"Welcome sa ating grade 12 life!" Dayne cheerfully yelled when we entered the school gate. Napatingin tuloy ang lahat sa kaniya at ang iba ay nagtawanan. Sa sobrang hiya, pasimple akong lumayo sa kaniya. Nang lumingon ako sa kaniya, nakita kong tawa siya nang tawa sa ginawa ko. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.
Time drifted swiftly. After a few months of vacation, we're back to reality.
Marami ang nabago sa mga kaklase ko. Ang iba ay nalipat ng section o lumipat ng school, at may mga nalipat din naman sa amin. Iilan din lamang ang transferees.
Something unexpected happened that week. Life never fails to astonish me with surprises.
"I nominate Carmeline for the position of President," one of my classmates said during our school officers nomination.
"M-Me?" napahawak ako sa 'king dibdib at napangiwi.
"Her? Over Drusilla?" Nakangiwi rin ang iba kong mga kaklase. Nasaktan ako sa reactions nila, pero gets ko naman. I'm not fit for the position.
"Yes! Why not?" Evelyn, the girl who nominated for me, said. "I mean, come on. She's capable. Ilang beses ko na 'yan naka-grupo, she has the brains. Hindi 'yan nawawalan ng ambag kahit lowkey lang. Kahit mahiyain, she always expresses her opinions and suggestions, showing that she actually cares for the group."
My jaw literally dropped upon hearing her statements. It's surprising na may nakakapansin ng mga gano'ng bagay.
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang pagbabago ng reaksyon ng mga kaklase ko.
Wait. Are they being convinced?!
My heart was racing that time. Pa'nong hindi? I was being the center of their attention!
Biglang tumayo si Drusella kaya bumaling ang atensyon ng lahat sa kaniya, "Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa posisyon na 'yan?" mataray niyang tanong. Kaibigan ba naman ni Marina, eh.
"Unlike you, tamang utos lang, 'di marunong makinig," matapang na sagot ni Evelyn. Everyone gasped, including Drusella who looked very shocked.
"Tama na 'yan!" pag-awat sa kanila ng adviser namin.
Hindi pa tumigil si Drusella at dumagdag pa, "Siya pagsabihan mo, ma'am! First week palang, mapanira na 'yung bibig. Napaka bastos!" Umirap pa siya.
"She's just stating facts."
"Yeah, anong paninira do'n?"
"Omsim! Totoo naman, puro ka utos. Leader ka ba o boss?"
Pinigilan ko ang sarili ko na matawa nang sunod-sunod na nag-agree 'yung iba pa naming kaklase. Halos mamula na sa galit si Drusella. Our adviser looked somehow amused while watching them. Kunyari pang sinuway sila, kulang nalang naman sa kaniya popcorn.
"Oh, and what makes you guys think that Carmeline can handle such responsibility?" tanong ni Drusella sa kanila.
"What makes you think she can't?" Evelyn asked back.
Hindi kaagad nakasagot si Drusella. Wala sa sarili akong napangisi. Ewan ko ba, pero nabawasan 'yung kaba ko nang malaman na kampi naman pala sa akin 'yung iba. Although, I have a feeling na ginagawa lang nila 'to para gantihan si Drusella sa pagpapahirap sa kanila last school year. Good for them, may lakas na sila ng loob magsalita.
"W-Well... Look at her. Napaka tahimik. A president must be confident enough," she replied with her head held high.
"She's actually improving. I noticed how she gained confidence nung naging sila ni Dayne. 'Di mo ba narinig 'yung self introduction niya kahapon? Compare it to how she did it last year. Tsaka a president doesn't have to be perfect. And stop being delusional. She's clearly more qualified than you are."
BINABASA MO ANG
Among All Nightmares
Подростковая литератураVionna Carmeline Lovisa always gets disrupted in her sleep because of the vivid nightmares that always haunt her at night. Each time it occurs, she finds it difficult to fall back asleep again. Upon discovering this, the extroverted and carefree Naz...