagi ang kuya Clentong mo." Binanggit niya 'yung pangalan na parati kong tinatawag sa kaniya noong bata pa kami.

Just like Lola, I understand that Clint just wanted to teach me kung paano humingi ng tulong sa iba para hindi ako mag-isa. But, I refused to follow their requests dahil kuntento naman na ako sa kanilang tatlo.

Among All NightmaresWhere stories live. Discover now