Chapter 9

28 11 21
                                    


"Kaya mo na bang tumayo, Nay?" Tito Rigel asked Lola. Dalawa sila ni Clint na umaalalay kay Lola.

"Ano ba kayo! Hirap lang ako sa paghinga pero may paa pa naman ako!"

I cleaned up everything inside the room. Ang mga gamit namin ay nilagay ko na sa mga bag namin. Tinulungan naman ako ni tita Rina na siyang naglipit ng kama matapos umalis ni Lola mula rito.

She's finally getting discharged today. We basically just spent three days here, at masaya ako. The doctors told us that her condition isn't that severe. Kailangan lang talaga niyang mag take ng medication at magpahinga palagi.

I messaged Mama and informed her about it. Sinabi ko rin sa kaniya na sa bahay ni Lola muna ako mamamalagi, at ang tanging reply niya ay 'bahala ka sa buhay mo.'

Sa kotse kami nila tito Rigel sumakay pauwi. Nang makarating sa bahay ni Lola, agad namin siyang inalalayan papasok hanggang sa kaniyang kwarto.

Saglit na nagbilin sina tito at tita kay lola tungkol sa mga gamot at sa pagpapahinga. After no'n ay nagpaalam na si Lola na matutulog na raw muna siya, kaya naman lumabas na kami ng kwarto niya.

Nang akala ko'y aalis na sila, tita Rina went up to me.

She had a smile on her face, friendly enough, "Take this, Carmeline," she grabbed something from her pocket and forcefully transferred it to my palms. Nang bitawan niya ang kamay ko, nakita ko ang ilang libong pera sa palad ko. "Appreciation lang namin 'yan para sa efforts mo. You sacrificed a lot para alagaan si Lola. Ilang araw ka na nga rin absent."

I shook my head. Binalik ko sa kaniya 'yun. "Tita, I'm doing this for Lola. Ano pong essence ng sakripisyo kung kailangan pong bayaran? I assure you, tita, okay lang po sa 'kin kahit wala niyan. At ayoko rin naman pong tanggapin, pasensya na po."

"You're still as kind as ever. God bless your wonderful heart and soul," bigla niya akong niyakap. Hindi naman ako nakapalag at yumakap na lang din sa kaniya pabalik.

"Dalhan ka nalang namin dito ng snacks, 'nak," pagsingit ni tito Rigel.

Napangiti na lamang ako sa ideya, "pwede na po 'yan!" I agreed with a smile.

Nagbilin din sila sa 'kin ng iilan pang mga bagay. They also promised to visit from time to time gayong malapit lang naman sila.

Before they left, I personally requested Clint na kunin ang mga gamit ko sa bahay namin. Since he's not allowed to go in my room, nag message ako ng pakiki-suyo kay Mama na ilagay sa isang bag ang mga gamit na kailangan ko. I'm really grateful na cooperative siya ngayon.

The house was really untidy and also a bit dusty, so I decided to clean it up. Nang maubos na ang gawain ko, napagdesisyunan ko na replyan ang kanina pa palang nag message sa 'kin na si Dayne.

Nazaire Dayne

Nazaire Dayne:

Hey Vionna

You still at the hospital?

Vionna Carmeline:

nah, nasa bahay na kami ni lola

quit the vionna

Nazaire Dayne:

Need some company, Vionna?

Vionna Carmeline:

Stop.

And no, I don't need company. You better get some rest.

Among All NightmaresWhere stories live. Discover now